Chapter 5: Envelope

75 10 2
                                    


Geyl's POV

"Hatid na kita sa pupuntahan mo. Total magdate din tayo mamaya para alam ko kung saan ka susunduin."

>_<

Ito talagang Vishnu na'to. Nasa kusina kami ngayon at nagaalmusal ng niluto ni Chester pero mukhang wala na akong gana dahil dumating si Vishnu at tumabi pa sa'kin.

"Guys, mauna na ako sa inyo. Malate pa ako sa klase." paalam ni Chester at nagmamadaling kinuha ang bag niya at umalis.

Nagpapasalamat ako kasi kahit papaano nakakain ako ng ayos dahil tahimik lang si Vishnu.

"Hintayin kita sa labas." nakangiting sabi nito sakin. Umakyat ako muli sa kwarto para kuhanin ang gamit ko. balak ko pumunta sa isang kompanya namin. Titignan ko kung may pagbabago o may kailangan ayusin don. Lumabas ako ng kwarto at wala sa wisyong napatingin ako sa katabing kwarto ko.

Siguro nakaalis na din siya. Bumaba ako sa hagdan at nagtungo sa labas. Agad kong nakita si Vishnu na nakasandal sa kotse niya, Well may taste siya pagdating sa pagpili ng kotse.

"Sakay na baby." yaya nito sakin. Naririndi ako pagsinasabihan niya ako ng baby. Kadiri. Ang laki-laki ko na kaya.

Wala naman akong choice kundi sumabay sa kaniya, kailangan ko siyang mapapayag na maging model namin. Naglakad ako papunta sa kaniya pero napahinto din ako ng magsalita si Vishnu.

"Uy!" agad kong nilingon ang tinawag nito.

Si Gimena nagtama ang mata naming dalawa agad itong umiwas ng tingin at inasikaso ang motor nito, naflatan siya ng gulong.

Napansin ko kaagad ang suot na uniporme nito.

'Nag-aaral parin siya sa S.U?' tanong ko sa isip ko. Napatingin ako sa oras, kalahating oras na lang time na ng pasukan. Hindi ko inaasahan na lalapitan ni Vishnu si Gimena.

"Sa amin ka na sumabay, dadaan din naman kami sa S.U." pagyaya nito. Kahit papaano mabait naman pala ang Vishnu na ito. Napadako agad ang tingin sa akin ni Gimena.

"H..Hindi na." tanggi nito.

Aba choosy pa.

"Sumabay ka na sa amin." this time ako ang nagyaya. Nanlalaki ang mata nitong tinignan ako. Hindi ko na sila pinansin pa sumakay ako sa unahan ng kotse. Mamaya lang sumakay na si Vishnu at si Gimena sa likod pumuwesto.

Nagsimulang magmaneho si Vishnu at parang baliw dahil nakangiti ito habang nagmamaneho.

"San mo gusto mag lunch?" tanong nito sakin.

"Kahit saan." iwas tingin na sabi ko. May kung ano sa'kin na tumingin sa salamin na nasa harap ko, gusto ko makita ang reaksyon ni Gimena pero nakafocus ang tingin nito sa bintana.

"Nag-aaral ka pa pala, ano nga name mo?" tanong ni Vishnu para kay Gimena.

"O..Oo nag-aaral ako sa S.U, ako si Carl Gimena." bakas ang hiya sa boses nito. May nalalaman pang pag-utal. Tsk.

"Carl, kapangalan mo yung kaibigan ko noon. Nice meeting you."

"Ganon ba," naiilang na sabi nito.

Napabuntong hininga na lang ako sa walang kwentang pag-uusap nila. Mamaya pa nakarating kami sa S.U, binuksan ko ang bintana at sinilip ang labas nito, syempre kahit papaano namiss ko ang lugar na'to.

"Salamat." imik ni Gimena.

"Welcome." preskong sabi ni Vishnu.

Lumabas ito sa kotse at nagmamadaling pumasok sa loob. Yung assistant ko ang humawak ng S.U ng mawala ako, ngayon hindi ko alam kung sino nagpapatakbo ng school.

Boy's Paradise (Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon