Chapter 6: BBQ

64 8 0
                                    


Geyl's POV

Gaya ng Plano ko, babalik ako sa S.U
It's not for him. Gusto ko lang may gawin ako muli. Bored ako sa bahay at ayokong makita ang pagmumukha ng housemate ko kaya bumalik ako sa S.U

Nagbihis na ako ng uniform ng S.U, napatingin ako sa salamin na nasa harap ko. May pagaalinlangan sa utak ko pero...I will do what I want. There's no turning back now.

Lumabas ako ng kwarto ko at sakto nakita kong kakalabas lang din ni Gimena sa kwarto niya. Gulat na gulat ako nitong tinignan lalo na nagbaba ang tingin nito sa suot ko. Bago siya makapagsalita nagmamadali akong naunang maglakad pababa.

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan ng walang dahilan, bumungad sakin si Vishnu na bihis na bihis din.

"Tito Andrew told me na babalik ka sa S.U, ihatid na kita." sabi nito at tumango na lang ako bilang tugon. Hindi ko napansin si Chester, siguro nakaalis na ito.

Naglakad kami papunta sa garahe, sasakay na sana ako sa kotse niya kaso napansin ko si Gimena na nilalabas ang motor nito.

"Ayos na ba yan?" tanong ni Vishnu dito patungkol sa motor niya.

"Oo, okay na 'to." sabi ni Gimena at sumakay na ito sa motor niya. Hindi ko na sila pinansin pa at sumakay na lang ako sa sasakyan.

Nagmaneho si Vishnu at nagpapasalamat ako kasi tahimik lang siya. Napadako ang tingin ko sa side mirror at hindi ko inaakalang nasa likuran lang namin si Gimena. Hindi ko makita ang reaksyon nito dahil sa suot niyang helmet. Nagtataka ako kasi maluwag naman ang daan pero nanatili siya sa likod ng kotse ni Vishnu.

'Binabantayan niya ba kami?'

"Baby." agad naman ako bumalik sa realidad ng tawagin ako ni Vishnu.

"Tsk."

"Baby."

"Please stop calling me baby." naiinis na sabi ko dito.

"Why? ang cute nga eh. Favorite ng mga babae na tinatawag silang baby."

"Not me."

"Ang sungit mo talaga." natatawang sabi nito.

"Just focus on driving." mariin na sabi ko.

"Yes baby."

Arghh. Hindi talaga siya titigil. Nakarating din kami sa S.U binuksan ko ang pintuan at lumabas.

"Bye baby!"

Tsk. Tuluyan ng umalis ang sasakyan nito. Napatingin ako kasunod namin na nagpapark na ng motor ngayon. Pumasok ako sa gate at nagdiretso sa office ko, bakante na 'yon at grabe kinakabahan ako na may kasamang saya, hindi ko akalain na mapapamahal ang S.U sa kin ng ganto.

Umupo ako sa dating upuan ko. Shit namiss ko 'to.

Kaso...

"Welcome back Miss Vinuya." imik ng dati kong secretary. Ngumiti ako ng pilit.

"May kailangan pa po ba kayo?"

"Wala na, pwede ka na muling magjanitres." asar ko dito pero imbis na mainis siya tumawa ito, kita ko sa reaksyon niya na namiss niya ang kasungitan at pananagot ko sa kaniya. Umalis din ito sa office ko.

Pinagmasdan at binasa ko ang ilang documents na nasa table ko ngayon. Yung iba about sa mga applicants ng teachers.

Nang matapos kong ayusin at patasin ang mga papel at document sa harap ko naisipan kong maglakad-lakad sa labas.

Ngayong oras na'to it was second period for subject. Naglakad-lakad ako sa corridor, sinimulan ko sa first floor hanggang sa nakarating ako ng third floor.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon