Kabanata 2 : Head and Heart

603 30 5
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day One 8:00pm Sunday

Heart of El Paradiso

"Pati ang loob binago." mahinang sabi ni Orion kay Ellie ng makapasok sila sa loob ng bahay.

"Kabisado mo naman di ba." sabi ni Ellie kay Orion.

Iniikot ni Orion ang mata sa loob ng bahay kung saan nakalagay ang lahat ng spy cam naroroon pa rin ang lahat sa puwesto, pero hindi niya matiyak kung saan na nakatutok ang mga iyon.

Pinagawa ni Orion ang bahay mula pa ng makuha niya ang mapa, dalawang palapag iyon na may limang kuwarto sa ikalawang palapag kung saan nakapalibot ang balcony sa buong ikalawang palapag.

Ang unang palapag naman ay may malaking sala, may malaking mesa para sa dining, isang kitchen, at at dirty kitchen sa likurang bahagi.

Nasa likuran din ang garden na sadyang ginawa niya para kay Ellie.

Ang bahay ay napapalibutan ng mga puno na siyang magsisilbing harang nila sa mga hayop sa gubat na puwedeng makapunta sa lugar nila.

"Guys tingnan niyo." sabi ni Athena ng mauna itong umakyat ng bahay kasama sila Venus at Joey.

Nagsiakyatan ang lahat at napapikit ang mata ni Orion ng makita na pati ang pagkakaayos ay sadyang binago.

"Paano ba iyan? Magkakasama ang boys at magkakasama ang girls." sabi ni Malic ng makita nila na pinag-isa ang dalawang kuwarto para sa kuwarto ng mga lalaki at gayundin ang dalawa pang kuwarto ay pinag-isa din para sa mga babae.

"May isa pang kuwarto, baka sex room." natatawang sabi ni Malic at nagmamadali itong pumunta sa isa pang kuwarto pero akmanag bubuksan nito ang pintuan ng sumigaw si Orion.

"Huwag!" sabi ni Orion. Ang kuwartong iyon ay master's bedroom na kuwarto nila ni Ellie.

"Bakit? Anong meron dito?" nakangising tanong ni Ice na sinundan si Malic.

"Damn it. Kuwarto namin ni Ellie iyan." asar na sabi ni Orion.

"Oooppssss, ang bahay na ito ay para sa isang laro kaya dapat walang lihim dito." sabi ni Malic at akmang bubuksan nito ang pintuan ng batuhin ito ni Orion ng bag.

"Subukan mong buksan, itatapon kita sapilitan sa isla ko." inis na sabi ni Orion kay Malic.

"Kailangan buksan kasi baka may daya diyan." sabi ni Matias at pinuntahan nito sila Malic at Ice.

"Langya tadyakan niyo na ang pinto." sabi ni SatA at nagmamadali nitong sinipa ang pinto.

"Aiissstt, shit." inis na,sabi ni Orion.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon