Kabanata 14

164 12 1
                                    

Kabanata 14

Jealousy, I never had a chance to feel that stupid emotion occur by a human with low self-esteem in this world. Micaela Zrell Mendeja a confident, gorgeous and lovely like me don't feel jealousy toward anybody. Akala ko noon magpapatuloy na ganon. Akala ko noon para lang sa mga walang utak iyong pagseselos but fuck! Akala ko lang pala 'yon.

"Aren't you going to call a police?" I asked Kenzie while we're standing meter away from his ruined car.

"Sinira mo ang cellphone ko, remember?" Tila may paninisi pang tugon niya. Napairap naman ako.

"Sino bang may kasalanan kung bakit tayo nabangga?" Masama ang loob na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw! Napakaingay mo kasi."

"Wow naman, Kenzie!" Balak ko pa sanang makipagaway sa kaniya nang sumingit na ang matandang lalaking may-ari ng sasakyang nabangga namin.

"Mag-a-away lang ba kayo d'yan? Nasira ang likuran ng kotse ko tapos mag-a-away lang kayo? Ipaayos ninyo 'yan!" galit na galit na sigaw nito. Doon naman napataas ang kilay ko.

"Are you blind, old man? Can't you see our car got ruined too? It was an accident. Damn! First and foremost who the hell would park his car in the middle of the road?" nanggagalaiting bulyaw ko. Gayunpaman natigil na lang nang maramdamang hawakan ni Kenzie ang kamay ko.

"Aba't bastos kang—"

"Pasensya na po kayo. Ako na po ang sasagot sa pagpapaayos ng kotse ninyo. Maari po ba kayong tumawag sa malapit na mekaniko?" kalmadong turan ni Kenzie bagay na ikinasalubong na talaga ng kilay ko.

Why is he so dumb? Can't he see that the old man was just playing with him. Pineperahan lang siya ng matandang kunat na 'yan.

May utak ba siya?

I was about to speak again when Kenzie irritatedly cover my mouth with his bare hand. Nakita ko kung paanong bumuntong hininga ang matanda bago siya tumawag na tila ba handa sa ganong bagay. Inis na tinabig ko ang kamay ni Kenzie.

"See that? Pinlano niyang mabangga tayo sa kaniya. Lawyer ka hindi ba? Alam mo kung manloloko ang isang tao o hindi. Bakit nagpapaloko ka?" Tumaas na naman muli ang boses ko sa inis. Nakakairita ang pagiging mabait niya sa mga tao kaya naman lagi siyang na-ta-take advantage.

Gayunpaman nang lingunin niya ako ay wala na muli siyang emosyon. "Ewan ko din kung bakit nagpapaloko ako," anang niya habang nakatingin sa akin. Matapos ay nilampasan niya na tila ba wala siyang narinig.

"Damn it!" Napairap na lang ako at walang nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.

Nakakairita ang pagiging tanga niya sa lahat ng bagay. Bahala nga siyang maubusan ng pera. 'Wag niya akong sisisihin sa katangahan niya. Naturingang nakapagtapos ng civil law, nagpapauto lang at nagpapaloko.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay namin dahil dumating din ang maghihila ng dalawang kotse patungo sa malapit na talyer. Nagka-a-regluhan ang dalawang tanga at nagusap na si Kenzie ang sasagot ng pagpapaayos. Sumakay na lang kami sa kotse niya habang hila kami ng troll track. Walang sino man ang umimik sa amin, hindi ko rin naman inabala ang sarili kong kausapin siya.

Nakakainis!

Nang dumating kami sa talyer ay agad na inasikaso ng mga manggagawa ang nayuping harapan at likod ng dalawang sasakyan. Sumunod lang ako kay Kenzie nang lumapit siya sa isang babaeng biglang kumaway sa kaniya kanina. Ngunit agad na nangunot ang noo ko at talagang napataas ang kilay nang biglang yakapin ng babae si Kenzie.

What the hell?

"Long time no see, Mac! Ang tagal na rin ng huli tayong nagkita." Tila masayang-masaya pang turan ng babae habang sobrang higpit ng pagkakayakap niya kay Kenzie.

Hindi ko naman napigilang tingnan ang babae mula ulo hanggang paa. Naka-long sleeve ang babae na pinatungan niya ng denim jumper pans. Kung titingnan tuloy sila ay para silang naka-couple dress.

Tss! Couple dress? Yuck!

Kaya naman bago pa ako mairita sa kaartehan nila ay agad na akong pumagitna at naki-eksena. Tinabig ko ang babae at walang kahirap-hirap na pinaglayo sila.

"Nagugutom na ako, Kenzie." Nakasimangot na ungot ko habang hawak ang kamay niya. Doon na niya ako binalingan na kunot na kunot ang noo.

"Kakakain mo lang 'diba?"

"Gutom na ulit ako."

Sa pagkakataong iyon ay napabuntong hininga na lang si Kenzie. Akala ko ay magdidiretso na siya sa labas para bumili pero hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay naramdaman ko kung paano niya unti-unting kinakalas ang pagkakahawak ko sa kamay niya at nang maalis na iyon ay binalingan niya ang babae.

"Ano palang ginagawa mo dito, Elodia?" nakangiti niyang tanong sa babae. Ngumiti din ang babae bagay na ikinawala ng pagkasimangot at pagpapa-cute ko.

"Nasira iyong honda ni Papa ako ang nautusang magpaayos. Ikaw, anong ginagawa mo dito sa Lucena?" nagtatakang tanong din ng babae. Napaawang na lang ang labi ko dahil naguusap sila na parang walang ako sa paligid nila.

Sa puntong iyon ramdam ko na ang kakaibang bigat sa dibdib ko bagay na hindi ko maintindihan ni mapangalanan.

"Nagkaroon lang ng konting aksidente, nasira iyong kotse ko," paliwanag ni Kenzie. Agad namang nanlaki ang mata ng babae nang marinig ang sinabi ni Kenzie. Matapos ay tila nagaalalang lumapit ito at kinapa-kapa si Kenzie.

Lalong umawang ang labi ko.

"Ayus ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Seryoso Mac, wala ka bang nararamdaman?" I was about to clap my hand for her reaction when I heard Kenzie laugh for the first time today. It was loud and genuine. I couldn't help myself but to look at him, smiling and laughing infront of somebody.

Hindi ko alam kung bakit sa puntong iyon ay parang unti-unting pinipiga ang puso ko. Wala namang masama kung tumawa siya. Wala rin naman nakakasakit kung tumawa siya. Pero bakit nasasaktan ako sa isiping tumatawa siya sa harapan ng iba? Bakit parang gusto ko ako lang ang tinatawanan niya? Bakit gusto ko sa akin lang siya masaya?

"Ayus lang ako. By the way, kumain ka na ba Elodia?" Ang tanong na iyon ni Kenzie kay Elodia ang mas lalong nagpasikip ng dibdib ko. Bumaling pa talaga siya sa akin bago ibalik sa babae ang tingin.

"Anong gusto mong kainin? My treat," nakangiting tanong niya muli. That is when I felt something stabbing my chest, nagiinit din ang ulo ko pero mas nagiinit ang mata ko. I was the one who said I'm hungry a while ago pero siya ang tinanong kung anong gustong kainin.

Gusto kong tawanan ang sarili ko ngayon dahil feeling ko super sensitive ko sa lahat ng bagay patungkol kay Kenzie. Okay, fine! Alam ko naman na hindi niya nga ako gusto pero iyong harap-harapan palang ipamukha sa'yo, mas masakit pala iyon.

Like what I said hindi ko kailanman naranasang magselos sa kahit ano o kahit sino dahil wala pa akong ginustong hindi ko nakukuha but like what everyone said, there's always a first time.

Hindi ko na halos napigilang pagsalikupin ang kamay ko at kagatin ang labi para pigilang maiyak nang hawakan na ni Kenzie ang kamay ni Elodia para hilahin papunta sa katapat na karinderya. Parang tangang sumunod naman ako sa kanila at nakikain.

Panay lang sila sa pagkekwentuhan habang walang imik akong nasa tabi. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko sa ginagawa. Gusto kong mag-walk out at itigil na ang pagkain, pero kapag pala nasasaktan ka iyong mga bagay na nasa isip mong gawin ay hindi mo magawa kasi wala kang lakas. Wala akong ibang nagawa kung hindi titigan si Kenzie na panay ang ngiti at pagkislap ng mata habang naguusap sila.

Napagalaman kong classmate sila simula highschool. Marami pa silang napagusapan na hindi ko naman na nasundan. Madaldal pala si Kenzie bagay na hindi naman niya ipinakita sa akin. Pero ano nga namang ipapakita niya e halos tatlong araw pa lang naman kaming nagkakasama?

Tangina naman kasi Zrell, bakit ang bilis mong na-fall? Pero mas tangina, bakit parang pakiramdam ko napakatagal na ng halos tatlong araw naming pagkakasama?

Napapikit na lang ako sa isiping iyon at tahimik na nilunok na lang ang pagkaing nakahain sa harapan ko.

I M _ V E N A

The Law of Cause and Effect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon