Kabanata 20 : Confidence

514 29 15
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 7
9:30AM


"Itigil mo napipikon na ako." bantang sabi ni Orion kay Ellie.

"Tama, itigil na natin Aquila habang wala pang nangyayari sa atin." sabi ni Ellie at napangiti ito ng lihim.

"Hindi ako si Aquila." tiim bagang na sabi ni Orion.

"Aiiissstt, masakit ang braso ko at iyong ulo ko pero dahil kailangan ko lumaban, AQUILA kaya tatayo ako para...." udlot na sabi ni Ellie ng bigla siyang hawakan ni Orion sa braso na ikinasigaw niya dahil totoong masakit ang braso niya.

"Ahhhh!" daing na sigaw sa sakit na sabi ni Ellie na ikinatingin ni Orion dito ng makitang nanlaki ang mga mata ni Ellie ng higpitan niya ang braso nito.

"Masakit?" nakangising sabi ni Orion at ng akmang hihigpitan pa niya ang paghawak biglang ng magsalita si Ellie.

"Kaya ko, mas masakit ang masaktan sa puso kaysa sa braso." sabi ni Ellie kahit pakiramdam niya nabalian yata siya kanina sa pagkakahulog niya.

"Talaga lang ha? Ngayon uulitin ko...

....Kilala mo na ba ako?" tanong ni Orion at bahagya nitong hinigpitan ang braso ni Ellie.

"Aray..... HINDI." sabi ni Ellie at pilit itong ngumiti.

"Hindi rin masakit?" nakangising sabi ni Orion ng makitang namumula na ang braso ni Ellie pero bahagya niya pa itong diniinan para paaminin.

"HINDI!" diin na sabi ni Ellie na pinigilan niya ang mapadaing sa sakit.

"Sino ako?" tanong ni Orion at pinisil nito ang braso ni Ellie.

"Si Aquila!" diin na sabi ni Ellie at...

"ARAY!!!" sigaw ni Ellie at namilipit ito sa sakit sa ginawa ni Orion na pagpisil sa braso niya.

"Sino sabi ako?" sabi ni Orion pero sa loob nito naaawa na ito kay Ellie na halatang nasasaktan nga ito sa ginagawa niya pero ninais niyang ipagpatuloy ang pagtatanong kay Ellie.

"AQUILA!" sigaw na daing na sakit na sabi ni Ellie.

"Pananakit, isang gawi na umiiral sa isang tao para makamit ang gusto nito." sabi ni Ellie

"Fuck!" sigaw ni Orion at binuhat nito si Ellie.

"Saan tayo pupunta , Aquila?" naninindigang sabi ni Ellie kay Orion.

"Sa banyo para walang manonood sa gagawin ko sayo.

Ipapaalala ko lang naman sayo kung sino ako?" galit na sabi ni Orion at pumunta ito ng banyo na nasa loob ng kuwarto ng mga babae at pabagsak nitong isinara ang pinto.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon