Mistake.23 - Betrayed

129K 2.3K 87
                                    

Don't kill me please! HAHAHA

》CHEYNE《


With the thought na makipag bati na kay Lorenzo gaya ng payo ni Lyn. Na gusto ko rin naman, inisip ko kung saan ko sya pwedeng makita o puntahan.


Then it stike me. Ang katoohanang marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa kanya. Kung saan ang lugar na mahilig nyang puntahan o kung saan sya pwedeng maglagi pag wala sya sa bahay. I know na CEO sya ng Kingdom Mall pero hindi ko alam kung saan ang office nya. Sa daming mall na pag'aari nya imposibleng sa mall mismo ang office nya kaya sure akong meron syang hiwalay na bulding para dun. Pero saan? Hindi ko alam.


Alam kong pwede kong makuha ang address nya sa internet. Pero hindi ko alam kung nasa office na sya ngayon. Tinignan ko ang oras at past nine na. He's the boss kaya pwede syang pumasok kung kailan nya gusto.


Gusto ko syang tawagan at the same time ayaw ko. He probably don't want to talk to me anyway. Mas okay din kung ako mismo ang effort na makita sya at humingi ng tawad. But again, how?


Nasa ganun akong pag'iisip ng maalala ko ang secretary nya. Alam kong meron akong number nya. Binigay yun sa akin ni Lorenzo dati para kung sakaling may Emergency daw at hindi ko sya makontact yung secretary nalang nya ang tawagan ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito.


"Hello? Jan? Si Cheyne to." Bungad ko dito.


"Miss Cheyne ikaw pala. Ano pong kailangan nila?" Kahit kailan talaga ang pormal nya makipag usap.


Nakilala ko na si Janno or Jan in short, yes lalaki ang secretary ni Enzo. Mabait sya sa kwento at pagkakakilala ko sa kanya. Ilang beses na rin kasi syang nakapunta bahay para magdala ng mga papeles nainuutos sa kanya.


"Ah- pumasok na ba ang Boss mo sa trabaho?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.


"Wala pa po si Sir Enzo ngayon dito sa office. Sa tingin ko rin hindi po papasok yun ngayong araw." Sagot nito.


"Ganun ba. Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan ko sya pwede makita?" Hopeful na tanong ko. Sana lang talaga sabihin nya.


"Sa pagkaka-alam ko po nasa condo nya sya ngayon." Sagot muli nito.


Alam kong nakapunta na ako sa condo nya, pero isang beses lang yun. Alam ko ring sa Q.C lang yun pero hindi ko mataandaan kung saan! Lutang ako ng mga panahong umalis ako sa lugar na yun.


"Pwede mo bang ibigay sa akin ang address? Importante lang talagang makita ko sya ngayon." Sabi ko pa rito. Hindi naman siguro nya ipagdadamot na ibigay sa akin ang address ni Lorenzo.


"Sige ite-text ko nalang po sa inyo ang address." Sabi nito.


"Salamat! Sige aantayin ko nalang. Thank you ulit." Masayang sabi ko sa kanya. At dahil wala naman na kaming pag-uusapan pa ay pinatay na nya ang tawag. Binalingan ko ang kaibigan kong busy rin sa kaka'cellphone nya.

Unlikely Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon