Chapter 60: Pain

15 0 0
                                    


Carl's POV

Mabigat ang kalooban kong nakauwi sa bahay. Kakabukas ko palang ng pinto bumungad na sa akin si Chester.

"Buti naman umuwi ka!" sigaw niya at lalapit sana ito sa akin pero umiwas ako.

"Amoy alak ka ha,"

"N-Napainom lang,"

"Madaya hindi ka nagyaya! buti na lang talaga nakauwi kana. Akala ko ngayong gabi ako lang mag-isa rito."

Taka akong tinignan siya.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan,"

Alam niya bang wala sila Vishnu at Geyl sa bahay. Hindi ito makakauwi?

Bago pa ako magsalita hinila na ako nito papuntang sala at doon kami umupo.

"Ngayong gabi tayo lang dalawa rito, hindi makakauwi si Vishnu at magkasama nga pala iyong dalawa."

Sabi na nga ba may alam siya...

"B-Bakit daw?" Simpleng tanong ko. Gusto ko talagang malaman bakit magkasama sila. Kita kong napatikhim siya at hindi ko alam kung malungkot ba siya o nag-aalala.

"Kanina ko lang ito nalaman, Yong Ama ni Geyl sinugod sa hospital,"

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Ngayon ko lang narinig ito...

Nabigla ako sa nalaman ko.

"Oo, kaya for sure gumawa ng paraan si Vishnu para lang ihatid si Geyl sa japan. Doon nakadestino ang ama niya ngayon, grabe...kahit siguro ako matataranta at aalis ng bansa agad-agad pagnabalitaan kong may nangyari sa magulang ko. Hoping na ayos na sila, maging ayos na rin ang ama ni Geyl."

0_0

Anong itong naririnig ko? Totoo ba ito? Hays hindi naman magbibiro si Chester sa ganitong sitwasyon.

Binalutan ako ng halo-halong emosyon ngayon at nagi-guilty ako dahil kung ano-ano ng inisip ko kay Geyl...hindi ko man lang inalam yong totoo.

I'm sorry Geyl...

Shit.

Kung may magagawa lang ako para puntahan ka ngayon.

Sigurado akong hindi madali ang sitwasyon niya ngayon, malungkot siya...

"I'm sure ayos lang si Geyl, nandon naman si Vishnu hindi siya pababayaan non." Sa pananalita palang nito parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya.

So mali ako ng iniisip...

Akala ko..

Arghh nakakainis, tama si Kiel dapat hindi ako naprapraning.

Nasabunutan ko sa sarili ko sa inis. Gusto ko magwala kanina pa, sobrang nabulag ako ng selos kanina.

Hindi ko mapapatawad sarili ko, ako mismo itong nanghusga kay Geyl.

"A-Ayos ka lang ba Gimena?" Tanong ni Chester at dahan-dahan akong tumango.

Nakakahiya ka Gimena.

"Nga pala Chester may sinabi ba si Vishnu kung kailan sila makakauwi?" agad na tanong ko. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi nauwi si Geyl or hindi ito man lang itong makausap.

Syempre nag-aalala rin ako sa kalagayan niya.

Knowing na si Geyl, laging nagtatago ng tunay nararamdaman niya.

"Hmm wala eh,"

Nanlumo ako sa sagot nito.

"Siguro matagalan pa sila don...Uy kaya tayo lang dalawa rito? Nakakatakot...Huwag ka munang magtra-trabaho ha! Sasamahan mo ako rito sa bahay!"

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon