February 14 ( AOG 19 weeks & 4 days )
》CHEYNE《
I just woke up from my nap this afternoon when i heard a knock on my door and the maid calling my name.
"Bukas yan... Tuloy Ate Linda." Sigaw ko. Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang kasambahay namin dito. Sya ang madalas kong kakwentuhan minsan pag wala talaga akong magawa at bored na bored na ako dito sa bahay. Yung isa kasi maid medyo snob feeling ko may pag nanasa kay Lorenzo yun kaya ganun eh.
"Ma'am may mga dumating po sa baba hinahanap kayo pinapunta daw po sila dito ni Sir." napangiwi ako sa tawag nya sa akin sa lagi nyang pag'gamit ng po. Ilang beses ko na yan syang sinabihan na wag akong tawagin ng ma'am pero ayaw talaga patinag ni ate!
"Sige po sususnod na ko sa baba." Sabi ko nalang. Yun na siguro yung sinabi sa akin ni Enzo kanina.
Inayos ko lang ang sarili para harapin ang mga taong pinapunta ni Lorenzo dito sa bahay. Pagbaba ko ay nadatnan ko nga ang isang babae at binabaeng naka upo sa sala. Tahimik lang silang nagmamasid sa paligid hanggang sa nahagip nila ako. Halos sabay silang napatayo at binati ako.
"Good afternoon po! Ako nga po pala si Maane ang stylish at ito naman po si Em ang Make up artist." Pakilala nya sa sarili at sa beking kasama nya. "By the way ang ganda po ng bahay nyo!" Masiglang dugtong nya pa. Hindi ko napigilan matawa, she looks like a high school girl giggling because of her crush at sa totoo lang ang cute nyang tignan. Maging yung beki na kasama nya ay hindi mo aakalaing lalaki pala talaga kung hindi pa nila sinabi!
"Nice to meet you too. By the way I'm Cheyne. I guess ako ang dahilan ng pagpunta nyo dito." Natatawang sabi ko. " About the house Thanks, though this is really not mine." I even wink at her that makes her giggle.
"Ang cute mo Maane," hindi ko napigilang sambit na ikinatawa nilang dalaw.
"Thank you po! Pero wag nyo po ako paglihian baka magalit si sir Enzo pag naging kamukha ko ang baby nyo paglabas." Biro nya na ikinatawa ulet naming tatlo. Kung magusap kami akala mo matagal na kami magkakilala.
"Miss Cheyne siguro po dapat magsimula na tayo. Sabi kasi ni Sir Enzo dapat handa na kayo bago mag 7pm." Suhesyon ni Em. Napadako naman ang mata ko sa orasan.
"Tch! Hayaan mo sya wag mong intindihin yun, 4:30 palang naman oh. Halika muna kayo sa kusina, mag meryenda muna kayo at ako'y maliligo muna." Sabi ko at inaya sila patungo ng kusina. Inutusan ko si ate linda na asikasuhin muna ang mga bisita sabi ko babalik ako after 15 minutes.
Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo. I just wore my undergarments and robe after. And just like what I've said after 15minutes bumalik ako sa kusina kung nasaan ang mga mag'aayos daw sa akin kuno.
Inaya ko sila sa isang guest room para doon ako ayusan, ayoko kasing may ibang pumapasok sa kwarto lalo na't hindi ko pa masyado kilala. Nagpaalam lang sila saglit na may kukunin sa kotse. At laking gulat ko nang bumalik sila na may dala ng malaking makeup box si Em yun bang pagbukas mo maraming layer at sobrang daming iba't ibang makeup sa loob! Si Maane ganun din ang peg! Pero imbes na make up isang maletang damit ang dala nya! Meron pang mga naka hanger! Sobrang na amaze ako sa kanila yun dating simpleng guest room lang naging parang dressing room na ng mga artista!
BINABASA MO ANG
Unlikely Mistake ✔
General FictionFormerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken state? Would you thought of it as a mistake? Or consider it as your unlikely mistake? Meet Cheyne...