Kabanata 19 : Invisible

475 27 10
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

Day 7
8:30AM


"Ano lalaban ka?" pilyang sabi ni Ellie kay Orion habang nakadagan ito sa kanya at iniiwasan nitong makitaan siya sa spy cam.

Nakatingin si Orion kay Ellie, alam ni Ellie kung anong kahinaan niya at tiyak na gagamitin nito ang sarili para sumuko siya.

"Oo ba." nakangising sabi ni Orion pero hindi siya susuko at kahit na anong mangyari dapat siya ang manalo sa laban.

"Game." nakangiting sabi ni Ellie pero nagulat si Ellie ng yakapin siya ni Orion at dahil mahigpit na nakayakap ang mga binti at hita niya sa baywang ni Orion nakuha nitong kargahin siya ng hindi nakikitaan.

"Anong..." inis na sabi ni Ellie ng magawa pang ilagay ni Orion ang kamay sa puwetan niya sa pagtayo nito habang karga siya, para siguradong hindi talaga si Ellie makikitaan sa maselang parte ng katawan niya.

"Ano Garlic? Lagot ka sa akin ngayon." nakangising sabi ni Orion at nagmamadali itong pumasok sa bahay habang karga si Ellie.

"Alam kong takot kang makitaan kaya hindi ka magpupumiglas sa pagkakakarga ko sayo." naatawang sabi ni Orion sa isip.

"Asar, pero hindi ako susuko. Mauuwi ko ang panalo at dapat bago tumuntong ng alas dose ng gabi matalo ko na ang lalaking ito." sabi ni Ellie sa isip.

Ilang sandali pa ng magulat si Orion ng idikit ni Ellie ang sentro nito sa tiyan niya habang mahigpit ni Ellie niyakap ang mga binti sa baywang ni Orion na ikinatigil sa paglalakad ng mabilis ni Orion.

"Sinong lagot sa atin, Onion?" mapang-akit na sabi ni Ellie at idiin pa niya ang mainit na kaselanan kay Orion.

Nakuha pa ni Ellie haplusin ang ulo ni Orion ng payakap at idantay ang labi niya sa tenga nito.

"Hindi mo ako matatalo... tandaan mo, natukso si Eba kay Adan at nahumaling si Malakas kay Maganda bukod diyan...." putol na sabi ni Ellie ng ilapit din ni Orion ang labi sa tenga ni Ellie at masuyong kinagat iyon at saka nagsalita.

"....nabuntis si Mary ni Joseph kahit hindi siya ginagalaw nito.

Kapalaran... kahit walang kang ginagawa nagaganap." mapang-akit na sabi ni Orion at napapikit si Ellie ng dilaan ni Orion ang bahagi ng tenga niya.

"Langyang lalaki ito, ang galing mang-akit. Sandali lang" sabi ni Ellie sa isip na naramdaman ang pamumula ng tenga at mukha niya sa ginawa ni Orion

Napatawa si Orion ng mamula si Ellie kaya nagpatuloy siya sa paglalakad pero ng akmang iaakyat niya si Ellie habang karga ito.

"Gusto mo ng baby?" tanong ni Ellie na ikinahinto ni Orion sa pag-akyat sa ikalawang palapag.

Island Clash Saga All In One : 2nd Gen 2.2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon