Kabanata 17 : Desire

466 30 13
                                    

(Just play theme song for this chapter)

(Just play theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Day 6
9:00 PM


"Aquila, thank sa luto mo. Puwede ka ng mag-asawa." birong sabi ni Ellie na ikinangiti ni Aquila.

"May kilala ka ba?" birong tanong ni Aquila kay Ellie.

"Ano bang tipo mo sa babae?" tanong ni Ellie kay Aquila.

"Sisimulan ko na ang pagtanggal." sabi ni Ellie sa isip.

"Parang ikaw." seryosong sabi ni Aquila na ikinaumid ng dila ni Ellie at ikinatalim ng mga mata ni Orion sa kapatid.

Napatingin naman si Athena kay Aquila na tila siya nasaktan sa sinabi nito na hindi niya alam kung bakit.

"Hahahaha, mabait ka kasi. Maganda saka mas prefer ko kasi iyong babaeng conservative na kahit na seksi ka manamit nakikita sa ugali mo na reserve kang tao." sabi ni Aquila kay Ellie at lihim nito sinulyapan si Athena na napayuko sa sinabi niya.

"Nakakahiya baka... baka..." sabi ni Ellie at tiningnan nito si Orion na nag-aapoy na ang mga mata sa selos, kaya nilamukos ni Ellie ang mukha ni Orion saka kumandong dito.

Napatawa si Orion sa ginawa ni Ellie sa kanya lalo na ng yumakap ito sa kanya.

"Huwag kang magselos. Pansinin mo sila at tingin ko bagay sila." bulong ni Ellie kay Orion na ikinatigil sa pagtawa ni Orion.

"PAGKAKAIBA, mga bagay na hindi magkatulad pero masarap ipagsama. Tulad ng kape at cream... suka at toyo at conservative sa liberated." nakangising bulong ni Ellie kay Orion na ikinangiti ni Orion.

"Guys, mauna na kami ni Ellie. At puwede ba, tutal apat na lang tayo. Sa kuwarto ka na lang ng mga babae matulog Aquila... tutal walang batas sa ganoong bagay." sabi ni Orion at napatili si Ellie ng kargahin siya ni Orion na parang bata kaya napakapit ang mga hita niya sa baywang ng asawa.

"Orion." namumulang sabi ni Ellie.

"Puwede tayong magsaya. At tutal naman honeymoon dapat namin ni Ellie ang linggong ito kaya isisingit namin ang paggawa ng.... baby." pilyong sabi ni Orion at hinalikan nito si Ellie sa leeg na ikinatili ni Ellie.

"Bye guys. Mag enjoy kayo.

Ninang at ninong kayo ng triplets namin or gagawin na namin quadruplets." pilyong sabi ni Orion at naglakad ito paakyat ng hagdan habang kinikiliti nito si Ellie ng mga halik na ikinatitili nito.

" pilyong sabi ni Orion at naglakad ito paakyat ng hagdan habang kinikiliti nito si Ellie ng mga halik na ikinatitili nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon