Kabanata 12 : Love is Not a Fight

514 34 11
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

PLAGIARISM is a CRIME

Do NOT Copy

Day 612:00 AM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 6
12:00 AM

"Langya, dito talaga siya natulog?" sabi ni Marcus na ikinatawa ni Orion ng pagpasok nila sa kuwarto ng mga lalaki naroroon si Sofia sa kama ni Marcus.

"Hahaha, pare sinuot iyong damit mo." natatawang sabi ni Aquila kay Marcus.

"Aiisssttt, mabuti na lang wala na si Malic dito dahil kundi tatabihan ka na nun." sabi ni Marcus sa natutulog na si Sofia habang yakap pa nito ang unan niya at talagang sinuot nito ang boxer shorts niya.

At halatang hindi na ito umalis mula kanina ng iwan niya ito dahil suot pa rin nito ang t-shirt niya na pinasuot niya dito kaninang hapon.

"Puwede bang mag call a family?" natawang sabi ni Marcus at hinanap nito ang spy cam na ikinatawa ni Orion.

"Dad, kunin mo na ako at pipikutin ako ng anak ni Tito JC. Parang awa mo na, bata pa ako at mas bata pa itong babaeng nasa kama ko." nagmamakaawang sabi ni Marcus habang nakaluhod ito sa spycam na ikinatawa nila Orion.

"Marcus, matulog na tayo." mahinang sabi ni Sofia at dumapa pa ito sa kama ni Marcus.

"Asar, paano ba ako iiwas sa batang ito?" sabi ni Marcus. Anim na taon ang tanda niya kay Sofia at ayaw niya ng ganoon kabata sa kanya pakiramdam niya child molester siya.

"Marcus!" sigaw ni Sofia na ikinatawa ng mga kasama ni Marcus.

"Shhh, baby sleep lang." sabi ni Marcus kay Sofia na ikinatawa pang lalo nila Orion.

Sa grupo si Marcus ang hindi babaero, hindi nga ito kukuha ng babae kung hindi mo bibigyan. Ito rin ang pinakabata sa grupo sa mga lalaki. Takot ito sa tatay nitong si LJ at ito rin ang magmamana ng kompanya ng ama nito dahil nag-iisang lalaki ito sa pamilya at bunso pa, kaya Mama's boy din itong maituturing.

"Payakap." sabi ni Sofia kay Marcus.

"Tangna pare. Ayoko ng ganito uuwi na ako." sabi ni Marcus sa mga kagrupong lalaki at humiga na ito sa sahig para umiwas kay Sofia

"Marcus, hindi ako aalis dito hanggat... hindi maging tayo." inis na sabi ni Sofia na ikinatawa pa lalo nila Orion.

Ngayon lang nila nakita ang totoong ugali ni Sofia dahil, isang taon pa lang naman ito nakakasali sa grupo. Nag-iisang anak at menopausal baby ito ng kanyang ina, kaya mahal na mahal ito ng mga magulang ng dalaga. Nakapagtapos ng kolehiyo sa middle east at singer din ito sa bansang iyon.

"Ayoko na! Mas madali pang resolbahan ang mga dokumento sa opisina kaysa sa batang iyan. Ayoko maging baby sitter." sabi ni Marcus. Pero nagulat ito ng tumayo si Sofia at tumabi ito sa kanya sa sahig at yakapin si Marcus na ikinatawa nila Orion.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon