(Just play the theme song for this chapter)
Day 7
3:00PM"Hindi mo talaga akong pipigilan?" tanong ni Orion ng bumaba siya ng hagdan at nasa sala lang si Ellie habang nakaupo at nagdudotdot ng cellphone nito.
"Hindi, Mister. Umalis ka na at baka gabihin ka, habang nandiyan pa ang isang chopper." sabi ni Ellie kay Orion.
"Mag-isa ka dito mamayang gabi. Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Orion kay Ellie.
"Hindi, binabantayan ako ng magulang ko at ng anak ko plus ng lolo ko at ng mga magulang ng grupo." sabi ni Ellie kay Orion.
"Pero wala naman sila dito para bantayan ka." sabi ni Orion.
"Wala ka rin naman magagawa... dahil kung ikaw nga mapanganib para sa akin." sabi ni Ellie at nakuha pa nito iangat ang mga paa sa center table.
"Iyong braso mo baka mabigla kapag galaw ka ng galaw." sabi ni Orion.
"Okay ako at mas ookey ako kung umalis ka na." sabi ni Ellie.
Napabuntung hininga si Orion at lumapit ito kay Ellie saka ito lumuhod.
"Sorry na." nagmamakaawang sabi ni Orion.
"Sorry, madaling sabihin at madaling ulitin." nakangising sabi ni Ellie.
"Ano ba gusto mo para mapatawad mo ako?" sabi ni Orion.
"Kapag natuto ka ng magpigil ng nararamdaman mo...
...kapag malaman mo na ang puwede sa hindi at...
...kapag hindi ka na naaakit sa ibang babae." sabi ni Ellie.
"Lahat naman kasi ng lalaki maaakit sa ginawa ni Athena pero hindi ko naman siya pinatulan." sabi ni Orion.
"Hindi lalapit ang sisiw kung wala siyang nakikitang makakain. Pero sa tulad mo Mister mukha isang kalabit lang sayo...
.... uungol ka na." sabi ni Ellie.
"Ellie naman, hindi ko naman pinasok..." sabi ni Orion.
"Hindi mo pinasok kasi dumating ako. Saka huwag ka ngang magpretend na ikaw ang dehado.
Ang kapal pa ng mukha mo, ha. Talagang hinalay mo ako, ikaw na nga ang may kasalanan." mapanuyang sabi ni Ellie.
"Ginalit mo kasi ako." sabi ni Orion.
"Kaya nga umalis ka na para hindi ka na magalit.... Mister." sabi ni Ellie.
"Hindi ko na uulitin, promise." sabi ni Orion kay Ellie.
BINABASA MO ANG
Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)
RomanceMga islang pinaghiwalay ng panahon bibigyan muli ng kulay... ...... sa nag-aapoy na pagmamahalan .... sa lugar tinaguriang puso ng tatlong isla... Ng sampung taong maghahangad ng tunay na pag ibig.... At limang magkakaparehas na susubok sa tunay na...