Kabanata 4
Isa na yata ako sa libo-libong tao na naniniwalang walang taong mabait sa'yo ng walang kapalit. Hindi ako na niniwala sa kabutihang loob. Dahil kung may ganon, bakit kailangan mong magkaroon ng utang na loob? Kaipokrituhan para sa akin ang bagay na iyon. Kaya naman inaasahan ko na, kaya ginagawa ni Kenzie ang lahat ng pagtulong niya sa akin ngayon dahil may kapalit.
"Ito, kumain ka muna," anang niya. Matapos iabot sa akin ng instant noodles na may mainit na tubig. Kasalukuyan kaming nasa loob ng 24/7. Dito kasi siya nagdiretso nang sundan ko siya.
Nakabuntot lang ako sa kaniya at hindi ko siya nilubayan, kahit panay ang pagtataboy niya. Ayokong sabihing gutom na ako, pero ang tiyan ko ang nagreklamo kaya naman bumili na si Kenzie. Hindi ko na ikinataka pa nang makitang maging ang wallet niya ay talagang makaluma din. Wala man lang siyang credit cards or Dcash. Cash lang talaga ang meron siya. Nang i-try kong silipin kanina, pinitik niya ako sa noo. Kaya naman na-bwiset ako at naupo na lang sa labas upang hintayin siya. Akala niya naman ay hihingian ko siya ng pera. Mas marami naman akong pera sa kaniya. Wala lang talaga sa akin ngayon.
Pahablot kong kinuha sa kaniya ang instant noodles bago naupo muli sa bench na kinauupuan ko kanina sa labas ng 24/7.
"Hayaan mo, babayaran din kita," madamdaming turan ko. Matapos ay sinimulan ko nang kumain at hindi pinansin ang kalansay na mahilig sa sweater at palazzo pans.
"Kahit hindi na, libre ko na 'yan sa'yo." Hindi ko alam kung bakit pero, bagamat wala namang naka-ka-offend sa sinabi niya ay sinamaan ko siya ng tingin. Siguro ay dahil hindi ako sanay na nililibre ako ng iba. Naiirita ako.
Doon na siya nagtaas ng kamay na tila sumusuko.
"Fine, bayaran mo ako. May interes 'yan, linguhan." Sa pagkakataong iyon ay nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Grabe! Gabing-gabi ay pinapainit ng kalansay na bombay na ito ang ulo ko. Gayunpaman ay nilunok ko muna ang noodles bago ko siya sinagot.
"Wow naman Kenzie, dinaig mo pa ang five-six ahh!" Subalit mukhang medyo na-excite akong sabihin iyon kaya naman bahagyang tumalsik sa mukha ni Kenzie ang ilang noodles na nginuya ko na.
Sabay kaming nangiwi dahil doon.
Gosh! Ang lamog mo na, Zrell.
Sa hiya ay ibinaling ko na lang muli ang tingin ko sa pagkain. Subalit hindi nagtagal ay bahagya ko siyang sinulyap-sulyapan. Nakita kong naglabas siya ng panyong blue at pinunasan ang mukha niya. Hindi ko naman napigilang matawa dahil sobrang colorful naman niyang tingnan. Indigo ang sweater niya tapos brown ang palazzo pans then his handkerchief is color blue.
What's with his style? Super weird!
"'Wag mo kong titigan, kumain ka Zrell." Mabilis kong ibinaba ang tingin ko nang umimik na siya habang ang mga mata ay nasa panyo.
"Tinititigan ka d'yan? Assuming na kalansay 'to." Umirap pa ako bago humigop ng sabaw.
"Kalansay? Aba't!" Nang magreklamo siya ay agad akong tumunghay. Magkaharapan lang kami kaya naman kita ng bawat isa ang reaction ng bawat isa.
"Ano? Hindi ka kalansay? Payatot!" Nagtaas-taas pa ang kilay ko at may paturo pa ako sa kaniya gamit ang disposable fork. Nangunguso pa na tila sa paraang iyon ay nangaasar. Pero nang tumawa siya habang nakatitig lang sa akin ay talagang nagtaka ako. Subalit ang pagtatakang iyon ay nauwi sa pagkagulat nang tumunghay siya sa akin upang abutin ang labi ko at ipahid doon ang hintuturo niya.
Ramdam ko kung gaano niya dinahan-dahan iyon na tila ba isa akong babasaging gamit na kailangang pagka-ingat-an.
Sa mga ganitong pagkakataon, kalimitan tumitigil ang mundo ng isang character sa isang istorya. Subalit sa akin, hindi naman iyon nangyari. Walang slow motion o pagtigil ng mundo. Gumagalaw pa rin ang lahat ng bagay sa kung paano dapat ito. Dahil ang katotohanang ako ang natigilan ay siyang nakalahad ngayon.
Hindi ko mapigilang mapatitig lang kay Kenzie habang patawa-tawa lang siya. Gumagalaw pa ang balikat niya na tila nakakatawa talaga ako. Nagiging singkit na din ang mga mata niya sa kakatawa. Isang bagay na hindi ko masasabing na-attract ako dahil ang tangi ko lang nagawa ay titigan siya. Wala iyong mabilis na tibok na puso, wala rin ang pagkakaba. Lahat, kalmado.
"Para ka talagang bata, " komento niya pa. Matapos ilayo ang kamay sa akin at ipahid iyon sa handkerchief niya. Sa hindi ko maintindihang dahilan ay nakasunod ang mata ko sa bawat galaw niya.
Natigil na lang iyon nang magtagpo na ang mga mata namin. Mula doon ay nawala na din ang mga ngiti niya.
Siya ang unang nag-iwas habang ako ay nakatitig pa rin sa kaniya. Alam kong alam niya iyon subalit sinasadya niyang hindi pansinin ang pagkakatitig ko at piniling ibaling sa pagkain ang atensyon niya.
Sa puntong iyon, hindi ko na napigilang mapa-isip.
Ano kaya ang kailangan ni Kenzie sa akin? Bakit sinasamahan niya ako ngayon? Bakit hinayaan niyang tangayin ko ang kotse niya kasama siya? Bakit pinapakain niya ako? Bakit niya hinahayaang lait-laitin ko siya? At bakit pinahidan niya ang kalat sa labi ko kanina?
Naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. Kung kaya naman, pinagkaka-isip-an ko talaga kung ano ang dahilan ng kalansay na kasama ko sa pagsama niya sa akin ngayon.
Dahil ba alam niyang anak ako ng Congressman? Gusto niya ba ng pera? Pero wala naman ako niyon ngayon. I'm totally broke and he definitely knows that.
O baka naman, gusto na niya agad ako? May gusto na agad siya sa akin kaya sinamahan niya ako. Nagaalala siya dahil umiiyak ako kanina. May nararamdaman na siya kaya hindi niya ako mapabayaan.
Gayunpaman alam kong sa mundong ito, sa panahong kasalukuyan. Malabo ang salitang love at first sight. You can't just fall in love to a man or a woman you just met. Love is all about process. Love is all about time.
Dahil doon, napagisip-isip kong wala sa pagpipilian ang sagot kung bakit. Kung bakit mabait sa akin si Kenzie. Gayunpaman may isang bagay akong kinalikdaan at hindi isinama sa pagpipilian sa isiping masyadong inosente ang mukha ni baby boy para sa rated spg.
But maybe, look can really be decieving.
"Kenzie," pagtawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang nagangat ng tingin bagamat nasa bunganga pa ang noodles na kakasubo pa lang. Hindi siya nagtanong kung bakit subalit ang mga mata niya ang nagtatanong niyon.
"Do you want to have sex with me?" direktang tanong ko. Hindi nagaalangan at hindi iniisip kung may makakarinig.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Cause and Effect
RomanceCompleted Whatever we put into the universe will comeback to us. (1st Law of Karma) *** When the femme fatale daughter of a congressman runs away and meets Kenzie, a total stranger who comes along with her on a road trip, in Quezon Province known as...