Kabanata 16
Whenever I face difficult situation I always end up trying to forget it and go with the flow. Lagi kong isinasaisip ang katagang 'Huwag problemahin ang problema hayaang ang problema ang mamroblema sa kaniyang sarili.' With that thought I save myself from every dilemma and sometimes if I could not get it out of my mind, I run away.
Like what I did now.
"Z-Zrell, dahan-dahan lang sa p-pagmamaneho." Bakas ang kaba sa tinig ni Kenzie habang mahigpit na ang hawak sa seatbelt niya at bahagya pang nadadala ng mabilis kong pagmamaneho dala ng kapayatan. "Liliparin ako sa ginagawa mo hehehe, " biro pa niya. Napairap na lang ako bago kumabig nang muntik nang sumalpok ang kotse sa isang track na nasa harapan namin.
"Kasalanan ko bang payatot ka?" walang emosyong tanong ko. Wala ako sa mood makipagbiruan sa kaniya. Sobrang pangit nang araw na ito. Simula sa kaninang away namin ni Kenzie, sa accident, then that fucking "Hindi kita gusto, ayoko sa'yo," that still lingering on my mind up until now. Added by my father accusations and then Kenzie's mistress Elodia.
"Fuck! Get out of my way you mother fucker!" galit na sigaw ko sa kotseng ang bagal ng takbo sa harapan. Kaya naman nag-overtake na ako at binulyawan ang mga pagong. Sa inis ay binuksan ko pa ang bintana para lang pagtaasan ng gitnang daliri ang puting kotse bago binilisan ang takbo.
"The heck with your bulok car, Kenzie, super bagal!" Hindi ko alam kung saan na ba kami papunta ngayon ni Kenzie gayunpaman ayokong tumigil sa pagmamaneho. Hapon na at mula sa labas ay talagang color orange na ang kalangitan. However, I don't give a fuck!
"Mabagal pa ito? Jusko Zrell lalabas na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa ginagawa mo!" This time ay iritado nang turan ni Kenzie. "Also, watch your manner hindi kasalanan nilang mabagal ang takbo nila. Mabilis ka lang magmaneho. Don't fuck with others Zrell, that's not a good—"
"Good what?" tanong ko sabay baling sa kaniya. "So you want to control me too? Bakit ba lahat na lang kayo gustong kontrolin ang buhay ko? What do you all want from me?" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw.
"Hey! Ano bang sinisigaw mo d'yan? Anong nangyari sa'yo?" Nang magtanong siya gamit ang masuyong boses na tila ba nais makisimpatya sa nararamdaman ko ay agad akong nagiwas ng tingin.
"You told me you don't like me so what do you care?"
"Bakit e hindi ba sabi mo rin naman hindi mo ako gusto? Quits lang tayo!" balik muli ang iritasyon sa boses niya.
"Fine!" Bumuntong hininga ako bago kinabig ang sasakyan para huminto sa may gilid ng kalsada. Hindi ko naman akalaing sa pagpreno ko ay hahampas ang mukha ni Kenzie sa wind sheild. Tuluyan na kasing naputol ang seatbelt niyang suot kanina. Muntik pa akong mapahagalpak ng tawa ngunit agad kong pinigilan nang makitang mamula-mula ang ilong niya.
Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
"Not my fault bulok na ang volkswagen mo," taas kilay na anang ko. Umiling na lang siya at bumuntong hininga na tila kinakalma ang sarili sa pagkairita.
"So, you don't like me and you like that Elodia girl?" I couldn't help but to ask while looking outside for I don't want to look at him now. Doon ko na lang napansin na isang matarik na highway pala ang pinagtigilan namin kung saan mula dito ay kita ang bundok banahaw. Malapit itong tingnan so, I guess where at Lucban Quezon.
Salubong ang kilay na humarap sa akin si Kenzie. "Baliw ka ba? Lesbian 'yon 'no!" Dagli ang naging paglingon ko kay Kenzie nang sabihin niya iyon.
"Talaga?"
"Oo sabi! Kaya huwag ka ngang magtanong nang ganiyan kinikilabutan ako." Humasik pa siya bago nag-cross arm. "Sa ating dalawa dito, sa'yo siya intresado, " dagdag niya bago humalukipkip.
Sa puntong iyon ay tila nawala ang isang tinik na nakatarak sa aking dibdib. Bahagya akong nakahinga ng maluwag. "Oh well that's fine with me." Wala nang naging imik si Kenzie kaya naman pinatay ko na ang makina at lumabas.
"Saan ka pupunta?" habol niya. Nagtataka.
Hindi naman ako lumingon bagkus ay itinuro lang ang malaking bato sa daan katabi ng malaking puno ng manga at doon naupo. Masyadong isolated ang lugar na pinagtigilan ng sasakyan namin kaya walang masyadong tao.
Mula doon ay pinakinggan ko ang tahimik na paligid. Pinagmasdan ang kahel na kalangitan, mga ibong nagliliparan at isang jet na nag-i-iwan ng bakas sa kalangitan. Bakas na magbibigay ng lokasyon kung saan siya nanggaling at patungo.
Doon na ako napabuntong hininga.
I know that I need to go back if I don't want the issue to circulate. If I don't fix it this early it will only get worst but I don't want to go home. I don't want to face Mom nor Dad and be imprison with the fake perfect family I used to believe. Am I selfish if I decide not to go home and be with Kenzie even if I know this will lead to Kenzie's devastation? He will not gonna have a peaceful life after this day and he will definitely cursed me to death.
However, who cares?
Doon na ako napangisi bago binalingan si Kenzie na ngayon ay palapit sa akin habang dala ang isang supot.
"Anong ginagawa mo?"
"Natutulog ako obvious ba?" sarkastiko kong sagot.
Kunwari siyang natawa. "That's funny!" Matapos ay naupo siya sa tabi ko. "Ito oh, kumain muna tayo. Kanina ka pang nag-da-drive alam kong gutom ka na pero hindi mo lang napansin." At doon ay inilabas niya ang dalawang bottled water at dalawang pansit na nakabalot sa plastik at nasa ibabaw ng maliit na parte ng banana leaf.
"What is this? Kakainin pati dahon ng saging?"
"Bobo mo naman." Nangiwi ako. "Syempre hindi mo pwedeng ngatain 'yan dahon iyan e! Parang plato mo lang iyan."
"Then where's the fork? How am I supposed to eat that thing without fork?"
"Ang tawag dito, habhab, ibig sabihin habhabin mo na parang ganito." Matapos iyon ay ipinakita niya sa akin kung paano niya lagyan ng suka at kalamansi ang pansit matapos ay kinain niya gamit ang sariling bunganga.
"What are we, a dog?" Doon na siya natigilan. "Don't expect me to do that thing."
"Tsk! Arte." Umirap ako subalit nang kumalam ang tiyan at marinig niya iyon ay tinawanan ako ng kalansay na bombay mula sa dekada 80. "Oh, diba sabi ko sa'yo gutom ka na. Maarte ka lang talaga!"
"Tss! Akin na nga 'yan." Doon na kami kumain habang pinagmamasdan ang papalayong jet.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Cause and Effect
RomanceCompleted Whatever we put into the universe will comeback to us. (1st Law of Karma) *** When the femme fatale daughter of a congressman runs away and meets Kenzie, a total stranger who comes along with her on a road trip, in Quezon Province known as...