5Hell
Nero’s POV
Kagagaling lang namin sa presinto, nagbigay ako ng statement ko.
May mga frat members na naghabulan at umabot sa lugar ng dorm namin. Naglabas ng baril ang isa at nagpaputok ng nagpaputok... isa sa mga putok na iyon ay tumama kay Vince... sa noo niya. Patay siya agad... sa harap ko pa mismo.
“Nero, hoy, Nero!”
Mula sa pagkakayuko ay tumingala ako kay Zoe. Nasa ospital kami ngayon at hinihintay na lang ang mga kamag-anak ni Vince. “Oh?”
“Okay ka lang?”
Panu ako magiging okay?! Alam kong mangyayari iyon pero di ko man lang napigilan! “O-oo.”
“Bili lamang ako ng maiinom sa baba ha? Dito ka na lang,” pagkatapos niyang sabihin ay umalis na siya.
Bumalik ako sa pagkakayuko.
Iniisip kung ano ba ang mga nangyayari sa ngayon. Bakit nangyayari to sa akin ngayon? Pwede namang iba na lang! Psh. Kung di lang sana ako naging gahaman sa cellphone na yun!
Nilabas ko ang cellphone. Naalala ko ang entry 6 number 3. Sinasaad dun na maaaring ipasa ang cellphone. Kanino ko ipapasa?
Pumikit ako at dumilat ulit.
Naramdaman kong may humawak sa pisngi ko.
*drip*
*drip*
*drip*
Mula sa kung saan ay may pumapatak ay may pumapatak... tumingin ako sa gilid-gilid ko... walang tao, malayo din ang CR doon.
Maya-maya ay nagpatay-sindi ang mga ilaw kasabay ng paglabas ng mga nurse sa kani-kaniyang kwarto na kanilang chine-check sa oras na iyon.
“Nurse,” tawag ko sa isa, “nurse.”
Walang pumapansin sa akin. Tuloy lang sila sa paglalakad.
Tumayo ako at inapproach ang isa, “nurse, anong nangyayari sa ilaw?”
“Sir? Ano pong ilaw? Okay naman ah?”
“On-off nga eh, di mo ba nakikita?”
“Po?”
Di ko na siya pinigilan nung naglakad na siya palayo. Paanong okay ang ilaw eh namamatay sindi nga?
Bumalik ako sa upuan ko. Hilo lang siguro ako. “Oh, nandiyan ka na pala!” sabi ko keh Zoe, nakita ko siyang nakaupo na sa bench. Nakayuko siya at dahil patay-sindi ang ilaw ay hindi ko makita kung natutulog siya. Umupo ako at diretsong nakipagtitigan sa pader.
Mula sa side ni Zoe ay may inabot siya sa aking bote ng tubig.
“Salamat,” kinuha ko yun at ininom na. Ilang lagok na ang ginawa ko ng mapansin kong malagkit ang bote ng tubig. Tinigil ko ang pag-inom at tinignan ang kamay ko, “shit naman, Zoe, ano ba to?”
Still no response from him.
Nandidiri na talaga ako sa nakikita ko sa bottled water. Dugo eh! Nakalinis naman na kami kanina ni Zoe ng katawan nung dalhin namin si Vince sa hospital so saan nanggaling yun?
“Hoy, Zoe!”
Pagkatulak ko kay Zoe ay ang pagbukas ng ilaw at nakita ko kung sino talaga ang katabi ko ngayon!
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Horror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®