Kabanata 1 : We Are One

948 31 11
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

"Game na ba ang lahat?" seryosongsabi ni Orion ng nasa bungad na sila ng isla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Game na ba ang lahat?" seryosongsabi ni Orion ng nasa bungad na sila ng isla.

Napatingin ang lahat sa lugar, ilang oras din ang tinakbo nila para marating ang dulo ng El Paradiso, ang islang sinasabi ni Orion ay hindi pa nila makita. Pero nasa dulong boundary sila ng una at ikalawang bayan kung saan isa iyon kagubatan.

"Ito ang linya kung saan bawal lumagpas.

Ang aatras sa laro ay uuwi at magbabayad ng isang milyong piso...

Sisimulan natin ang pagbibilang ng unang araw kapag nagdilim na at tumaas na ang tubig sa palibot ng....." putol na sabi ni Orion sabay turo sa isang dalawang palapag na bahay.

".....bahay na iyon." sabi ni Orion.

"Paano namin malalaman kung may lalabas o pupuslit tapos babalik din... in short may mandaya?" tanong ni Rain.

"Ang maliit na isla ay pinapalibutan ng daan-daang spy cam kung saan nakatutok sila,Autumn at Winter, at kung sinuman ang sumira o magbago ng kinalalagyan ng spy cam ay may karagdagang isandaang libong pisong parusa." sabi ni Orion.

"Paano namin malalaman kung hindi kayo mandadaya ni Ellie?" tanong ni Matias kay Orion.

"Ang isang linggong paglalagi sa isla ay panonoorin nating lahat at magbobotohan tayo kung sino ang mananalo." sabi ni Orion.

"Okay, mas maganda iyon para walang bias kasi kambal niyo ang nanonood sa atin." sabi ni Malic.

"Isa lang ang mananalo at ang labing siyam na milyong piso na malilikom ay idadagdag sa pagpapagawa ng El Emperio kung saan lahat tayo ang may karampatang shares na makukuha, pero....." sabi ni Orion.

"Pero?" tanong ni Marcus.

"Hindi kayo ang kukuha ng shares niyo kundi ang magiging unang anak na lalaki niyo.... Biological son." seryosong sabi ni Orion.

"Huh. Ayos." nakangising sabi ni Matias na nakuha ang gusto mangyari ni Orion.

"So ang mananalo ay siyang tatanghaling hari ng El Emperio... or ang unang anak na lalaki ng mananalo? Tama ba ako?" tanong ni Kloud.

"Paano kung manalo ako.... sino ang mamamahala ng El Emperio?" tanong ni SatA kay Orion.

Napatingin si Orion kay Ellie ganoon din ang magkakapatid na Cheung sa isa't isa.

"Si Autumn ang nakaisip ng lahat, at..." sabi ni Orion.

"....at gagamitin niya lang kami para makalikom ng pondo para sa negosyo niya?" nakangising tanong ni Malic.

"Ahhmmm, sumakay na tayo sa van kasi magkakagabi na. Tataas na ang tubig sa palibot ng isla." tikhim na sabi ni Ellie at hinawakan nito ang kamay ni Orion.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon