Chapter 48: Dessert

12 1 0
                                    

Song for this chapter: I think I love you by Byul (Full house Ost.)

Sorry for super duper slow update.
I'm really sorry guys. Sikapin ko talaga bumawi sa inyo.

By that way enjoy reading!

-----------------------------------------------------------

Carl's POV

Nagpark na si Geyl ng kotse ako naman nagbukas ng gate. Nang masara ko ang gate nagmamadali akong lumapit sa kaniya at kinuha ang mga gamit niya.

"Ako na magdadala nito,"

"Tsk." singhal niya pero tinawanan ko lang siya. Sobrang sobra saya ko talaga ngayon, hindi dahil sa ginawa ni Geyl na paggastos masaya ako nakasama ko siya.

Nakapasok kami ng bahay at naabutang wala pa si Chester.

"Gabi na pero wala parin si Chester," takang sabi ko.

"Mabuti na nga yon wag na siyang umuwi."

"Geyl, huwag kang ganiyan. Masama yon..." saway ko sa kaniya. Mukhang kailangan ko na talagang pangaralan si Geyl sa mga bagay-bagay. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Aish, mukhang close na kayo ng Chester na yon." galit na imik niya. Halata sa mukha niya na galit siya.

"At close kayo nong Vishnu," huli ng malaman ko ang sinabi ko. Agad na nagbago ang ekspresyon niya at naging seryoso.

Hays ano ba yan. Bakit ko ba brining-up ang lalaki na yon. Ano bang pumasok sa isipan ko?

"Ipinaliwanag ko naman sayo, is just for business—"

"Oo alam ko," sabat ko sa kaniya. Kahit sa loob-loob ko nagseselos talaga ako. Hindi parin mawala sa isip ko ang pinagsasabi sa akin ni Chester kamakailan lang.

Kung totoo man nawalan ng alaala si Geyl, sana hindi na 'siya makaalala.

"Don't worry, wala ka dapat ikaselos."

"S-Sinong may sabi nagseselos ako?" pagdeny ko.

Halata bang nagseselos ako sa Vishnu na yon?

Lalo lang ako nahiya ng pagtawanan ako ni Geyl. Pero yong tawa niya ngayon, hindi nakakasawang mapakinggan.

Inalababo na talaga ako sa kaniya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ngayon.

"Ano pang hinihintay mo?"

"H-Ha?"

"Wala si Chester, ikaw ang magluto Nagugutom ako." seryosong imik niya.

0_0

Ako magluluto?

"Magbibihis na ako, ikaw na bahala ha." nakangiti na sabi niya at iniwan ako. Pianood ko siyang umakyat sa taas at ako ito nakatulala.

Magluluto....

Napapailing na lang akong pumunta ng kusina. Hinubad ko ang coat ko, maging sapatos ko pinalitan ko ng tsinelas. Nagsuot din ako ng apron, mahirap na baka madumihan ang damit ko. Una kong binuksan ang ref at tinignan kung anong pwedeng lutuin..

Ano bang gusto ni Geyl? Teka asan na ba kasi si Chester?

Nataranta ako ng marinig ang ingay mula sa taas. Ibig sabihin lang kailangan ko ng bilisan, panigurado magwawala si Geyl kapag wala paring pagkain.

Sa taranta ko nagluto lang ako ng omelet at pinarneran ng sariwang kamatis at toyo. Inayos ko lahat sa dalawang plato, sinugurado kong maayos ang lahat.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon