Kabanata 21

23 1 0
                                    

Kabanata 21

The whole week with Kenzie feels so free and secured. Yet I think it's time to face our reality where we actually don't have enough money na anymore. I assume responsibility to it in some point dahil kung hindi siguro ako maluho tatagal pa ng ilan pang lingo ang pera ni Kenzie.

"Don't you have cards or debit, Kenzie?" I asked him while sipping coffee this morning. Ilang araw na rin kami sa bahay nila and thank god we manage to survive.

"Wala." Simpleng sagot niya habang abala sa pagluluto. Napangiwi na lang ako bago ipinatong ang cute little cup ko sa may table then comfortably sat on a queen single sofa na nakita ko sa sala nila.

A while ago, pinabuhat ko ito kay Kenzie papunta sa likod ng bahay kung saan siya nagluluto kasi I want to watch him lang but I don't want naman na tumayo. Walang angal naman na sinunod niya ang mga pinaguutos ko.

Naggatong lang si Kenzie and I help him find woods to use kanina. Now he's cooking tinola na well based sa amoy, mukhang masarap naman.

"Zrell, paabot naman ng magic sarap." Walang pagaalinlangan akong tumayo at inabot iyon sa kaniya. Ni hindi naman niya ako nilingon bagkus ay mas inuna niya ang pagluluto. Actually, walang t-shirt na suot si Kenzie ngayon bagay na kinasanayan ko naman nang makita. While me, I'm using his mom dress na iniwan sa bahay. Nilabhan namin ni Kenzie iyong ilan kahapon kaya naman may damit kaming nagagamit. Tinuruan pa nga niya ako, I think it's quite amazing!

"Kenzie, hindi pa ba luto?"

"Konti na lang.."

"Will it taste good kahit walang chicken?"

"I will try my best."  He then look at me and smile. Natawa ako kasi may uling siya sa pisngi kaya naman sinubukan kong pahidin iyon but then umatras siya. "Ako na babe, madudumihan ka lang."

"Fine, here." Doon ko inabot sa kaniya ang towel niyang nilapag kanina. "You treat this lunch, I will treat you the dinner!" Masayang pahayag ko bagay na mukhang 'di na niya napansin dahil abala sa niluluto.

Nang tanghaling iyon ay sabay kaming kumain ni Kenzie sa labas ng bahay. Super satisfying naman siya but knowing na 'yon na ang last rice and meal namin dahil wala nang pera si Kenzie made it somewhat alarming. What should we do next? Ayoko pa rin namang umuwi.

Kenzie was sitting at the top of the tree habang ako naman ay nakakandong sa kaniya. Maganda 'yong pwesto namin dahil kita mula dito ang malawak na lupain. Para kasi siyang pa-bundok sa part kung nasaan  kami. Sariwa ang hangin at sobrang presko.

Simula nang maging kami ni Kenzie that night mas naging maasikaso pa siya. Kung aawayin ko naman siya, magso-sorry siya at ia-analyze kung ano ba ang ikinagagalit ko. Hindi rin siya nagpakita ng motibo na angkinin ako. Sa aming dalawa ako pa nga ang teaser.

"Zrell." Matigas na banta niya sabay pigil sa magkabilang baywang ko na nagsisimula nang mag-grind sa ibabaw niya. At dahil nga naka-dress lang ako ay dama ko na agad siya mula sa pang-upo. Hindi ako nagpapigil. "Babe.."

Simula rin nang maging kami, he start calling me that endearment which I allowed.

"Why po?" Inosenteng tanong ko.

"'Wag po babe, masakit sa puson," bulong niya, isang bagay na ikinatawa ko na.

"Okay, I'll stop." Sa pagkakataong iyon ay doon na siya yumakap sa akin at ipinatong ang mukha niya sa balikat ko.

"May tanong ako."

"Ano po 'yon?"

"Anong pangarap mo, Zrell?"

Sa tanong niya na iyon ay agad akong natigilan. Ano nga ba ang pangarap ko? Saglit akong napaisip.

"I mean I know na patapos ka na sa pagaaral bilang tourism student but is that what you really wanted to do with your life?"

Kumpara sa ibang tao hindi simple para sa akin ang tanong niya. Kasi up until now hindi ko pa rin talaga alam ang gusto kong gawin sa buhay. Alam mo 'yong feeling na you always know what you want but not what you want to do.

"Kagaya mo I actually don't dream to be a flight attendant. It's just that I think that course had the most freedom in terms of job." Saglit akong natawa, nakinig naman siya. "You know how I love to be free." Tumango-tango si Kenzie.

"So your dream is to be free."

"I guess ganon na nga. Pangarap kong maging malaya. Malaya sa anino ni Dad, malaya sa magulong mundo ng politika. Malaya sa mapanghusgang mata at malaya sa pagpapanggap." Doon ako humarap sa kaniya agad naman siyang nagangat ng ulo para salubungin ang tingin ko nang may ngiti sa labi.

"Want me to grant your dream?"

Napangiti ako. "You already did." 

"Nah! I didn't." Nagtatakang kumunot ang noo ko, nagpatuloy naman siya. "You see? Malaya man tayo ngayon, pinahihirapan naman kita. Hindi ko man lang malutuan ka ng tinola na may halong manok. Hindi ito ang kalayaang pangarap mo Micaela."

"Hey! I like the food na niluto mo kanina, don't say that!"

"Yeah, I can see. What I mean is, may mas maibibigay at maihahandog pa ako sa'yo higit dito. If you want I can even give you the sun!" Exaggerated na siya. Hindi ko na tuloy napigilang matawa.

"Then go, give it to me. Under what condition is this?"

"Just don't leave me." I was stunned by that.

"What are you talking about-"

"Whatever happens don't leave my side by means of any terms."

"Huh?"

"You need to promise me that for you to have the sun." Mukha siyang seryoso sa sinasabi niya kaya naman napatigil ako sa akmang pagtawa.

"What made you think naman na iiwan pa kita? I like you, Kenzie." Doon na siya nagsimulang halikan ako ng padampi-dampi simula sa noo pababa.

"Gusto mo ako ngayon pero paano bukas? Sa susunod na araw? Sa makalawa? Sa susunod na linggo? Sa susunod na buwan at taon?" Doon ko siya bahagyang naitulak upang magkaharap kami.

"Yah! Are you doubting my feelings toward you?" Ngumiti siya na talagang ikinasalubong ng kilay ko.

"That's why I needed you to promise me one thing."

"That it? Then I promised!"

"You promise what?" Napairap ako.

Ang arte naman ni lover boy ang nais e, word of affirmation talaga. Physical touch pa naman love language ko.

"I, Micaela Zrell Mendeja vow not to leave McKenzie- wait what's your last name by the way?"

Oh my gosh! I couldn't believe I'm in a relationship now with someone I don't even know the last name! This is such a mess.

"San Andres."

"Come again?"

"It's McKenzie San Andres, babe."

"Wow, sounds good huh."

"Better if you have it." Natawa ako.

"Grabeng banat, banatan kita dyan e!"

"Daming boses, nasaan na pangako mo?"

"Wow demanding yarn?"

"Bilis ang bagal!"

"Oo na ito na nga!"

"Nasaan na?"

"I, Micaela Zrell Mendeja vow not to leave McKenzie San Andres whatever the fuck will happen in any situation, terms and dimension." Napapa-rolled eye ako habang sinasabi iyon habang si Kenzie ay tila sarap na sarap sa naririnig.

"What else?"

"If I did leave him he will not give me the fucking sun? Oh my gosh! Ang korni na!" This time ay tawang-tawa si Kenzie sa akin. "Stop it!"

"I'm sorry couldn't help it."

I M _ V E N A

The Law of Cause and Effect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon