Kabanata 11
Ever since I taste liquor I never had ever experience to get drunk. Mataas ang alcohol tolerance ko at kahit na maglaklak ako magdamag ay hindi ako kailanman nawawala sa wisyo o napapatumba ng kahit na sino. Hindi kasi ako iyong klase ng babae na binababa ko ang guard ko kapag lasing. No, hindi ko hinahayaang maging kampante ako sa kainuman ko. Dahil hindi ako iyong klase ng taong madaling magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Even when I'm with Priscilla, hindi ko kailanman hinayaan ang sarili kong malasing.
But today, mukhang wala sa isip ko kung malasing ako o hindi. Kung sobra na ba ang iniinom ko o kung hindi ko na ba kaya. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang hayaan ang sarili ko.
"Tama na 'yan!"
Pagsaway sa akin ni Kenzie sabay kuha ng bote ng champagne na dala-dala ko habang naglalakad kami ngayon sa tabi ng dalampasigan. Nakayapak na lang ako dahil bitbit na ni Kenzie ang heels na suot ko kanina. Medyo napaltos ang paa ko gayunpaman siguro ay kinasanayan ko na rin naman ang bagay na iyon. Kung kaya naman parang wala na sa akin.
"Bigay na bigay ang pagsayaw mo kanina, iika-ika ka ngayon," komento pa niya na hindi ko na lang pinansin. Hindi ko na rin kasi kinaya ang pananakit ng paa kaya naman lumupagi na ako sa buhanginan. Mula doon ay lango kong pinagmasdan ang medyo maalong dagat at ang napakaraming bituin sa langit.
Naramdaman ko namang umupo si Kenzie sa tabi ko, kaya naman hinayaan ko ang sariling sumandal sa kaniya. Aakma pa sana akong aagawin ang bote pero itinapon na niya iyon sa dagat. Kung kaya naman hindi ko na nahabol pa.
"Lasing ka na, Micaela."
"Hindi pa ako lasing!"
Totoo naman kasi iyon, hindi pa naman talaga ako lasing. Kitang-kita nga ng mata ko ang mukha niya ngayon. Sadyang nahihilo lang talaga ako at nawawala lang iyon kapag umiinom ako.
Buntong hininga ang narinig ko mula sa kaniya bago ko naramdaman ang pag-akbay sa akin ni Kenzie. Ibinalot niya ang braso niya sa akin na tila sa ganoong paraan ay mawawala ang lamig na nararamdaman ko.
"Oo na, hindi ka pa nga lasing." Naramdaman ko din ang pagpatong ng ulo niya sa ulo ko at sa ganong posisyon ay pinanood namin ang napakaraming bituin ngayong gabi. "Magaling ka palang sumayaw?"
"Syempre! Dance troupe member ako sa university," may pagmamayabang na turan ko. "Pero, ikaw din ha! Magaling ka ding sumayaw."
"Hindi naman, sakto lang."
"Saan mo naman iyon natutunan?" Nagtataka lang ako.
"Sariling aral? Well, gusto ko kasi talaga iyong style at vibes noon. Gumagaan ang pakiramdam ko sa mga ganon," paliwanag niya. Bagay na ikinatango ko naman.
"Nakahinga ka naman ba?" Ang tanong kong muli na iyon ang nagpatigil sa kaniya. Gayunpaman ay sinagot niya pa rin ako ng tango. "That's good! Let's just take a break for everything." Tumango muli siya.
"Ikaw ba? Nakahinga ka ba?" tanong niya pabalik. I nodded.
Sa puntong iyon ay dinalaw kami ng saglit na katahimikan. Doo'y tanging ang malakas na paghampas lang ng alon ang maririnig. Nagdudulot iyon ng malamig na hangin bagay na nagbibigay sa amin ng dahilan para makahinga nga sa nakasasakal na mundong meron kami.
Gayunpaman ay ako ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
"Nakikita mo ba iyon?" Sabay turo sa kumpol-kumpol na bituin. "Rosary star ang tawag doon." Pagbabahagi ko ng kaalaman na pinakinggan naman niya.
"Alam mo ba, sabi ng Daddy ko kapag nakita mo raw ng maliwanag ang rosary star ay kaunti lang daw ang kasalanan mo. Pero kung malabo naman ito sa paningin mo marami ka raw kasalanan." Tumango-tango si Kenzie sa sinabi ko na tila naiintindihan niya ako. Subalit iba pala talaga kapag matalinong tao ang kausap mo. Hindi mo sila basta-basta mapapaniwala sa haka-haka dahil alam niya ang lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
The Law of Cause and Effect
RomanceCompleted Whatever we put into the universe will comeback to us. (1st Law of Karma) *** When the femme fatale daughter of a congressman runs away and meets Kenzie, a total stranger who comes along with her on a road trip, in Quezon Province known as...