Chapter 47: New Look

21 1 0
                                    


Carl's POV

Hindi ko maiwasan manlumo lalo na kakasabi lang ng guro sa amin na kailangan naming magbenta ng mga ticket lahat ng kasali sa candidate, mamayang hapon ang simula, bale tatlong araw daw yon gagawin.

Kinaka-bahala ko paramihan iyon ng bibili ng ticket, eh hindi naman ako ganon kasikat tulad ni Uno, hindi rin ako kasing gwapo ni Uno kaya nababahala talaga ako kung may bibili ng ticket na ibebenta ko. Panigurado mapapahiya lang ako, kasi tingin ko talaga walang bibili sa akin kung meron man panigurado mga kaklase ko lang.

"Problemado ka," si Dos nakaupo na ngayon sa harap ko.

"Oo problemado talaga ako,"

"Ito ba yong sa pagbebenta ng ticket?"

"Oo Dos,"

"Sabagay mahirap nga magbenta, isang libo ba naman ticket ibebenta mo, goodluck sayo Gimena may tatlong araw ka pa naman. Para fair bibili ako tag-isa sa inyo ni Uno. Mga bestfriend ko kayo eh."

Masaya ako sa sinabi ni Dos dahil doon unti-unting gumaan ang loob ko.

"Huwag ka ng magalala jan, mabuti pa kumain na lang tayo."

"Sige."

Recess lang naman ngayon, mamaya na ako pupunta kay Geyl sa lunch.

Speaking of Geyl, sobrang saya ko at maayos kami. Lagi kaming nagkakasama at nagkakaintindihan nitong nagdaang araw. Minsan nagpupunta din kay Lola Martha para bumisita at kumain don. Masyadong maluwag ang schedule ni Geyl kaya naman nakakagala kami.

Nagtungo kami sa canteen at nakita na maraming kaclose si Dos. Nilibot ko ang tingin ko maraming studyante ang S.U at ang lahat ay may kaniya-kaniyang buhay, kaniya-kaniya ginagawa at aspeto sa buhay.

Halos din ng studyante dito karamihan mga galing sa mamayamang pamilya. Iilan lang ang katulad ko na may kaya lang sa buhay.

Ni-ngayon pa nga lang wala ng pumapansin sa akin, sa contest pa kaya?

Nakakababa talaga ng kumpiyansa.

"Hoy Gimena, dito tayo!" natauhan ako sa sigaw na iyon ni Dos at madali akong umupo sa lamesang kinaroroonan niya.

"Mahaba ang pila pero buti na lang nakita ko yong kaibigan mo na si Jetro nakisabay na lang ako ng pagkain natin."

Nilingon ko ang pila at nakita ko nga si Jetro na pakaway-kaway pa sa akin. Mukhang goodmood siya o talagang nagpapalakas lang siya sa akin.

Mamaya lang nakaorder na si Jetro at madaling pumunta sa pwesto namin. Burger lang naman binili namin para sa recess.

"Jetro balita ko lalaban ka rin, ikaw ang pambato ng section niyo ah."

Kamuntikan na ako mabilaukan sa kinakain ko dahil narinig kong salita ni Dos.

"Ah oo, kasi naman ako lang gwapo sa section namin kaya expected na talaga ako lalaban kahit sa totoo lang labag sa loob ko yon kasi hindi yon fair, nakakaawa naman ang kaklase ko parang pinamukha na pangit sila."

>_<

Ito talagang si Jetro...

"Hahaha ganon ba? Sa amin kasi si Uno at Gimena ang lalaban."

Patay na.

Napalingon sa akin si Jetro at hindi ako makapaniwalang tinignan ako nito.

"Wow makakalaban pala kita Gimena,"

"Hehe," pilit na tawa ko kahit sa totoo lang lalo akong kinabahan. Magaling magpapansin si Jetro, kayang-kaya niya kunin ang atensyon ng judge or manonood panigurado may laban siya.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon