Kabanata 8
Noon pa man marami nang nagsasabi sa aking hygienic freak daw ako. Well, for me totoo naman iyon. Marami nang nagsasabi sa akin ng ganon noong mga panahong nasa dormitory pa ako. I always take a bath once in a day o minsan pa nga ay twice a day. Malimit ay nagpapapalit-palit ako ng toothbrush and toothpaste once in a week. Walang nagbago simula freshman ako hanggang ngayon. And that made Micaela Zrell Mendeja, the cleanliest girl in town. Kung may salitang ganon ba naman, iyon yata ang magiging titulo ko.
"Wanna take a bath?" I asked Kenzie out of no where. Agad namang nangunot ang noo niya sa tanong kong iyon.
"Ayos ka lang? Walang malapit na hotel o resort at maging beach dito. Saan ka naman maliligo?" tanong niya na tila alam na alam ang kinalulugaran namin.
"Move this car and I will tell you where," malokong sabi ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod.
"Saan banda?"
"Diretso lang." Malaki man ang pagtataka ni Kenzie ay sinunod pa rin niya ang utos ko sa kaniya.
Good boy!
Hindi naman nagtagal ay narating din namin ang gusto kong puntahan. Malakas kong isinigaw ang salitang stop kaya naman agad siyang napa-preno. Gayunpaman ay engrande ko pa rin binuhat ang sarili palabas ng kotse niya dala ang mga hygiene kit at nagdire-diretso papasok sa parke. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Kenzie.
"Zrell, saan ka ba pupunta? Anong gagawin natin dito? Alas tres y media pa lang ohh!" Hindi ko pinagpapapansin ang paguungot niya at nagdire-diretso lang sa loob ng parke. Laking pasasalamat ko na nga lang at walang guard na nagbabantay doon kung kaya naman maluwag kaming nakapasok sa loob.
Hindi nagtagal ay naabot ko na ang pupuntahan ko. Tumigil ako sa harapan ng isang malaking fountain na magpasahanggang ngayon ay umaandar pa rin. Nang balingan ko si Kenzie ay nanlalaki ang mga mata niyang pinagpapabalik-balik ang tingin sa akin at sa fountain na nasa likuran ko.
"Oh, no! You're not serious, right?"
Nginisian ko siya.
"Puta Zrell! Hindi mo balak maligo sa fountain, hindi ba?" umaasang tanong niya. Subalit sinagot ko siya ng paghuhubad ng sweater, blouse at mini skirt ko. Matapos iyon ay agad akong lumusong sa tubig.
"N-Nababaliw ka na ba?" Iyon ang huli kong narinig kay Kenzie bago lamunin ng malamig na tubig ang kabuuhan ko. Doo'y nabalot ako ng katahimikan. Katahimikang tanging sa ilalim ng tubig ko lang nadarama. Sumisid ako pailalim upang mas madama ang katahimikang dulot ng tubig.
Medyo malalim ang fountain at talagang malawak ito. Nasisigurado kong lampas ang tubig nito sa akin subalit kasing taas lang ni Kenzie. Mula sa kinapoposisyonan ay kita ko ang pagkinang ng mga barya sa ilalim na itinapon ng mga hangal na taong naniniwalang magkakatotoo ang mga hiling nila kung magtatapon sila ng pera sa fountain. Malinaw kong nakikita iyon dahil sa buwang maliwanag sa itaas na nag-re-reflect sa mga barya. Medyo malinaw din naman ang tubig sa fountain halatang palaging nililinis kaya naman hindi ako nababahala.
Ang balak ko sana ay pulutin isa-isa ang mga barya sa ilalim. Gagamitin ko na lang ang mga iyong pambili ng pagkain kaysa naman manatili lang ang mga ito sa ilalim. Subalit ang balak kong iyon ay natigil nang may lumusong din sa tubig pasunod sa akin.
Nagulat ako nang bigla nitong ipalibot ang kamay niya sa bewang ko dahilan ng paghahabol ko sa hangin. Masyadong mariin iyon na tila balak pa yata akong lunurin. Mabuti na lang talaga at mabilis niya akong ini-angat pataas kung hindi ay tiyak na namatay ako sa ilalim.
"Balak mo bang magpakalunod ha!" Iyon agad ang bulyaw na narinig ko sa taong may hawak pa rin sa akin ngayon. Pareho kaming hinihingal at kapos sa hangin.
BINABASA MO ANG
The Law of Cause and Effect
RomanceCompleted Whatever we put into the universe will comeback to us. (1st Law of Karma) *** When the femme fatale daughter of a congressman runs away and meets Kenzie, a total stranger who comes along with her on a road trip, in Quezon Province known as...