Kabanata 12

162 12 0
                                    

Kabanata 12

They say I have sweet nature with such a wonderful free-spirit, that made man stay with me. It was like I'm a magnet and men are metallic object. Everyone gets attract. But according to the most basic law of magnetism, like poles repel one another and unlike poles attract each other. Meaning to say, not all metallic will attract to magnet, but mostly it is. Though everything is all about their poles or we can compare it to vibes elsewhere opposite really attracts, sometimes.

Ngayong araw maaga akong nagising. Marahil ay gawa ng ngalay sa pagkakahiga ng kalansay na kasama ko sa braso ko. Medyo nanakit iyon ng slight na umabot sa puntong namanhid na yata. Gayunpaman ang ngiti ko ay hindi nagpaawat nang matitigan ko si Kenzie na mahimbing na natutulog sa bisig ko. Nakayakap pa siya sa akin at nakatanday ang mukha sa may kalakihang dibdib ko.

Hindi ko napigilang matawa sa posisyon namin ngayon. Ngunit nauwi ulit iyon sa ngiti nang maaalala ko ang sinabi niya kagabi bago kami nagpasyang matulog sa dalampasigan.

It was so sweet to hear such thing to a person you just met but feels like he knew you more than anyone else. Oh well, it's Kenzie of course what do I expect? After all he's a man of virtue and intelligence. Observant and at the same time sensitive for others feelings.

Sa maikling oras na magkasama kami ay kilala na agad niya ako. Hindi siya katulad ng mga taong kaibigan ko na halos ng matagal subalit hindi pa rin alam kung kailan ako seryoso, pinepeke ang pagkaseryoso, problemado o kahit kapag totoong masaya ako. Sa buong buhay ko, si Kenzie pa lang ang taong nakakuha ng totoong ugali ko.

Doon na unti-unting umangat ang kamay ko upang sapuhin ang mukha ni Kenzie. Hinakawan ko ito na tila sa ganoong paraan ay mamememorya ko.

Sa nangyari kagabi, hindi ko maipagkaila sa sarili kong may nakuha ang lalaking kaharap ko sa akin. Isang bagay na ni minsan ay hindi ko naibigay sa mga nakarelasyon ko.

Natigil ang pagkakatitig at paghaplos ko sa mukha ni Kenzie dahil sa aking reyalisasyon.

Hindi ko man aminin at itanggi ko man alam kong sa unang pagkakataon nagkagusto ako sa taong hindi ko pinipilit ang sarili ko. Nagkusa ito at alam kong malaking problema iyon.

Dahil doon ay naging sunod-sunod ang paglunok ko habang ang mga mata ay kinakatitigan ang napakagandang likha ng diyos na siyang una kong nasilayan ngayong araw.

"Oh my gosh Micaela!" Iyon ang tanging naibulong ko sa sarili bago ko hayaan ang sariling halikan sa noo si Kenzie.

Everyone knew me as a straight forward person. Hindi ko niloloko ang sarili ko para itago ang totoo kong nararamdaman. If I like something, I will definitely brought it. If I like someone I will definitely say it. But this time, mukhang hindi ko iyon magagawa. Though, I wouldn't pretend to myself the fact that I am starting to like Kenzie. That me, the gorgeous Micaela Zrell Mendeja the daughter of Congressman was falling to Kenzie the stranger I met in the parking lot of the hospital.

Matapos ang halik ay agad akong tumayo para huminga ng malalim. Gusto kong kalmahin ang lumalakas na tibok ng puso ko sa pagkakataong ito. Gusto ko munang kumalma kung kaya naman naisip kong bumili na lang nang almusal namin para naman makakain si Kenzie.

Ayoko namang gutumin siya, wala na nga siyang laman ay gugutumin ko pa. Hindi naman yata maganda iyon.

Kaya naman nagpasya akong maglakad-lakad muna upang maghanap ng mabibilhan. May mga tao na sa dalampasigan dahil palagay ko ay ala-sais na ng umaga. Mabuti na nga lang at malilum pa sa hinigaan namin ni Kenzie kanina dahil hindi pa naman ganoon kasikat ang araw. Napapatingin ang mga ito sa akin na hindi ko naman binigyang pansin. Alam kong naninibaguhan sila sa damit na magpasahanggang ngayon ay suot ko. But who the hell cares? As long as I have a dress and not naked walking near the shore.

The Law of Cause and Effect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon