Chapter 23: Invite

24 3 0
                                    


Carl's POV

"Kung anong tingin mo sa akin, 'yon din ang tingin ko sa'yo. Kung anong nararamdaman mo para sa'kin, 'Yon din ang nararamdaman ko para sa'yo."

//^_^//

Agad akong napapadyak sa kama dahil sa kilig na maalala ko ang sinabi ni Geyl kanina.

Tangina ales tres na nang umaga at ito ako gising pa at nangingisay pa sa kilig.

Sino ba naman kasi makakatulog? Buong akala ko iiwasan niya ako o di kaya hindi papansinin dahil sa nangyari kanina pero ito! hindi lang pansin, kinausap niya pa ako pagkarating niya. Kahit sinungitan niya ako, ang saya-saya ko.

Geyl, Geyl, Geyl.

Kahit ko naman masyadong gets ang sinabi niya para sa'kin masaya na ako dahil sinagot niya ang tanong ko.

//^_^//

Masaya akong pinagmasdan ang kwintas na hawak ko ngayon. Dahil sa sobrang dilim ng kwarto ko kitang-kita ko ang pagning-ning nito. Para siyang tala sa langit, hindi na talaga ako makapaghintay na masuot ito ni Geyl.

//^_^//

Iba talaga ang epekto niya sa'kin. Para akong nauulol at nababakla makita ko lang ang makasimangot niyang mukha. Kahit bihira ko siya makitang nakangiti, masaya na ako basta nakikita ko siya.

Hindi na ako makapaghintay para bukas maibigay sa kaniya itong regalo
ko sa kaniya kanina kasi pinangunahan ako ng kaba.

Hangga't talagang may nakikita akong pag-asa, Aasa lang ako.

Masaya akong nagpaikot-ikot sa kama at nakangiting matulog.

'Goodnight Geyl.'

--

Agad akong na-alimpungatan ng may sumilaw na liwanag sa mukha ko, senyales na umaga na. .

Dahan-dahan akong napa-upo sa higaan at kinusot ang mata ko.

Nahihilo akong tumayo, hindi ko na namalayan kagabi kung paano nakatulog. Napatingin ako sa lamesa at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makitang walang laman 'yon box.

Asan na 'yong kwintas?!

Madali akong tinanggal ang sapin ng Kama ko at nakahinga ako maluwag ng makita agad ang kwintas.

Woah.

Akala ko nawala na. Madali ko 'yong kinuha at inayos na nilagay sa box.

Ayan perfect na.

Nag-asikaso na ako sa pagpasok sa S.U at inayos ko talaga ang sarili ko para naman gumwapo ako sa tingin niya.

Masaya akong naglakad pababa ng hagdan at bumungad naman sila sa'kin sa kusina. Kita ko na magkasama don si Chester at Geyl. Tingin ko din inaasar ni Chester si Geyl dahil sa nakasimangot ito ngayon.

^_^

Tinago ko muna ang box kung saan nandon ang kwintas.

"Carl! Good morning!" bati sa'kin ni Chester nang makita ako nito. Pumunta ako sa kinaroroonan nila at umupo sa tabi ni Chester.

Kumuha ako ng pagkain at pasimpleng tinignan si Geyl na seryosong kumakain ngayon.

Dug.dug.dug.

Kalma self....

"Oh paano ba yan mauna na ako sa inyo ha, hindi ako pwedeng malate." pamamaalam sa amin ni Chester.

Tamang-tama buti aalis na siya.

"Bye chester!" masayang pamamaalam ko dito.

Nang masigurong nakaalis na ito, pasimple kong nilabas ang box, nanginginig ang kamay ko habang hawak iyon.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon