(Just play the theme song for this chapter)
Day 6
6:00PM
"Nakakahiya, nakapagluto ka na." nahihiyang sabi ni Ellie ng makitang tapos na si Aquila magluto ng hapunan.Napatingin si Aquila kay Ellie, nakapagpalit na ito ng damit at nakaligo na rin kasunod nito ang kapatid niyang si Orion at kahit hindi sabihin alam niyang siningit ng mga ito ang honeymoon sa larong iyon.
"Okay lang kumain na tayo." sabi ni Aquila at nilagyan nito ng plato si Ellie at akmang sasandukan nito si Ellie ng pagkain ng magsalita si Orion.
"Ako na, tawagin mo na lang si Athena sa labas." sabi ni Orion kay Aquila na napatingin sa kanya.
"Kaya na niya ang sarili niya." seryosong sabi ni Aquila at naupo ito sa tapat ni Ellie kung saan magkatabi ang kuya niyang si Orion at si Ellie.
"Ayaw mong tawagin? Ako na lang tatawag." seryosong sabi ni Orion kay Aquila.
Napatingin si Ellie kay Orion at bumakas ang takot sa mukha nito na agad nakita ni Aquila ng mapabaling ito ng tingin kay Ellie.
"Okay, ako na ang tatawag kay Athena." napipilitang sabi ni Aquila. Tumayo at lumabas ito ng bahay.
"Madali naman pala kausap." nakangising sabi ni Orion at sinandukan nito ng pagkain si Ellie.
Nakatingin lang si Ellie kay Orion at bahagya itong napangiti, dahil namumula ang leeg nito pati ang mga braso.
"Bakit?" nakangising sabi ni Orion kay Ellie.
"Para kang may rashes." natatawang nakakaakit na sabi ni Ellie.
.....................
Flashback
Hours ago
"Ano ito?" tanong ni Ellie ng may makita sa leeg ni Orion at ng kumawala siya sa yakap ng asawa nakita ni Ellie ang maliliit na pula sa dibdib ni Orion. Nakuha pa ni Ellie patalikuran si Orion at nanlaki ang mga mata niya na pati sa likuran may mga bakas ito."Si Athena ang may gawa niyan." guilty na sabi ni Orion.
Nasa banyo pa rin sila ni Ellie at katatapos lang nila magniig ng makita ni Ellie ang chikinini na ginawa ni Athena sa leeg, likod at dibdib niya.
"Kinain ka niya?" nanlalaking mata sabi ni Ellie.
"Aiissstt, hin..." putol na sabi ni Orion ng bigla siyang mapaungol ng simulang dilaan ni Ellie ang likuran niya.
Ang ginagawa nito ay isang milyong boltaheng kuryente ang hatid sa katawan ni Orion.
"Garlic." ungol ni Orion. Na kahit nilagyan siya ng bakas ni Athena kanina iba pa rin ang hatid ng dila at init ni Ellie.
"Pupunuin ko ito at tatabunan ko ang ginawa niya sayo." nagseselos na sabi ni Ellie at napaungol si Orion ng mag-iwan nga ng bakas si Ellie sa likuran niya na nakuha pa nitong sipsipin ng bahagya bago at matapos nitong iwanan ng bakas.
"Garlic." daing na ungol ni Orion at napaungol ito lalo ng yakapin siya ni Ellie patalikod at ang mga kamay nitong malambot at mainit ay humaplos sa dibdib niya at pinaglaruan nito ang tuktok ni Orion.
"Ayaw mo ba?" mapang-akit na sabi ni Ellie kay Orion.
"Gusto ko, Oh shit. Nakakabaliw ka." ungol na sabi ni Orion at nagtitimpi itong humarap kay Ellie para muling makatalik ito.
BINABASA MO ANG
Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)
RomanceMga islang pinaghiwalay ng panahon bibigyan muli ng kulay... ...... sa nag-aapoy na pagmamahalan .... sa lugar tinaguriang puso ng tatlong isla... Ng sampung taong maghahangad ng tunay na pag ibig.... At limang magkakaparehas na susubok sa tunay na...