18Hell
Nero’s POV
Biglang gumewang ang takbo ng bus.
Kinabahan ako.
Hindi ako nakahanda para dun kaya gumulong ako hanggang sa magkabanggaan kami ng ibang pasahero, kimkim ko ang krus na naputol sa rosaryo.
Nakarating ako hanggang sa malapit dun sa driver.
Tiningala ko siya.
“Tangina, Zoe! Tigilan niyo na ako! Nananahimik na ang buhay ko!” sigaw ko at pinilit kong tumayo.
Humawak ako sa metal na nasa gilid ng driver pero sinipa niya ako at muli akong nawalan ng balanse. Lalo kong hinigpitan ang pagakapit ko at muling sinubukang tumayo.
“Ikaw na lang ang hinintay namin, Nero,” nasa tabi ko na si Vince.
Mariing umiling ako. “Hindi! Hinding-hindi ako mapapasama sa inyo!”
Nasa tabi na ako ng pinto at pagewang-gewang pa rin ang takbo.
Nagtawanan ang mga nasa loob ng bus.
Pahkuwan ay napapikit ako.
Pagmulat ko ay para akong napasok sa isang wharp hole at naging normal na ang lahat.
“Boy, bababa ka na ba?”
Paglingon ko ay nakita ko ang konduktor sa likuran ko.
“Ho?” noon ko lang napansin na totoong nasa may pinto na ako. “Opo, dito na po ako,” sagot ko.
Hinintay kong tumigil ang bus.
Nasa kamay ko ang mga binili ko, walang sira ang mga yun.
Pero ang rosaryo... tanging ang krus na lang ang naiwan at may basag pa sa gitna.
Sinundan ko ng tingin ang ngayon ay papalayo ng bus. Sa likuran ay nakita ko sina Zoe na nakatingin sa akin at may sinasabi pero di ko mabasa ang mga bibig nila.
Hindi.
Hinding-hindi ako susunod sa kanila.
Di ako mapapasama sa mga namatay na.
Mainit ang sikat ng araw at wala man lang masisilungan doon.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang abandonadong tindahan. Doon ako maghihintay ulit ng sasakyang pauwi. Nakakapagtakang walang kabahay-bahay doon.
“Katapusan! Malapit na ang katapusan...” paulit-ulit na sabi ng isang lalakeng baliw na may nakasabit na kung anu-ano sa katawan. Dumaan siya sa harap ko at nang medyo nakalayo na ay tumingin ulit siya sa akin, “ikaw!” nakaturo ang daliri niya sa akin. Ako lang naman ang nandoon, “malapit na ang katapusan mo! Oras mo na! Oras mo na!” tatawa-tawang umalis siya,
Habang papalayo ang baliw ay mas lalong nagiging nakakatakot ang boses niya.
Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.
Kumulimlim din ang langit na sinamahan pa ng pagkulog.
“Uulan pa yata,” nasabi ko sa sarili ko habang panay ang pagtingin sa magkabilang dulo ng kalsada.
Wala pan dumaraang sasakyan.
Dumilim na ang paligid gayong mag-a-alas dos pa lang ng tanghali. Malamig na rin ang simoy ng hangin at ang tanging maririnig ay ang ingay ng mga nababagabag na insekto sa paligid.
Parang may nagbabadyang panganib.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa krus.
Kakampi ko Siya.
Matutulungan Niya ako.
“Nero...”
Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses.
Humahampas ang mga puno sa simoy ng hangin.
May bagyo ba?
Ano to?
Kanina lang ay mabuti pa ang panahon.
“Nero...”
Luminga-linga ako.
“Nero... katapusan mo na...”
Napako ang tingin ko sa isang dulo ng kalsada.
“Christine...” hindi ako maaaring magkamali!
Si Christine nga iyon at umuusok pa ang katawan niya habang nalalagas ang mga balat niya sa katawan!
“Nero...”
Lumingon ako.
Bumukas ang bintana ng tindahan at doon ay may sumilip na isang lalake. Basag ang bungo at kitang-kita ang utak niya na nagkalat sa buong mukha niya.
Napatakbo ako sa gitna ng kalsada. Lumabas mula sa tindahan ang lalake habang iniaalay ang kamay niya sa akin.
Ganun din sa Christine na papalapit ng papalapit.
Atras lang ako ng atras.
Sa pag-atras ko ay may nabangga ako.
“Nero...”
Paglingon ko ay nakita ko si Marj! Yung babaeng namatay sa daan. May alambre pang nakapaikot sa leeg niya at masaganang bumubulwak dun ang dugo.
“Patay na kayo, patahimikin niyo na ako!”
“Susunod ka na...” mula sa likuran ng tenga ko ay may bumulong.
Boses ni Vince.
May humawak sa kamay ko.
Si Natalie, ang babaeng namatay sa Construction Site. Pilit niyang binubuka ang kamay kong may hawak na krus, “bitiwan mo yan! Bitiwan mo!”
“Hindi!” sabay hila sa kamay ko at tumakbo palayo sa kanila.
“Wag mo nang subukan pang tumakbo, Nero... di mo matatakasan ang kamatayan...” sumalubong si Zoe sa akin.
“Bitiwan mo ako!” sigaw ko. Malamig ang paligid pero pinagpapawisan ako.
Biglang may humawak sa dalawang kamay ko mula sa likuran.
Si Linda! Ang pinakahuling namatay.
“Susunod ka sa akin...”
“Hindi mangyayari yan!”
Tumakbo ako ng tumakbo. Parang walang katapusan ang kalyeng to.
Naririnig ko pa rin ang boses nila sa likuran ko. Alam kong sinusundan nila ako.
Bakit kailangang mangyari to?
Hindi dapat sa kin nangyayari to!
Kumulog at bumagasak na ang malakas na ulan.
Sa pagtakbo ko ay di ko napansin ang nakausling bato at nadapa ako.
Nabitawan ko ang mga hawak ko pero di ko na pinulot muli at nagbalak tumayo pero napilipit yata ang ugat sa paa ko.
“Oras mo na...”
Napatingin ako sa kanila at nawala sila.
Ang krus!
Luminga-linga ako.
Tumalsik yun sa di kalayuan.
Halos pagapang ako papunta sa kinaroroonan nun.
Pero bago ko pa man mahawakan ang krus ay nakarinig na ako ng malakas na pagbusina mula sa harapan...
***
Author: -_- hindi ko na alam! Esh!
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Terror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®