Chapter 7: Confrontation

61 10 0
                                    


Geyl's POV

From: Isles

Sorry hindi kita nahatid at masusundo baby, busy ang sched ko. Bawi ako next time.

Tsk. Mas okay nga na wala siya at busy sa trabaho para naman maging maganda ang araw ko. Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa.

"May ipaguutos po ba kayo?"

"Wala." maikling tugon ko sa secretary ko.

"Anything you want for lunch?"

"Wala akong gana."

"Ahm may gusto lang sana akong sabihin..."

"Ano iyon?"

"Nakita ko na naman kayo, nong lalaki na laging nadalaw sa office mo noon. Mukhang nagiging close na naman kayo ah."

"Pake mo?" iritang sabi ko.

"Ayoko lang na ke-bagobago mo pa lang ay hanapan na kayo ng butas dito para mapaalis." paliwanag nito na kinanoot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Masyadong mainit ang mata ng mga guro sayo at ilang empleyado dito sa S.U gusto ko ring malaman niyo na may iilan na tutol sa pamamalakad niyo." hindi komportableng pagpapaliwanag nito.

Tsk.

"Kung ayaw niyo madawit sa mga issue, mabuti pang layuan niyo na ang studyante na iyon."

Layuan si Gimena...

"Ako na bahala sa sarili ko. Makakaalis kana." kalmadong sabi ko dito at tinanguan ako nito.

"Okay." sabi nito at umalis ng opisina ko. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa mga pinagkwe-kwento at pinagsasabi ni Gimena sa'kin sa matandang na nagmamay-ari ng BBQ house.

Pero...Tama nga naman ang secretary ko. Iba kami ng katayuan ni Gimena dito sa S.U mukhang kailangan kong gumawa ng linya o ipaalam sa kaniya ang mga limitasyon. Tsaka wala naman akong balak na manatili siya sa tabi ko tulad noon.

Naisandal ko ang ulo ko sa upuan at pinikit ang mata ko para marelax 'yon.

"Geyl."

Naknang.

Napatingin agad sa harap ng pintuan nandon siya at tanging ulo lang nito ang nakadungaw, tila ba sinisilip ako. Mamaya pa tuluyan itong pumasok sa opisina ko.

"Geyl.."

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na pagtatanong ko.

"Ahmm ano kasi...gusto kitang makausap." nahihiyang pagkakasabi nito sakin at napakamot pa sa batok.

"Tsk. Alis na." madiing sabi ko. Bakas ang gulat sa mata nito tila hindi niya aakalain na papalayasin ko siya.

"Geyl naman..."

"Know your limitation." tumayo ako sa kinauupuan at hinarap siya binigyan ko seryosong ekspresyon. Siguro non hindi ako nakagawa ng boundary sa aming dalawa ngayon kailangan kong ipakita sa kaniya na magkaiba kami ng katayuan sa paaralan na'to.

"Anong ibig mong sabihin.."

"Studyante ka ng paaralang, pinamumunuan ko, kaya alamin mo kung saan ka lulugar. Hindi ka basta-basta pwedeng pumunta sa opisina ko kung kailan mo gusto. Naiintindihan mo ba ako?" pilit kong dineretso ang pagsasalita ko at seryoso ko siyang tinignan.

"H...Hindi kasi nagawa ko naman 'to noon. Lagi naman ako----" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ang gusto ko lang dumistansya ka sa'kin." dagdag ko. Bumuka ang bibig nito na mukhang aalma pa sa sinabi ko pero hindi niya tinuloy. Naguguluhan nito akong tinignan at napalunok pa ng ilang beses, lumaylay ang balikat nito at ngayon hindi na makatingin ng ayos sa akin.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon