17Hell

959 29 8
                                        

17Hell

Nero’s POV

“Uuwi na po ako,” paalam ko sa mag-lola na nadatnan kong kumakain sa labas. Tanghali na pala.

Tumingin sila sa akin, “kumain ka na muna, hijo.”

“Hindi na po, baka nag-aalala na rin po sina inay sa akin.”

“Ihahatid na po kita sa labas,” sabi ng bata sa akin.

Nagsabay kaming naglakad hanggang sa gate. “Salamat,” nginitian ko pa rin siya.

Nakakuyom ang palad niyang inabot sa akin, “para po sa iyo.”

Ibinuka ko ang palad ko at doon ay inilagay niya ang nasa palad niya, isang rosaryo, “wag mo pa rin pong kakalimutang magdasal. Kakampi mo po siya, kakampi natin po siya.”

“Salamat.”

“Mag-iingat ka po.”

Naglakad na ako, sa nakikita ko ay malapit lang ang highway doon kaya doon na ako sasakay pauwi. Nilingon ko ang bata na hindi pa rin pumapasok sa loob ng bahay. Malungkot ang mga mata niya. Kumaway pa siya sa akin.

“Nero...”

Nananayo ang balahibo ko sa batok at parang bumigat ang likod ko.

“Nero... sumama ka na sa amin, Nero...” nanlamig ang pulsuhan ko sa kamay. Parang may humawak sa magkabilang braso ko at patuloy na may bumubulong.

Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa rosaryo na binigay ng bata at sa kabilang kamay naman ay yung mga binili ko kanina lang.

Nakarating ako sa may waiting shed na may bumubulong pa rin mula sa kung saan pero ramdam kong nanlalamig ang katawan ko pero pinagpapawisan naman ako.

Makulimlim pa rin ang langit pero di naman mukhang uulan.

Dumating ang bus at nakipagsiksikan akong sumakay.

Pagtingin ko sa likuran ko ay may kumalabit sa akin.

Napalunok ako.

Ang nakangising mukha ni Christine Neri. Binaling ko sa iba ang tingin ko. Sumakay na lang agad ako at pumwesto sa ikatlong upuan na kalinya nung driver.

“Saan ka, boy?”

“Sa Kalye Laureta po,” kinapa ko ang wallet sa bulsa ko. “Ito po---“

“Isang byaheng impyerno...” at tumawa pa si Vince ng parang nakakaloko. Nagmukhang demonyo si Vince at nagbago na rin ang mga pasahero sa bus. Lahat ng hindi ko nailigtas ay nandoon at si Zoe ang driver. Pati katabi ko ay basag rin ang mukha at hindi ko maaninag kung sino.

Nakangisi silang lahat sa akin.

“Wag...” impit ang boses ko at ni hindi ako makasigaw.

Napansin kong gumewang-gewang ang takbo ng bus.

“Impyerno ang patutunguhan mo, Nero...”

“Impyerno...”

“Impyerno...”

“Hindi!”

Pagkuwan ay nauntog ang ulo ko sa upuan sa harapan ko.

Minulat ko ang mga mata ko.

“Buhay ako...” bulong ko.

“Saan ka, boy?”

Tinitigan ko ang konduktor.

“Kuya, saan ka daw po,” kulang na lang ay mag-snap ang babaeng katabi ko.

“Ah,” napakurap-kurap ako at kumuha ng pera sa wallet ko, “kalye Laureta po.” Iniabot ko sa kanya ang pamasahe ko. Hindi pa kami masyadong nakakalayo.

“Phew,” pinagpawisan ako gayong airconditioned yung bus. “Panaginip lang pala,” binuksan ko ang palad ko at tinignan ang rosaryo.

Bigla akong nahintakutan. Nakalas-kalas na iyon at ang krus ay may basag sa gitna. Nahulog ang mga beads niyon sa sahig. Natira ang krus sa palad ko pero bigla yung nag-init kaya nabitawan ko.

Pupulutin ko sana pero biglang umiba ang galaw ng bus dahilan para mawalan ako ng balanse.

***

Author: Si JUSTINE na naman po magtutuloy nito kasi alam kong mahal na mahal niya ako. Salamat, bru! XD CHUS! HINDI KO NA ALAM! XD

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon