Kabanata 4 : Love Lies

492 33 4
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

Day 2
Tuesday, 8.00 am

"Galit ka pa ba?" tanong ni Ellie kay Orion.

"Hindi ako galit kasi sabi mo nagtatrabaho ka di ba? So bakit ako magagalit?" seryosong sabi ni Orion kay Ellie.

Nasa likod bahay sila ng oras na iyon at mula pa kahapon ng lumabas siyang naka-swimsuit hindi na siya pinapansin ni Orion. Nakatingin lamang ito kay Ellie at sa buong grupo.

"Ganoon ba? Mabuti naman kasi seryoso ako sa trabaho ko at..... pangako ngayon araw may uuwi na sa kanila." natatawang sabi ni Ellie.

Mula din ng nag swimsuit siya kahapon ng umaga hanggang gabi, tumahimik ang buong bahay na tila may mind war ang lahat.

"Sige lang. Seryosohin mo basta siguraduhin mo lang na makukuha ng anak ko ang trono niya." seryosong sabi ni Orion

"Oo naman. Para kay baby Autumn ko. Gagawin ko ang lahat. Susuungin ko ang dagat para makuha ang korona ng hari." mapang-akit na bulong ni Ellie kay Orion na ikinatingin lang ng matiim ni Orion sa kanya.

"Sa huli siguraduhin mong tayo ang maglalaban.... At tandaan mo, hindi ako papayag na ikaw ang magbibigay ng korona sa anak ko." nakangising sabi ni Orion kay Ellie.

Alam ni Orion na desidido si Ellie sa ginagawa nito dahil alam niya kung paano magmahal ng pamilya si Ellie na kahit siya tinalikuran nito para sa pamilya nito dati. Pero hindi na ngayon dahil iisa na sila, at mas panatag siyang sa kanya si Ellie.

"Oo naman Onion, pero bago iyon kailangan makaalis ang apat sa isla." nakangising sabi ni Ellie na ikinakunot ng noo ni Orion.

"Apat agad?" gulat na sabi ni Orion hindi niya alam ang plano ni Ellie at wala nga itong sinasabi sa kanya.

"Oo, watch and learn. Tandaan mo tatlo ang kursong ko with flying honors kaya hindi ako papayag na hindi ako manguna sa isla NATIN. Hindi nila ako malalampaso sa teritoryo ko dahil AKO...

... ang REYNA DITO." bulong ni Ellie at nagulat si Orion ng dilaan ni Ellie ang pisnge niya.

"Kasama ba ako ssa tatanggalin mo?" nanlalaking mata na sabi ni Orion ng biglang nag react ang sandata niya sa pagdila ni Ellie sa pisnge niya na may laway laway pa.

"Ihuhuli kita.... saka kita kakainin ng...." mapang-akit na sabi ni Ellie at lumapit ito sa tenga ni Orion para bumulong.

"......buo at iluluwa ng nanghihina...." pilyang bulong na sabi ni Ellie at hinawakan nito ang sandata ni Orion.

"Fuck anong plano mo?" tanong ni Orion kahit alam nilang may spy cam sa likod bahay, tila walang pakialam si Ellie kung mandila o manghimas ng kaselanan niya.

"Secret... aalis na ako dahil oras na para magtrabaho." pilyang sabi ni Ellie at nagulat muli si Orion ng yumuko si Ellie at hinalikan nito ang sandata niya kahit may boxer shorts pang nakatabing doon.

"Bye, MY King." mapang-akit na sabi ni Ellie at naglakad ito habang kumekendeng pa ang balakang nito.

"Shit, mas siya dapat ang katakutan ko." napalunok na sabi ni Orion at tumingin ito sa boxer shorts niya, na nakatayo na ang sandata niya.

.................

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon