Kabanata 9 : Addiction : SPG

558 27 10
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 5
1:00 AM Friday

"Guys, magsaya lang tayo." sigaw ni Joey habang lasing na nitong tinungga ang isa pang bote ng alak na galing kay Orion.

"Mabuti, may alak sa bahay mo 'tol." sabi ni Aquila kay Orion.

"Importante iyan sa atin." nakangising sabi ni Orion habang yakap nito si Ellie.

Nakaupo sila lahat paikot sa bonfire habang nag-iihaw ang mga ito ng hotdog at barbecue.

"Gusto mo?" masuyong tanong ni Matias kay Emerald na kanina pa siya hindi pinapansin.

"Ayoko." sabi ni Emerald kay Matias.

"Ano ang gusto mo?" bulong na tanong ni Matias kay Emerald.

"Namimiss ko na si Heaven at Yummy. Gusto ko na umuwi." mahinang sabi ni Emerald, na ikinangiti ni Ellie ng marinig nito si Emerald na katabi lamang niya.

"Homesick... sa larong ito kailangan mo matutunan kung paano mo paglalabanan ang kalungkutan mo. Tulad ng isang hari kailangan matibay ang loob mo. Dahil sa panahon ng giyera wala ang anak mo sa tabi mo at iisipin mo kailangan mo umuwi ng buhay para sa kanya." sabi ni Ellie sa isip.

"Tatlong araw na lang uuwi na tayo... kaunti na lang." sabi ni Matias kay Emerald at niyakap nito si Emerald.

Pero sa pagyakap ni Matias sa asawa nasanggi nito si Ellie kaya napatingin ito sa kanya at tulad ng inaasahan libre ang ngiti kay Ellie Cheung na hindi mo maiiwasan na gantihan din ito ng ngiti.

Napatingin si Emerald kay Matias at Ellie ng biglang kumunot ang noo ni Emerald sa natunghayan.

"Pagdududa, isang lason sa lahat ng relasyon na siyang magdadala sa hindi pagkakaunawaan." sabi ni Ellie sa isip ng makita ang matalim ng mga mata ni Emerald.

"Guys, sandali lang. Aissstt, nahihilo na ako." sabi ni Joey na kanina pa siya umiinom ng alak.

"Sasamahan na kita." sabi ni Venus kay Joey.

"Hindi na magsaya ka diyan." sabi ni Joey at tumayo ito at sumusuray ito naglakad.

"Kaya mo pa?" natatawang tanong ni Athena kay Joey.

"Oo, kaya ko ito nakakauwi nga tayong dalawa sa mula American bar hanggang condo mo sa Amerika dito pa kaya... eh iyan lang iyong bahay." lasing na sabi ni Joey kay Athena at nagpatuloy itong naglakad papuntang bahay.

"Bumalik ka at huwag kang matutulog." sigaw na sabi ni Athena.

"Yes, lady Athena." sigaw ni Joey at kamuntikan pa itong madapa sa paglalakad nito.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon