15Hell
Nero’s POV
Nagising ako nang may maramdaman akong malamig na bagay na tumutusok sa kamay ko.
“Gising ka na.”
Malabo pa ang mga paningin ko.
“Anak, okay ka na?”
“N-Nay?”
“Ako nga... apat na araw kang walang malay, anak...”
Apat na araw?
Ang huling natatandaan ko ay may humihila sa mga paa ko sa isang lugar na napakadilim. Paanong buhay pa ako gayong naramdaman ko rin ang init ng lugar nang bumuka ang inaapakan ko?
Pero buhay pa talaga ako.
Maya-maya ay iniwan na nila akong mag-isa.
Naghihintay akong may magsabi ng pangalan ko na sumasabay sa hangin pero wala akong narinig.
Tapos na ba?
Tinignan ko ang katabi kong mesa... nandun pa rin ang cellphone pero tahimik naman. Hindi nagri-ring.
“Tapos na ba? Wala na?” hinawakan ko yun. Walang nangyari. “Tapos na...”
***
“Nay, punta lang ako sa bayan, bibili ako ng gamit ko sa school,” paalam ko kay nanay. Makalipas ang dalawang linggo, pinalabas na rin ako ng ospital. Walang nangyari pagkatapos nun. Ngayon ay papasok na ako sa susunod na semester.
“Mag-ingat ka, yang cellphone mo, baka mawala.”
“Opo.”
Nagagamit ko na rin ang cellphone na napulot ko. Nakakapagtext na. nakakapantawag na rin. nabura lahat ng larawang kinatatakutan ko. Lahat ng mga nakasave. Biglang na-reformat.
Sumakay ako ng bus papuntang bayan. Matagal-tagal na ring hindi ako nakakapunta ng bayan sa takot na may mangyari na naman.
Isang oras din ang byahe papuntang bayan.
Sa isang stopover ay may tumabi sa aking mga labing isang taong gulang na batang babae. May kasama siyang isang matanda, lola siguro niya.
Tinignan ko siya at ngumiti, ang kyut niya, grade six siguro.
“Madilim ang aura mo po.”
“Ha?”
“Karen, ssh,” sabi ng matanda sa bata at tinignan ako.
“Lola, madumi ang pagkatao niya. May sumusunod sa kanya, hindi lang isa, marami sila.”
“Ano ulit yun?” anong sumusunod? Marami?
“Pasensya ka na, hijo, talagang ganito lang ang batang to kaya pagpasensyahan mo na...” hinawakan niya ang bata sa kamay, “Halika na nga,” tapos bumaba na sila hindi pa man nakakalayo ang bus. Parang nagmamadali sila.
Tinignan ko sa bintana ang mag-lola, nakatingin sa akin yung bata habang ang matanda ay hawak-hawak ito sa kamay. Pinagsasabihan din niya ang bata.
“Weird,” sabi ko sa sarili ko.
Pagbaba ko sa bayan ay diretso ako sa bookstore para dun bumili ng mga notebooks ko.
Dahil kunti naman ang tao ay nilubus-lubos ko ang pagpili.
Habang namimili ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong makitang kakilala o ano.
“Hayan ka na naman, Nero,” napailing ako sa sarili ko.
“Nero...”
“Ha?” napalingon ako sa babaeng dumaan sa likuran ko. “Miss, tinawag mo ba ako?”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Christine Neri!” bulalas ko tapos napaatras pa.
Napakurap ako.
Sa pagkurap ko ay nagbago na ang itsura niya.
“Hindi po ako si Christine,” sabi nung babae sabay alis na parang iniisip kong nasisiraan na ba ako ng bait.
Pero di ako pwedeng magkamali. Si Christine Neri ang nakita ko.
Di ko pa rin makalimutan ang suot niyang damit nung mamatay siya. May dugo pa ngang umaagos mula sa mga nabubog niyang mukha. Sunog din ang katawan niya. Siya yun!
Dali-dali akong nagbayad sa cashier.
“Nero...”
Habang kinukuha ang wallet ko sa pantalon ay narinig ko an namang may tumawag sa akin.
Pagtingin ko sa babaeng nasa cashier ay siNatalie. Yung babaeng namatay sa aksidente... hindi aksidente... yung babaeng pinatay netong cellphone!
“Sir, sabi ko po, 380 lahat.”
“H-Ha?”
Nagbago na naman. Naging normal na naman ang mukha niya.
Iniabot ko yung bayad ko at umalis na rin agad.
Parang lahat ng nasa paligid ko ay tintawag ang pangalan ko.
Tapos na to.
Tapos na.
Ano na naman tong nangyayari?
Matagal nang tahimik ang buhay ko!
***
Author: May nagbigay ng ideas sa kin. Hindi sino... kundi ano... hinde kelan... kundi paano. ^_^ Labo ko. XD
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Horor☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®