Kabanata 30

18 2 0
                                    

Kabanata 30

Akala ko baliw na tao lang si Zrell, 'di ko naman akalaing mas may ikababaliw pa siya patunay na doon ang paliligo niya sa fountain ng parkeng nadaanan namin.

"Zrell, saan ka ba pupunta? Anong gagawin natin dito? Alas tres y media pa lang ohh!" Reklamo ka habang pahikab-hikab lang akong sumunod sa kaniya. Medyo inaantok pa talaga ako. At magpasahanggang ngayon ay kinakausap ang sarili kung tama ba ang desisyon kong samahan muna siya at huwag siputin ang job interview.

Subalit ang pagtataka kong iyon at pagkaantok ay agad na naglaho nang tumigil siya sa harapan ng isang malaking fountain.

"Oh, no! You're not serious right?" Nginisian niya ako at hindi maganda ang kutob ko doon.

"Puta Zrell, hindi mo balak maligo sa fountain hindi ba?" umaasang tanong ko. Subalit sinagot niya ako ng paghuhubad ng sweater, blouse at mini skirt niya. Agad akong napaiwas ng tingin. Hindi ko kayang titigan ang maliit at balingkinitan niyang katawan na tanging suot na lang ngayon ay undergarment.

"N-Nababaliw ka na ba?"  bulyaw ko ngunit huli na ang lahat. Tumalon na siya sa tubig ng hindi nagiisip. Hinintay kong umahon siya agad dahil ine-expect kong mababaw lang iyon. Subalit isang minuto ang lumipas ay hindi pa rin siya umaahon. Kinabahan na ako, kung kaya naman dali-dali kong hinubad ang lahat ng damit ko at itinira na lang ang boxer bago lumusong para sundan siya.

Malamig ang tubig at talagang ginaw na ginaw ako. Doon ko na lang din napansing malalim pala talaga iyon. Malinaw din na tila palaging nililinis. Nakakamangha sanang tingnan ang mga barya sa ilalim subalit mas pinagkaabalahan ko ay ang makuha si Zrell sa ilalim.

"Balak mo bang magpakalunod ha!" Iyon agad ang bulyaw ko sa kaniya nang makaahon kami. Pareho kaming hinihingal at kapos sa hangin. Gayunpaman imbis na magpasalamat ay nagalit pa siya sa akin.

Ibang klase talaga.

"Mas malulunod ako sa higpit ng hawak mo!" iritadong hiyaw niya. Sa pagkakataong iyon ay doon ko na lang siya nagawang bitawan. Naiiling na tiningnan naman niya ako bago nagpasyang iwan ako sa gitna ng fountain at magtungo sa gilid para mag-shampoo.

So, hindi pala siya nalulunod? Akala ko lang pala iyon?

Masama ang tingin na binalingan ako ni Micaela, wala tuloy akong nagawa kung hindi ang mapakamot-kamot. 

"Lapit ka dito!" anang niya na agad ko namang sinunod.

Palangoy akong lumapit sa kaniya subalit hindi ko naman inaasahang sa pagahon ko ay sasalubungin niya ako ng pagtalon. Walang pagiisip siyang dumamba sa akin, ipinulupot ang binti sa bewang ko at nagkunyabit na tila bata. Lubos ang naging gulat ko nang makaahon at tingalain siya.

Napahagikhik pa siya dahilan kung bakit natulala na lang ako sa kaniya habang nakatingala. Basang-basa ang mahaba niyang buhok at may shampoo iyon. Basa rin siya at talaga nagtutuluan ang tubig mula sa makinis at maputi niyang mukha pababa sa balikat niya. Sobrang gandang tingnan ng naniningkit niyang mata lalo ang namumula niyang labi na walang ibang ginawa kung hindi ang ngiti-ngitian ako. Hindi ko alam kung dala ba ng adrenaline, dopamine, at serotonin ang atraksyon na nararamdaman ko sa kaniya ngayon kung kaya naman ganito kalakas ang tibok ng puso ko o talagang testosterone lang dahil lalaki pa rin naman ako. Gayunpaman hindi ako tinayuan ngayon bagkus ay kinabahan ako na umaabot sa puntong nahihiya ako sa kaniya.

"Let me shampoo your hair," saad niya bago bumitaw nang hindi nagiisip sa pagkakahawak sa leeg ko. Muntik pa tuloy siyang mawalan ng balanse. Mabuti na lang at naging maagap ako sa pagsapo ng bewang niya. Doon na siya mas napatawa. "So idiot of me!" At doon ay mas lalo lang akong napatanga.

The Law of Cause and Effect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon