Nero’s POV
“Anong nangyari sayo at di mo sinasagot ang cellphone mo, ha?”
“Nay, busy po kasi ako sa school,” kausap ko ang mama ko sa totoong cellphone ko. Kagabi pa siya nagpapa-miss call eh pero di ko sinasagot kasi busy ako sa paghalungkat sa bagong cellhone na nasa akin.
“Oh, siya, mag-ingat ikaw diyan, hane? Wag kang magpapabaya.”
Natapos na ang pag-uusap namin.
Nasa school ako na ako ngayon. Naisipan kong maghalf day na lang ako kesa naman whole day na mag-absent. Wala naman akong gagawin sa dorm eh, baka kung ano pa ang madagdag sa imagination ko, mahirap na.
Naramdaman kong may nag-vibrate sa bag ko. Hindi naman naka-vibrate ang cellphone ko na totoo. Yung cellphone na napulot ko siguro yun.
Calling...
+639######666
Sino naman kaya to ngayon? Nasanay na kasi ako na ang cellphone ang kusang tumatawag at hindi ang tinatawagan. Lumayo ako ng kunti sa kinalalagyan ko, may mga estudyante kasi dun eh. Baka marinig pa nila ang takbo ng usapan.
“Hello?” sagot ko.
-buzz sound-
“Hello?” ulit ko.
-buzz sound-
Naiinis na talaga ako dito. Hinintay kong may sumagot sa kabilang linya pero unti unting nagbago yung buzz sound na iyon sa parang tunog ng may iniihaw.
Parang may sinusunog.
Tapos may narinig akong nag-ma-martilyo, may mga humahalinghing pa sa background nun.
“Hello?”
“W-wag! Ahhh! Wag!”
“Gago! Pinagsasabi mo?” lagaslas naman ng tubig ngayon ang narinig ko.
Tumahimik na ang background sa kabilang linya.
Humangin ng malakas sa kinalalagyan ko. Yung itipong maiiaangat ang palda ng mga babaeng estudyante. Lumingon ako pero para namang walang hanging dumaan. Kumunot ang noo ko. Pwede ba yun? Noon nga, kunting ihip lang ng hangin ay parang palakang natubigan na ang mga estudyante dun pero ang malakas na hangin, wala man lang ba silang reaksyon?
Binalikan ko ulit ang pakikipag-usap sa cellphone, “hello? Ano ba?”
Bwisit.
“Nero...”
Nanindig ang balahibo ko sa batok. Parang may humawak na malamig na kamay sa batok ko. Hindi rin mula sa cellphone ang pinanggalingan ng boses.
Lumingun-lingon ulit ako. Baka may tumatawag sa akin pero di ko lang marinig.
Wala naman akong kilala doon.
-toot toot toot-
Busy tone na ang cellphone.
“Nero...”
Shit! Ano ba yun? Hindi talaga galing sa cellphone! Nasa paligid ko lang! Sigurado ako.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Doon ako bumuklat buklat ng mga libro ko. Baka kasi magkaroon ng surprise quiz, mahilig pa man din sa ganun ang mga teachers namin.
“Nero...”
Kung sino man yan, sana mamatay na!
This time, mula sa tabi ko ang tumatawag sa akin. Tangina. Kanina pa ako pinagti-trip’an nito ah! Di ako tumingin, bahala siyang kumausap sa sarili niya.
“Nero...”
“Nero...”
Dalawa na silang tumatawag sa akin. Tangina talaga. Di ba talaga sila titigil eh nakikita na nga nilang nag-re-review ako?!
“Tangina naman, pre! Di ba talaga---“
“Nero...”
“Layuan mo ako!”
Tinulak ko pa ang babaeng tumabi sa akin. Si Christine Neri!
Sa likuran niya ay isang lalakeng duguan ang mukha at lumalabas ang utak! Pareho silang tumatawag sa akin at nakalahad ang mga kamay sa akin.
Sa pag-atras ko ay napaupo ako sa semento.
Nakaramdam ako ng sakit sa aking puwitan. Napapikit ako.
Pagmulat ko ay wala na sina Christine at yung lalake.
Ang nandun na lang ay normal na school girl at normal na lalake, mukhang magka-klase sila at pareho pa silang natatawa sa akin.
Nakarinig ako ng mga hagikgik sa paligid. Pinagpapawisan ako ng malapot. Nanlalaki din ang mga mata ko. Di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pangalawang beses na ito, hindi na maaaring imahinasyon ko na naman.
Dali-dali akong bumangon at tumakbo sa CR.
Pagpasok ko doon ay hinawakan ko ang cellphone. Nagpunta na naman yun ng kusa sa gallery, dun sa “DONE” tapos ay biglang na-maximize ang picture ng isang lalake, yung nakita ko sa “SOON” kanina lang. Yung hindi ko ma-distinguish kung lalake o babae. Nasa DONE na siya, ibig sabihin ba nito, patay na siya sa ngayon?
“Hindi to totoo. Shit.”
Tinapon ko sa basurahan sa labas ng CR ang cellphone. Bakit ako manghihinayang kung napulot ko lang anman yun? Mas mabuti ng mawala yun kesa sa magkaroon ako ng mga nakakatakot na karanasan dahil lang dun.
Pumunta na ako sa next class ko... pero di pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyare kani-kanina lang.
***
Author: Yes, lame na lame. Di naman kasi ako expert sa horror. Mwehehe.
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Horror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®