Chapter 46: Support

17 1 0
                                    


Geyl's POV

"May ipapabili ka ba?" tanong ng assistant ko. Madali akong umiling sa kaniya. Lunch na tamang-tama lang parating na siya.

"Iba ang blooming mo ngayon, Kung ganon mauna na ako." sabi nito at kita ko pa ang panunukso niya sa akin gamit ng tingin niya.

"Alis na." utos ko sa kaniya at wala siyang nagawa kundi ang umalis na sa opisina ko.

Bago ang lahat sinuguro ko munang nakaalis siya. Doon ko nilabas ang mga pagkain na inorder ko kanina lang, nagmamadali kong inayos iyon sa lamesa.

Hindi ko malaman sa sarili ko sobrang saya ko ngayon. Hindi ko mapigilan mapangiti lalo na tuwing naalala yong nangyari kagabi. Kaya naman naisipan kong bumawi sa kaniya, nasabihan ko na siya na wag magdala ng pagkain. Nasabi niya rin sa akin na may sasabihi siya ngayon tuloy hindi na ako makapaghintay malaman kung anong sasabihin niya.

Nang maayos ko ang pagkain, sinunod kong ayusin ang sarili ko. Nasa tapat ako ng salamin at naisipan kong ilugay ang buhok ko at kahit hindi naman ako mahilig, naglagay ako ng make-up.

'Alam mo ba siya yong tipo na babae na laging galit, laging nakasimangot, hindi maayos manamit, hindi nga siya marunong mag-ayos ng sarili, napakainitin ng ulo, lahat ng nalabas sa bibig niya masakit na salita at ayon ang pinakaayaw ko sa kaniya.'

Hmm tinignan ko ang sarili ko sa salamin at doon ko napagtanto na kung anong sinasabi ni Gimena. Lagi akong nakasimangot?

Pinilit kong ngumiti ngayon sa harap ng salamin at nagtry pa ako ng nagtry para ipractice ang ngiti ko.

Kingina.

Ang hirap naman nito....

>_<

Kailangan bang nakangiti palagi? Hindi naman ako palaging nakasimangot at galit ah?! Nagagalit lang ako kapag hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya.

Napadako namana ng tingin ko sa damit ko. Nakaformal ako ngayon dahil ayon ang patakaran bg school. Kung baga dress code, wala man akong magagawa doon.

Pero...

Ano nga ba pinagsusuot ko?

Jacket, jeans, tshirt, short, Ano naman mali don? Kailangan bang maki-uso sa pananamit?

Siya nga kung magsuot parang 90's ang pormahan.

Siya talaga itong walang kastyle-style manamit sa aming dalawa. Dinadamay lang ako tsk.

>_<

Nasabi niya rin na masakit akong magsalita. Paano ko ba babaguhin pananalita ko, sinilang na akong pabalang sumagot.

Pero sige itra-try ko magbago para sa kaniya.

'Nakapakaselfish niya ring tao, gusto niyang sinasarili ang lahat. Minsan hindi ko siya maintindihan, kaya naman naiinis ako sa kaniya, siya na itong babaeng toyoin, topakin,  mahirap suyuin at intindihin. Tama nga sila ang hirap spellingin ng mga babae.'

Hindi ko talaga alam kung anong pinupunto niya na selfish akong tao. Aminado ako nagdedesisyon ako para sa sarili ko, topakin? Never naman akong tinopak.

Napapansin ko nga ang pagiging maintindihin niya pero never naman niya ako sinuyo! Tsk.

Gawa-gawa kwento. Hirap suyuin? never naman siyang nang suyo sa akin.

Pero....

"Hindi mahalaga sa akin kung hindi siya kagandahan, wala akong pakialam kung hindi siya marunong manamit, actually parehas lang kami.
Hindi rin ako magpapatalo sa galit at pagiging masungit niya, higit sa lahat kahit topakin, toyoin siya gagawin ko parin lahat para paamuin siya, kahit na mahirap siyang suyuin, susuyuin ko siya hanggang siya na itong maglambing sa akin. Kahit na nasasaktan na ako sa binibitawan niyang masakit na salita, mahirap man uunawain ko siya at iintindihin ng paulit-ulit at sisiguraduhin kong hindi ako magsasawa."

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon