(Just play the theme song for this chapter)
Day 5
5:00AM"Saan ka pupunta?" tanong ni Joey kay Emerald.
"Uuwi na." sabi ni Emerald.
"Ganoon ba? Sino kasama mo?" tanong ni Joey
Nasa madilim na lugar si Joey ng mga oras na iyon, hindi siya makatulog kaya naisipan niyang lumabas at ilang oras lang ng makita niya si Emerald.
"Wala." sabi ni Emerald.
"Okay, sasama ako sayo palabas." sabi ni Joey.
"Ha?" gulat na tanong ni Emerald kay Joey.
Lumabas si Emerald ng kuwarto at siniguro ni Emerald na tulog si Matias bago siya tuluyang umalis. Hindi pa siya nakakatulog dahil sa nakita niya kaninang madaling araw sa pagitan ni Ellie at ng kanyang asawang si Matias at nababaliw na siya sa isla sa kakaisip.
Tulog na ang lahat pero hindi napansin ni Emerald na wala pala si Joey sa kama nito kaya nagulat siya ng tawagin siya nito mula sa dilim. Isa yata sa natutunan ni Emerald sa sarili sa sobrang pangungulila sa mga anak niya, ay ang nakabisado niya ang kada boses ng bawat isa.
"Lalabas na ako, at uuwi nai-stress ako dito. Ang akala ko magsasaya lang tayo, aissstt pero pakiramdam ko na-stress ako lalo sa buhay ko." sabi ni Joey at nagsindi ito ng sigarilyo at hinithit iyon ng ilang beses.
"Aiissstt, tama ka. Kahit ako ang dami kong naiisip. Na parang pakiramdam ko hindi healthy ang lugar na ito." sabi ni Emerald at mula sa dilim nilapitan niya si Joey
"Malamang mamaya pa sila gigising. At mga alas otso bababa ang tubig mula sa kabilang bahagi ng isla.
May motor akong nakita sa likuran ng bahay na malamang ay kay Orion at hinanap ko na rin ang susi. Aalis tayo kung sasama ka sa akin?" seryosong sabi ni Joey at mula sa dilim naaninag ni Emerald ang luha sa mga mata ni Joey na lumandas sa pisnge nito.
"Fuck! Bakit ko ibinigay sa kanya, iyon na lang ang meron ako." sabi ni Joey sa isip.
Hindi si Joey makatulog ng mahimasmasan siya kanina at kahit naligo pa siya, ramdam pa rin niya ang init ng labi ni Martein sa katawan niya. At ayaw niya ng ganoong pakiramdam.
"May problema ba? Kung bakit ka aalis?" tanong ni Emerald kay Joey.
"Wala, namimiss ko na ang buhay sa bar. Hindi ako taga-isla alam niyo iyon. Nabuhay ako sa maingay na lugar sa Amerika kung saan puro party ang mga kabataan. Ayoko ng ganito dahil kapag tahimik pakiramdam ko nabibinge ako." sabi ni Joey.
"Haist. Okay, pero saan ka tutuloy? Ibig kung sabihin uuwi ka ba agad sa Manila?" tanong ni Emerald.
Alam niyang nasa Manila ang bahay nila Joey at lumalagi lamang ito roon kapag naboboring ito sa bahay nito sa Manila. Hindi si Joey tapos ng kolehiyo, walang trabaho at umaasa sa magulang.
BINABASA MO ANG
Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)
RomanceMga islang pinaghiwalay ng panahon bibigyan muli ng kulay... ...... sa nag-aapoy na pagmamahalan .... sa lugar tinaguriang puso ng tatlong isla... Ng sampung taong maghahangad ng tunay na pag ibig.... At limang magkakaparehas na susubok sa tunay na...