Kabanata 3 : Sexy Back

560 32 10
                                    

"Just play the theme song for this chapter)

Day 1
Monday
7:00 AM

Good morning.” sabi ni Isaiah habang yakap nito si Denise.

“Aiissstt, talagang hindi ka umalis sa kama ko.” sabi ni Denise kay Isaiah.

“Ang sarap mo yakapin.” nakangising sabi ni Isaiah kay Denise.

Tiningnan nila Isaiah at Denise ang kama ng iba, natutulog pa ang ilan bukod kay Ellie na wala na sa kama nito.

……………..

“Good morning.” nakangiting sabi ni Ellie ng salubungin niya si Orion. Naghahanda siya ng agahan ng lahat ng bumungad si Orion sa kusina.

“Nakatulog ka ba?” tanong ni Orion at niyakap nito si Ellie.

“Oo naman, ikaw?” tanong ni Ellie.

Oo.” nakangiting sabi ni Orion at yumuko ito para halikan si Ellie.

“Ahhmmm.” tikhim na sabi ni Matias ng makitang maghahalikan ang dalawa na nagpahinto kay Orion at napatingin ito kay Matias.

“Kanina ka pa nandiyan?” nakakunot na sabi ni Orion habang nakatingin ito kay Matias.

“Oo, tinulungan ko nga si Ellie magluto.” sabi ni Matias na ikinakunot ng noo ni Orion.

“Marunong siya magluto, at tama si Emerald.” sabi ni Ellie habang yakap nito si Orion.

"Nagluto kayo?" kunot noo na sabi ni Orion at masama nitong tiningnan si Matias.

"Aisst, hindi tulad ng luto natin." pilyang bulong na sabi ni Ellie ng makita ang galit sa mukha ni Orion.

Tiningnan ni Orion si Ellie, nakasuot ito ng short shorts at sando na pantulog. At kahit sabihin na marami sila sa bahay na iyon hindi malabong….

Ilang oras na kayo magkasama?” seryosong tanong ni Orion kay Matias.

“Kanina pa sila.” singit na sabi ni Rain na galing sa likod bahay.

“Hindi naman kuya Rain, mga two hours pa lang.” natatawang sabi ni Ellie na hindi binigyan malisya ang pagsasama nila ni Matias pero iba ang dating kay Orion na ikinangiti ni Rain.

“Ang pinakakahinaan mo… selos! na siyang kong paniningasin para mawala ka sa isla, Orion.” nakangising sabi ni Rain sa isip.

Napatingin si Matias kay Rain, at napakunot ang noo nito. Alam niyang pailalim na itong lumalaban at siya at si Orion ang uunahin nito tanggalin sa isla dahil minsan na silang may di pagkakaunawaan ni Orion dahil kay Ellie.

“Hinihintay ko si Emerald, kaso matagal talaga magising si Emerald. Kaya bago pa siya gumising may nakahanda ng pagkain para sa kanya.” sabi ni Matias.

Naudlot ang pagtatanong pa sana ni Orion ng biglang nagsalita si Rain.

“Saan ka galing?” tanong ni Rain ng makita buhat sa labas si Jade at kasunod nito si Ice.

“Sa labas nag jogging.” sabi ni Jade at nagulat ito at kasunod niya si Ice na hindi man lang nagulat sa kanya.

“Magkasama kayo?” tanong ni Rain kay Jade na ikinangiti nila Orion at Matias ng lihim.

“Selos… ang siya niyong ikakabagsak.” nakangising sabi ni Matias sa isip ng makita ang selos sa mata ni Rain.

“Hindi ah.” todo iling na sabi ni Jade ng makita ang selos sa mata ni Rain.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon