14Hell
Nero’s POV
Napabalikwas ako ng bangon.
Nakatulog pala ako sa sofa habang hawak ang cellphone na nakapatong sa tiyan ko.
Piangpapawisan ako kahit na tutok na tutok naman sa akin ang electricfan at nasa number 3 pa yun.
Nagblink-blink ang ilaw ng cellphone.
Tinignan ko yun.
Nasa entry 12.
“...diretsong tatalon sa akin ang kamatayan...”
“Diretsong tatalon sa akin ang kamatayan... anong ibig sabihin nito? Nakaligtas na ako!”
*peep!*
*peep!*
Kasabay ng malalakas na pagbusina ay ang sigawan ng mga tao sa labas ng bahay.
Hindi na ako dumungaw sa labas ng bintana, tumakbo agad ako sa likurang pintuan ng bahay, dala-dala ko ang cellphone. Hindi ko na nakuha ang saklay ko kaya paika-ika akong tumakbo palabas.
Pagkatapak ko ng paa ko sa pinakahuling hagdan ay ang biglang pagsalpok ng mga nabasag na bagay sa likuran ko.
Tumalsik ako sa damuhan.
Ramdam ko na lang na nag-init ang paligid.
“Nero...”
“Nero...”
***
Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa pamilyar na kwarto na anman ako na may puting kisame, puting pader, puting bedsheet at mga unan at puting kurtina.
“Ano bang nangyayari sa pamilya natin? Ano ba?” hagulgol ni inay habang hawak ang kamay kong walang swero.
Ako ang angdala ng malas sa kanila.
Bakit ko pa patatagalin kung ang tanging solusyon na lang ay ang mamatay ako?
“Nay...”
“Nero, anak... buti na lang nakalabas ka ng bahay...” patuloy pa rin sa paghagulgol si inay.
Kung alam lang niya.
Hindi ako sumagot. Pumikit uli ako.
Sa pagpikit kong iyon ay parang di na ko makamulat uli.
Biglang suma-sa-isip ko ang mga taong namatay nang dahil sa cellphone...
Pakiramdam ko ay tulog ako at nananaginip.
“Nero...”
“V-Vince... wag kang ganyan, pare!” nasa gitna kami ng kadiliman at palapit sila sa akin ng palapit. Kung ano ang itsura nila nung mamatay sila ay yun ang itsura nila ngayon.
“Nero...”
“Nero...”
“Kuya...”
“S-Siella? Nailigtas kita, hindi ba? Siella!”
Maya-maya ay biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
Nahihintakutang lumingon ako.
Si Zoe! “Nero... susunod ka na,” bulong niya eksakto sa tenga ko pagkatapos ay bigla siyang naging usok.
Mag-isa na lang ako. Wala na silang lahat.
Gusto ko nang makalabas sa panaginip na iyon.
Takbo lang ako ng takbo kahit na puro kadiliman lang naman ang nakikita ko. Saan ako tutungo? Tumigil ako sandali at tumingin sa paligid ko. Kinurot ko pa ang sarili ko baka sakaling magising ako. Pero namumula na ang balat ko ay nasa parehong lugar pa rin ako.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng mga malalamig na bagay sa paa ko...
Hindi ko alam kung ano yun...
Tumingin ako sa mga paa ko...
“Nero...”
“Nero...”
“Nero...”
“Hindi!”
Hinihila na nila ako pababa at kitang-kita ko sa pamamagitan ng dalawang mata ko kung gaano kapula ang nasa ilalim!
***
Author: I need some help, sino makakatulong sa akin para tapusin ang kwentong ito na bigla na lang nawala ang takbo sa utak ko? Puh-lease. I’ll give credits naman kahit papanu.
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Horror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®