7Hell
Nero’s POV
Nagising ako ng maaga. Hindi pa ako nakatulog ng maayos. Hindi sila umalis. Kahit nung magdasal ako ay sinabayan nila ako. Lahat ng klase ng dasal na iusal ko ay sinasabayan nila.
Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang puting kisame ang sumalubong sa akin.
Tahimik ang paligid, tanging tilaok lang ng mga manok ang maririnig sa paligid. Dinig na dinig ko pa ang hilik ni Zoe sa ibaba.
*zzt ZZt zzT*
Nagva-vibrate ang cellphone... ang cellphone na nagdala ng katatakutan sa buhay ko...
*zzt ZZt zzT*
Lumalakas ng lumalakas.
*zzt ZZt zzT*
Hindi ko na sasagutin kahit na anong mangyari!
“Uh, yes? Hello? Hello?”
Napamura ako. Wala na ba talagang paraan para matakasan ito?!
Pang-limang tinawagan ng cellphone, kapag ito hindi ko pa napigilan, may pito pang parating.
“Hello? Sino ba ito?”
“Hoy, Nero, sagutin mo nga yan, ang ingay-ingay,” sabi ni Zoe na napakamot pa sa ulo habang nakapikit. Naalimpungatan yata sa ingay na likha ng cellphone.
Psh. Bahala na. Kinuha ko yung cellphone at pumunta sa CR. “Hello?”
“Hello? Sino ito?”
Natalie Mateo. Office girl. Kagigising lang. Papasok sa office. Katabi ng office ay isang construction site. Naglalakad siya. Biglang may maghuhulugan. Wasak.
Napapikit ako. Pakiramdam ko ay may tumalsik pa sa akin na dugo mula sa vision ko.
“Miss Natalie?”
“Yes, speaking. Who’s this?”
What to say! “Can I meet you today, please?” Sana gumana.
“Wait, chappy ang line---hello? May sinasabi ka ba?--- Hello?”
Parang may nakikiipit sa linya. Dinig ko naman ng malinaw ang sinasabi niya pero hindi niya ako naririnig.
“Hello, miss Natalie? Wag ka munang pumasok sa trabaho, okay?---Hello?”
“I can’t hear a thing, I’m sorry---hello? Hello?”
Bwisit!
Busy tone.
Gusto kong ibato ang cellphone. Namatay na lang agad. Tapos nung tinignan ko na, ayun, napunta na naman sa ‘SOON’ folder.
“Ano?” yung nandun, dalawa naman. Di rin maintindihan kasi nagpapapalit-palit sila ng lugar. Hindi rin alinaw ang mga pangalan na nakalagay. Pero makikitang lalake at babae iyon. Ang time of death ay halos magkasunod lang.
“Tch!” di ko talaga mabasa ang pangalan. Bigla kasing mawawala yung pidture tapos bigla na lamang lilitaw.
*ZZt zzt ZzT*
May tinatawagan na naman. Pero ibang number.
Hindi yung kay Natalie.
*off*
Biglang tumigil.
*zzT zZt ZZt*
Tumatawag na naman. Number na iyon ni Natalie.
“Hello? Sino ba ito?”
“Sabihin mo lang sa akin kung saan ka nagtatrabaho, please. Kailangan kong malaman.”
“What?”
*off*
“Bwisit! Kung kelan gagawin ko na!” wala na talaga. Nag-stick na sa pictures sa ‘SOON’ ang cellphone. Di ko maidentify kung sino iyon. Yung isang picture, medyo nagiging malinaw na. Pero lalake eh.
Mataman kong tinitigan ang larawan ng lalake. Kung sino man iyon, mukhang wala akong magagawa.
“Nero! Keh aga-aga, ang bagal mo sa banyo, Dalian mo nga, sasabog na ang pantog ko!”
Ito namang si Zoe, akala ko tulog pa. “Teka lang! Lalabas na!”
Mabilis na mga katok---tapos bumagal ng bumagal---
Hanggang sa humina na siya ng humina.
Binuksan ko ang pinto.
“Hoy, para ka ng na-nuno jan ah,” puna ko kay Zoe na parang natulala na. Nakadikit pa ang kamao niya sa pinto pero nakatingin naman sa bintana ng kwarto.
Tumingin siya sa akin, “parang ano---pre, nakita ko yata si Vince!”
(O.O)
Sasabihin ko ba? “Nanloloko ka naman eh! Walang ganyanan!”
“Hindi! Totoo! Umiiling-iling pa nga siya... bago nawala.”
“Ahy ewan ko sayo, naiihi ka lang.”
Ako na mismo ang nagtulak sa kanya papasok sa banyo.
Pagpasok nya ay tumingin ako sa labas ng bintana...
Sa mismong pwesto ko ng makita ko sa vision ko na mababaril si Vince...
Doon ko nakita na nakatayo nga siya sa labas ng dorm...
Umiiling.
Nanindig ang balahibo ko lalo na ng makita kong may katabi siya---
Parang si----
Parang si--- ZOE?!
Agad kong kinatok sa banyo si Zoe.
“Taehnah! Di pa nga ako nakakapaglabas eh! Ano ba?”
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses niya. Sino yun? Sino yung kasama ni Vince???
May ipinahihiwatig ba siya sa akin?
Sa amin?
Tumingin uli ako sa labas ng bintana.
Wala na sila doon.
“Shit, Nero, ano tong pinasok mo.”
***
Author: Can't thinks traight :3
+++
BINABASA MO ANG
Incoming call from: HELL
Horror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Ni minsan, di ko inisip magkaroon ng ganito. Sa una lang masaya... Hanggang sa maging nakakatakot na... EijeiMeyou®