Chapter 2: Fiance

116 10 0
                                    

Warning: This story may have some words is not appropriate for kids readers, more on curse, slang word and also may have a sexual scenes.

-----------------------------------------------------------

Geyl's POV

"We are your new housemates."

Ano?!

Naguguluhan ko siyang nilingon. What the hell. Anong pinagsasabi nito. Bago ako makaimik pinangunahan ako nong lalaki nakaformal na suot.

"Pwede bang papasukin mo na lang kami. Ang init na dito sa labas." reklamo nito sakin.

Takot mangitim?

Napamaang naman ako sa sinabi nito. Nagmamadali kong hinarang ang gate pero pumasok sa isip ko na useless ang pagharang ko dito dahil free silang makadaan sa kaliwat-kanan ko.

"Walang papasok sa inyo bahay ko. Umalis na kayo." nagpipigil na galit na sabi ko.

Hindi ako papayag na magkaroon ng tatlong lalaki sa bahay ko.

"Hoy saan ka pupunta!" sigaw ko pero dinaanan lang ako nong tatlo.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin. Mga bastos! nilampasan lang ako at talagang pumasok sila sa bahay ko.

Naiyukom ko ang kamay ko sa galit, nagmamadali akong naglakad papasok sa bahay ko. Ang mga kupal nandon na agad sa sala nakaprenteng naka-upo, wala akong sinayang na oras at pumunta ako sa harap nila habang nakapameywang.

Napatingin ako sa mga maletang dala nila. So totoo dito sila titira?! paano nangyari yon?! paano nila nalaman ang bahay ko?

"Hoy kayo, mga kupal. Tatawag ako ng pulis at kakasuhan kayo ng trespassing!" sigaw ko sa kanila. Nawawalan ako ng pasensya talagang paghindi pa sila umalis sa bahay ko. Sapilitan ko silang palalayasin o baka naman gusto pa nilang masaktan ang katawan nila.

"Kalma ka lang geyl."

At yan na naman yung lalaking tumatawag sa pangalan ko. Teka paano ba nito nalaman ang pangalan ko?!

Hindi ko naman siya kilala.

"Hoy kupal paano mo nalaman ang pangalan ko?" galit na tanong ko dito na sa ngayon na kadi-kwatro sa pagkaka-upo at parehas ang kamay nakalagay sa hawakan ng couch. Makaasta kala mo bahay niya tong bahay ko.

"You don't know me?" hindi makapaniwalang sabi nito at umakto pa ng nasasaktan.

Mukha siyang tanga sa ginagawa niya.
Inirapan ko lang siya.

"HAHA hindi naman kasi lahat dapat kilala ka, Vishnu" natatawang sabi o sabat nong nakaformal na lalaki.

"Shut the fuck up, Chester."

So magkakilala itong dalawa?!

"So ako na muna magpapakilala..."

"Tsk."

"I'm Chester Lapaz, currently taking a law at Ateneo. This year mag-aaral akong mabuti. Kaya please lang guys, ayoko ng maingay, lalo na pagnagre-review ako I choose this house because is quite peaceful." imik nito. Ang kapal ng mukha na magdemand. Pamamahay ko 'to.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Hanggang ngayon naasa ka parin, bumagsak ka nong nakaraang taon diba?"

"Damn Vishnu, manahimik ka o ipapakain ko ang lahat ng libro ko sayo about sa law."

Talagang nag-away pa sa harap ko. Napadako ang tingin ko muli doon sa Vishnu.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon