Chapter 27: Fall

32 4 0
                                    

Song for this Chapter: Now I Know by Sohn hyungwoo/Monsta X Shownu.

Matagal ng Ost yan pero the lyrics itself talaga nakapukaw sa'kin the reason bakit ko nagawa ang story na ito. Yes inspired po siya talaga siya yong kanta sa story na ito.

See lyrics for yourself (^.^)

Ayon sorry for delay upsate.

Enjoy reading!

-----------------------------------------------------------

Geyl's POV

Madali akong nakarating sa camp kaysa kay Gimena dahil kahit na takbo ang bagal bagal pa din parang babae.

>_<

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdam akong kung anong pumatak sakin agad akong napatingala at doon ko napagtanto na umaambon.

"Sabi ng hintayin ako!" rinig kong reklamo ni Gimena sa likod ko. Hindi ko siya pinansin napadako ang tingin ko sa mga kasama namin na nage-enjoy maligo at magbasaan sa dagat.

"Geyl!"

>_<

Inis ko siyang nilingon, ba't hindi na lang siya makisama sa mga kasama niya? diba camping nila to?

"Ayaw mo makisama sa kanila? tara maligo?"

"Ayaw ko."

Tango-tango siya sinabi ko. "Sabagay nong nakaraan lang nagboracay ka. Sige okay lang. Alam ko naman ma's gusto mong kasama si Vishnu."

>_<

Bakit ba lagi niya na lang sinasama si Vishnu sa usapan? at isa pa hindi ba pwedeng ayaw ko lang maligo sa dagat? wala ako sa mood lalo na nakikita ko siyang nakikipaglandian kanina.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, everything is first to me.

"Nagkakamali ka-" imik ko pero ko na natuloy kasi biglang may tumawag sa amin.

"Gimena! Geyl! Tara dito!" anyaya samin ng mga kasamahan namin. Hindi naman nakaligtas sa tingin ko ang seryosong tingin niya sa'kin. Madali kong tinalikuran si Gimena at nagpunta sa isang tent saktong punta ko sa loob bumuhos ang malakas na ulan.

Imbis na magsipagbalikan sila dito sa tent ma's lalo pa silang naglaro sa dagat at para silang mga bata ngayon na nagtatakbuhan sa gitna ng ulan. Kita ko rin na nakisama sa kanila si Gimena, hindi ko maiwasan mamangha at mapatulala sa kaniya lalo na halos kulang na lang lumabas ang gilagid niya sa pagtawa at pagngiti.

At ito na naman ang abnormal kong puso. Nagwawala na naman na parang baliw nakatakas sa isang mental hospital.

"Geyl Tara na!" yakad sakin ni Dos pero agad akong umiling.

"Tara na masarap maligo sa ulan!" sigaw ni Leah pero inilingan ko din ito.

"Hayaan niyo na lang siya, wag pilitin ang ayaw." sabat nong Trixie.

>_<

Sa huli mag-isa lang ako sa tent hinayaan ko silang magtampisaw sa dagat at ulan. Habang pinapanood ko sila doon ko napagtanto na nagbabago na talaga ang lahat sakin.

Noon mahilig ako sa ganito, sa paggala, sa paglabas, sa kalokohan ako pa nga lagi nauuna pagdating sa ganito, sa pagwa-walwalan ngayon nasa edad na ako bente pataas unti-unti na akong namumulat sa realidad. Mali, mulat na talaga ako ngayon sa realidad.

Matanda na ako, hindi na ako bata pa. Kami nina Hoshi, Sinteya, Phoebe at lalong-lalo na si Mikay. May kaniya-kaniya na kaming buhay ngayon.

Nasa tamang pag-iisip at tamang edad na rin ako para subukan ang mga bagay-bagay.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon