Chapter 26: Camping

25 2 0
                                    


Geyl's POV

"Diretso ka lang jan," utos sa'kin ni Gimena.

>_<

Ako kasi nagmamaneho ngayon at katabi ko siya. Nagtuturo kung saan ako dapat lumiko o dumaan.

"Malayo pa tayo?" inip na tanong ko kanina pa kasi kami paikot-ikot mukhang naliligaw kami.

"Hays pambihira kasi si Jetro sabi sasabay daw sa'tin pero sure naman ako tama dinadaanan natin."

>_<

Siguraduhin niya lang.

"Ayan kaliwa ka may makikita kang tindahan!" exited na sabi niya.

"Tsk." singhal ko at pinihit ang manibela pakaliwa.

Sobrang busy niya sa phone at nakailang tingin na rin siya sa likod namin para tignan ang mga dala-dala namin.

"Nagdala ka ng extra na damit?" tanong niya at tumango ako bilang tugon.

"Good!"

"May jacket ka?"

"Oo,"

"Nagugutom kana ba?"

>_<

Bakit ba tanong siya ng tanong?

"Magrelax ka nga, natataranta ka." direktang sabi ko sa kaniya na kinatahimik niya.

"Kung makarating man tayo don Geyl gusto ko mag-enjoy ka, paniguradong magugustuhan ka nila." ngiting-ngiting sabi niya.

"Ilan beses mo ng nasabi yan sa'kin sa bahay pa at kaninang paalis tayo." pagpapaalala ko sa kaniya. Nakakarindi na pero sana nga mag-enjoy ako. Sa totoo lang busy ako at maraming dapat asikasuhin sa S.U pero heto ako nakuha pang sumama sa camping.

"Ay hehe wala lang gusto ko lang sabihin sayo—" hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil ang mata ko ay nakafocus sa kalsada at sa Hindi kalayuan nakita ko si Jetro at ilang mga kaibigan niya sa isang tabi.

"Sila ba 'yon?" sabay nguso ko sa mga batang nakita ko pero taka ako ng tinawanan lang ako ni Gimena.

>_<

Inis ko siyang tinignan na kinatigil niya sa pagtawa.

"Ano kasi ang cute mong tignan kapag nakanguso ka pala...Oo sila 'yon."

Cute? ano ako bata?

Tsk.

Napapailing na lang akong nagmaneho at humanap ng pa-parkingan.

"Sa pag-uwi ako na magmamaneho ha!"

"Tsk,"

Kakarating palang namin pero pag-uwi na agad iniisip niya. Kinuha niya ang mga gamit namin at mga pagkain sa likod pinauna ko siyang puntahan ang mga kaibigan niya.

Natawa ako ng makitang parang batang nagtatakbo si Gimena papunta sa kaibigan niya. Nang magkita-kita sila nagtatalon sila sa saya at kitang-kita ko sa mukha nila ang pagka-exited.

Pero nawala din ang sayang nararamdaman ko nang may mga babae na lumapit dito at niyakap siya, mabilis akong lumabas ng kotse at naglakad papunta sa pwesto nila.

>_<

Gaya ng inaasahan ko gulat na gulat silang makita ako. Nilingon ako ni Gimena at nginitian ako. Tuluyan akong lumapit sa kanila at dahil don nakaramdam ako ng kaunting kaba lalo na hindi ko naman sila kilala.

Agad nagtama ang mata namin nong Trixie kaya naman lalong lumawak ang ngisi ko.

Sa wakas nakaharap ko na rin siya.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon