Kabanata 2

314 20 2
                                    

Kabanata 2

Ever since I was a kid, wala yatang bagay na nagustuhan ko ang hindi ko nakukuha. My parents give me everything they could offer. Wealth, popularity, beauty and brain. That made Micaela Zrell Mendeja, a loving daughter of a Congressman. Kaya naman wala sa isip ko ang mga magiging kalalabasan ng mga ginagawa ko. I just want to do what I want, like how my parents tough me to do so.

"Ano bang ginagawa mo? Bumaba ka! Alis!" Pilit akong pinagtutulakan ni Baby Boy nang makasakay ako sa driver seat. Humahampas tuloy ang braso ko sa gilid. Ayoko naman na magasgasan ang maganda at porcelana kong kutis.

"Baby boy masakit na ha!" nagtataray na anang ko sa kaniya bago ko siya pwersahang itinulak sa pagkakaupo. Masyado siyang payat kaya naman sa lakas na meron ako ay dalang-dala siya. Bakas sa mukha niya ang gulat, marahil ay hindi niya inasahang mas malakas pa ako sa kaniya.

"Black belted ako sa taekwando, ganon din sa judo," pag-amin ko upang mabawasan ang kaniyang pagtataka. Pero naging sunod-sunod naman ang mga paglunok niya dahil doon. Kaya naman imbis na pansinin pa siya ay isinuot ko na lang sa kaniya ang seatbelt niya nang makalarga na kami dahil talagang uwing-uwi na ako.

"Okay! Finish na baby boy." Matapos sabihin iyon ay naupo na ako nang ayos at pinaandar na ang kotse habang pinakikinggan ang walang humpay na pagrereklamo ng lalaking katabi ko.


"Alam mo, ang lakas din ng loob mo ha! Magnanakaw ka na nga lang ng kotse, mangingidnap ka pa. Hindi mo ba alam na may mga CCTV sa parking lot? Kahit anong pagtatago ang gawin mo, makikita at makikita ka pa rin ng mga pulis. Hindi mo ba alam, ayon sa R.A. 6539. Section 1. Cited as the "Anti-Carnapping Act of 1972." "Carnapping" is the taking, with intent to gain, of a motor vehicle belonging to another without the latter's consent, or by means of violence against or intimidation of persons, or by using force upon—"

Mas marami pa sa narinig ko ang sinasabi niya. Gayunpaman ay pinakinggan ko pa rin ang pagkuda niya. Doon ko napagtantong talagang hindi niya ako kilala.

Bago ba siya dito?

"Feeling close ka pa! 'Di nga kita ki—"

"Micaela Zrell Mendeja is my name, okay ka na baby boy?" taas kilay na sagot ko. Tila mas lalo naman siyang nainis sa akin, bagay na mas lalong nagbigay ngiti sa labi ko.

"Bakit ba panay ka baby boy mo d'yan? Hindi mo ako boyfriend!" Tila mainit na talaga ang ulo niya sa akin.

"Kaya nga, may sinabi ba ako?"

"Then don't call me baby boy!"

"So, what is your name ba kasi?"

"McKenzie—"

Agad siyang natigilan sa pagpapakilala ng buong pangalan nang mapagisip-isip niya ang ginagawa ko.

"You! Sinadya mo ito para malaman ang pangalan ko!" This time ay binulyawan niya na talaga ako. I really like it when he do that. Never in my entire life here in Merzheil City I had experience of someone shouting at me. Only him.

Tila ba kahit anong gawin kong kalokohan, hindi nila ako binubulyawan o sinasabihan ng nakaka-offend na words. But him, damn! Wala pa ngang 24 hours kaming nagkakakilala. Nagawa na niya akong murahin at sigawan.

This is amazing! May tao pa pala sa syudad na ito ang hindi takot sa tatay ko?

"McKenzie, where are you from?"

"Lemaryo Batangas," taas noong saad niya.

Subalit nang tila mapansin niya ang mabilis niyang pagtugon sa mga tanong ko ay halos tampalin niya ang sariling bibig. He's cute, mukha siyang skeleton na pinagalitan ang sarili.

The Law of Cause and Effect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon