12Hell

1K 41 4
                                    

12Hell

Nero’s POV

Paglabas namin ng ospital ay di na ako tumuloy sa dorm kasi umuwi na kami sa probinsya. Nag-file na rin ako ng leave of absence sa eskwelahan para makapagpagaling ako at ayun sa kinonsulta naming doctor, kelangan ko daw ng sariwang hangin para mawala ang nakaka-traumang pangyayari na naipon sa utak ko.

Matatanggal pa ba iyon?

Hindi. Mahirap. Lalo na’t di pa natatapos ang kinasusuungan kong katatakutan.

“Kuya, sa labas po muna ako ha? Tinatawag ako ng mga classmates ko eh,” paalam sa akin ni Siella. Inaalalayan pa rin kasi ako sa pagtayo at pag-upo pero kaya ko namang maglakad ng mag-isa, yun nga lang at kailangan ko ng saklay.

Tumango ako. “Mag-iingat ka,” wala sa sariling nasabi ko.

Nasa sala ako ng bahay at nakaharap sa bintana na tanaw ang malawak na palayan. Nasa tabi ko naman ang cellphone at nakahanda na akong sagutin ang kung sino mang tawagan niyon.

Ilang sandali na ang lumipas pero nasa ganoong posisyon pa rin ako.

*zZT zzt ZzT*

May tinatawagan na ang cellphone.

“Oh, kuya? Napatawag ka?”

Kuya? Anong ‘kuya’? “S-Siella?”

“Ahysus, kuya, nagtaka ka pa eh naka-save nga yang new number mo dito sa cellphone ko kasi ilang beses nang di-nial ng cellphone na iyan ang number ko nung nasa ospital ka pa lang. May sapi yata ang cellphone mo eh,” tumawa pa si Siella sa kabilang linya.

Bigla akong nahilo.

“Hoy, Sie! Alam mo ba talagang mag-drive o ano?” kantyaw ng isang barkada ni Siella.

“Kaya nga nagpapaturo, di ba?” natatawang pakli ni Siella habang sumasakay sa motor ng kaklase. “Kering keri ko to noh! Minsan naman na akong naturuang mag-drive ng ganito.”

Walang anu-ano’y pinaharurot ni Siella ang motor. Zigzag ang dadaanan at proud pa siyang nag-overtake sa isang bus... hindi niya alam na may makakasalubong siyang 10-wheeler truck.

Pumailalim si Siella sa truck...

“Umuwi ka na ng bahay, bilis!”

“Kuya, naman, ngayon na nga lang kami magkakasama ng tropa eh. Sige, ba-bye na muna, uuwi din agad ako, promise!”

*toot toot toot*

Mag-da-dial sana ako nang maalalang hindi pala pwedeng gamitin ang cellphone na iyun na pantawag o pan-text, kusa palang gumagalaw yun.

Kinuha ko ang tunay kong cellphone.

“Shit, low bat!” napamura ako ng sunud-sunod. Kinailangan ko pang tumayo para kunin ang charger sa taas ng tokador.

“Nero! Nero! Ang kapatid mo...!”

Nagulat na lang ako nang pumasok si Ka Lucio sa loob ng bahay, kapitbahay namin siya. Humihingal pa. “Ho?” hindi na ako masyadong nagulat pero nasa loob ko pa rin ang takot.

“Pumailalim ang kapatid mo sa truck! Tinakbo na siya sa ospital, napuruhan ang ulo niya!”

“B-buhay pa siya?”

“O-oo. Tinakbo na nga sa ospital, dali, asan ba ang nanay mo?”

Tinakbo sa ospital? Ibig sabihin, hindi pa siya patay!

***

Author: Madaliin na to! XD

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon