Chapter 16: Care

32 3 0
                                    


Geyl's POV

"Hello kamag-anak po ba kayo ng may-ari ng cellphone na ito?" pagtatanong nito at agad akong nagtaka at kinutuban. "This is from south hospital, nandito po siya ngayon."

0_0

S...South hospital?

Nanghina ang mga katawan ko sa narinig ko.

Tangina.

Anong ginagawa niya don?

"Hello...kamag-anak po ba kayo ng lalaking ito? pwede niyo po siyang puntahan ngayon kung gusto niyo."

Binaba ko na ang tawag, hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang dami na tuloy senaryo na tumatakbo sa isip ko ngayon.

Nagmamadali akong kinuha ang susi ng kotse ko at pumunta sa garahe. Pilit kong pinakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa.

Nakagat ko na ang labi ko para pigilam ang emosyon ko.

'Hindi, panigurado ayos lang siya ngayon.'

Nang makarating ako sa hospital dumeretso ako sa lobby ng hospital.

"Nasan si Gimena?" biglaang tanong ko sa isang nurse na nagbabantay ngayon dito. Nanlalaki ang mata niya tignan ako.

"Wag mo akong panlakihan ng mata tinatanong kita!"

"Ahm..wait po wag po kayong mag-iskandalo dito."

>_<

Kung sinasagot niya ang tanong ko edi sana hindi na ako nagsisigaw dito. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya.

"Ganyan nga po, huminahon kayo..."

Tangina.

"Anong pangalan ng pasyente ng hinahanap niyo?"

P...Pangalan? teka ano nga ulit pangalan non? para na akong tanga dito nag-iisip.

Shit naman ba't ngayon ko pa nalimutan.

"Gimena, basta Gimena...Nurse bilis naman Gimena basta pakihanap!" natataranta na sabi ko.

Bakit ba kasi siya nandito? mababaliw na ako sa pag-alala. Kingina sana naman wala naman masamang nangyari sa kaniya.

"Okay sa room 8 sa kanan—"

Matapos kong marinig 'yon nagmamadali na akong tumakbo sa sinabing kwarto.

Kabado ako ng mapunta ako sa tapat non. Nangangatog ang mga kamay ko ng hawakan ang doorknob, dahan-dahan ko 'yong pinihit at agad na nangilid ang luha ko na makitang nakahilatay siya sa kama.

Tangina.

Tahimik akong naglakad papalapit sa kaniya, kitang-kita ko ang maraming benda sa katawan niya at halos pasa din ang mukha at katawan nito.

Nagbaba ako ng tingin, makita ko siyang nasa gantong sitwasyon parang dinudurog ang puso ko. Naiyukom ko ang kamao ko sa labis na galit.

Tangina mo Nero!

Makakapatay ako ng tao ngayon...

Natigil ako sa iniisip ko ng may biglang pumasok sa kwarto isang nurse.

"Sorry po, nandito po ako para i-check ang pasyente."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nabatid ko na siya ang kausap ko sa telepono dahil din sa boses nito. "Anong oras siya dinala dito? sinong nagdala sa kaniya dito?"

"N...Nako mga tambay lang sa kanto daw ang nakakita at nagreport sa kaniya, akala nga nila patay na dahil hindi na ito nagalaw,"

>_<

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon