9Hell

1.1K 42 11
                                    

9Hell

Nero’s POV

Napapalunok ako habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya. Hindi ko na nakuhang tignan pa kung anong numero ang tinawagan ng cellphone.

“Hello?” magulo ang background ng tinatawagan ng cellphone.

“Hoy, pare! May tumatawag sa cellphone mo!”

“Sagutin niyo na nga lang, panggulo naman kayo eh!”

“Bahala ka!”

Yan ang mga naririnig ko sa kabilang linya. Pulos sila mga lalake at may maingay pang kanta sa background nila.

Maya-maya ay biglang may sumabog sa kabilang linya, nagtakbuhan ang mga tao pero may ilan na naiwan sa loob at natabuann ng gumuhong gusali, nagkaroon ng malaking sunog at naulit ang pagsabog---

“Hello? Hoy, sabi ko ‘hello!’” sigaw ng nasa kabilang linya.

May kumakausap na pala sa akin doon.

Naibaling ko sa iba ang tinutungo ng isipan ko, imahinasyon ko lang pala iyon.

“Hello?”

“Bakla ka ba? Stalker ka ni Zoe noh?”

Ano daw?! “Stalker nino?!” napagkamalan pa akong bading!

“Bingi! Stalker ka ni Zoe! Pare, may stalker ka na!” at nagtawanan sila.

“Gagu, akin na nga yang cellphone ko---Hello?” ibang boses na ang sumagot sa akin ngayon.

“Zoe?”

“Oh, sino to?”

Shit! Si Zoe nga! “Si Nero to---“

“Nero! Pasensya na! Di ako makakauwi ngayong gabi, nasabit ako sa barkada eh.”

“Umuwi ka na muna ngayon, pare, may sasabihin lang ako saglit,” bahala na. Idahilan na ang pwedeng idahilan!

“Sabihin mo na lang dito sa cellphone, pare, alam mo naman na may ‘unfinished business’ ako dito,” sabi pa niya sa akin.

“Umiiral na naman ang kamanyakan mo, umuwi ka na muna *toot toot toot*” nagbusy tone na. Buwisit. Dapat kasi hindi limited ang oras! Bigla-bigla na lang namamatay.

Sana nakuha ni Zoe ang mensahe ko na dapat siyang umuwi.

^^^Entry 10^^^

“Ang sabi, dapat makailigtas ako ng kahit na isa sa mga taong tinatawagan nitong cellphone dahil sa pamamagitan niyon, mapuputol ang sumpang nagdidikit sa amin ng cellphone na ito.”

Patuloy kong binasa ang Entry number 10 na iyon, bigla kasi iyong napunta doon nung mamatay ang tawag.

“Sinunod ko naman pero ang hirap pala. Akala ko ganun kadali. Sa bawat tawag na nagaganap, nakabantay lang ang mga namatay na at patuloy silang nadaragdagan---“

“Nero!”may kumatok sa pinto.

Si Zoe!

Itinigil ko muna ang pagbabasa at pinagbuksan siya ng pinto. Kung hindi nga lang sana nakakabading na tignan ay niyakap ko na siya.

Ano bang sinabi sa Entry? Hindi ba’t sabi na kapag nakailigtas ka ng kahit na isa sa mga taong tinatawagan ng cellphone ay mapuputol ang malas?

Nailigtas ko si Zoe!

Naihiwalay ko si Zoe sa dapat na mangyari!

“Buti’t umuwi ka!” sabi ko na lang.

Nagkibit-balikat siya, “kaw kasi eh, oh ano atin? Di pa ako nakabili ng kakainin, pasensya ka na.”

Pumasok kami sa loob ng kabahayan. “Okay lang yun, akin na ang pera at ako ang bibili,” pagbubuluntaryo ko.

“Sabi mo yan ha? Oh, eto,” iniabot niya sa akin ang dalawang daan, “ikaw na ang bahala at magpapakulo lang ako ng tubig,” tinapik niya ako sa balikat bago nagtuloy sa kusina.

Kinuha ko muna ang cellphone sa pinag-iwanan ko bago lumabas.

Sa may gate ay nakita ko sina Vince... lahat nakatingin sa akin... naiiling...

Pumikit na lang ako para malampasan sila.

“Hoy, Nero!” bati sa akin ng mga nalalampasan kong kapwa ko estudyante, tinatanguan ko lang naman na sila.

Nangangalahati na ako sa paglalakad papuntang palengke ng biglang umilaw ulit ang cellphone. Oo nga pala, yung binabasa kong entry.

“---at nadaragdagan sa bawat pagtatapos ng isang tawag. Nung minsan, akala ko ligtas na ako. Kasi nailayo ko ang isang tao sa tiyak na kamatayan... pero nag-iba ang lahat... naihiwalay nga siya... nailayo nga siya... pero sa paglayo niyang iyon at pagiging kampante ko, bigla uling sumugod si kamatayan---“

Nangunot ang noo ko. Anong ibig sabihin nito?!

“Hindi pala iyon magtatapos sa mailigtas mo lang siya minsan... dahil may tiyak pa iyong kasunod---“

“Shit!” tumakbo agad ako pabalik. Kung tama ang iniisip ko, hindi pa tuluyang ligtas si Zoe... ako... “Zoe!” sigaw ko kahit ilang metro pa ang layo ng dorm sa akin. Napapatingin na rin ang iba sa akin. Nagtataka siguro sila kung bakit ako tumatakbo gayong ang lapit na lang din naman ang dorm.

Ilang kanto na lang ang layo ko. Dapat makaabot ak---

BOOM!

At tumalsik ako sa gilid ng daan habang nararamdan ang init ng paligid.

***

Author: Rushing things. So hard having 3 on-goingsss at a time.

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon