Kabanata 13 : Through the Fire

481 27 10
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 6.2
11:00AM

Kain na tayo.” nakangiting sabi ni Aquila ng bumungad si Ellie sa kusina.

“Wow, ikaw talaga ang nagluto!” nakangiting sabi ni Ellie.

Matapos ni Ellie makipag-usap kay Orion imbes na pumasok siya sa bahay naglakad muna siya sa dalampasigan para mag-isip at ng makita niya ang oras nagmamadali siyang umuwi para sana magluto pero laking gulat niya na nakapagsaing at nakapagluto na rin si Aquila ng ulam.

“Oo, nakakahiya naman sa may-ari ng bahay.” nakangiting sabi ni Aquila. Tinitigan nito si Ellie, nakapajama ito ngayon pero naka sport’s bra or suit lang ito sa pang itaas kaya sexy pa rin itong tingnan sa paningin niya.

“Grabe, bisita ka nga at dapat ako ang mahiya.” nahihiyang sabi ni Ellie kay Aquila at mabilis ito pumunta sa lalagyanan ng mga plato para maghanda.

“Okay lang para matikman mo ang luto ko.” nakangiting sabi ni Aquila.

Napalingon si Ellie at tinitigan nito si Aquila, kung tutuusin kamukha ito ni Orion. Dahil din siguro malakas talaga ang dugo ng ama ng mga ito na si Ramon Valiente kaya kahit ang bunsong kapatid ng mga ito ay kamukha ng ama ng mga ito.

Pero iba ang karisma ni Aquila, kung si Orion matapang ang mukha si Aquila naman ay may maamong mukha na laging nakangiti. Tall, dark and handsome din ang lalaking nasa harap niya, matangkad at alam niyang babaero din ito pero may pagka konserbatibo ito pagdating sa mga nagiging nobya nito.

Napangiti si Aquila ng titigan siya ni Ellie, sa grupo si Ellie ang angat sa lahat at sa kanilang lahat, si Ellie ang taong ngiti pa lang makukuha na niya ang kiliti mo. Pero nakareserba ito sa kuya niya kaya kahit gusto ng mga grupo na lalaki na ligawan ang babaeng nasa harap niya hindi puwede.

Okay, maghahanda lang ako. Apat na lang tayo, handa ka na ba sa laban?” natawang sabi ni Ellie.

Napangiti si Aquila kahit sa pagtawa ni Ellie para itong nang-aakit pero alam niyang ganoon talaga si Ellie dahil kahit ang kapatid nitong si Isaiah, ang ina nitong si Ella at kahit ang pinsang nito si Cassie ay ganoon tumawa na siguro namana ng mga ito sa dugong Tuazon.

Pero kakaiba si Ellie dahil ang pagtawa ay may halong kiliti para sa lahat dahil kapag tumatawa ito ang mga mata nito ay tila nang-aakit din.

Oo, handa ako. Huwag kang magtatampo o magagalit kapag AKO ang nanalo.” nakangising sabi ni Aquila.

Oo naman, pero sisiguraduhin ko HINDI KA mananalo o kahit na ang kapatid mo o sino sa inyong tatlo dahil AKO ang uuwi ng pagkapanalo at ang anak kong si AUTUMN ang hahawak ng El Emperio.” sabi ni Ellie habang naghahanda ito ng mga plato.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon