Mistake.3 - Positive

225K 3.7K 136
                                    

》CHEYNE《


Two red lines. Two freakin red lines! Yan ang nakikita ko ngayon sa PT'ng hawak ko. Nanginginig ang mga kamay ko kasabay ang tuhod ko. At parang unti-unti akong nawawalan ng lakas habang nakatitig sa isang bagay na nagsasabing, mababago na ang buhay ko. Maliit na bagay pero sobrang laki ng pwede maging epekto sa akin... sa buhay ko... sa buong pagkatao ko.


Hindi ito maari! Ano nang gagawin ko ngayon? Bakit ako pa, sa dinamirami ng tao dito sa pinas? Sa buong mundo? Bakit ako? Naging masama ba ko? May nagawa ba akong kasalan? - Napakarami kong hinaing na gusto kong mabigyan kasagutan. Gusto kong isigaw ang mga katanungang yun pero alam ko namang wala makakasagot sa akin kundi syang nasa itaas lang.


Deep inside i know that i really can't complain to him. I can't question his plan for me. Ito na yun e, ang plano nya sa buhay ko. Wala naman na akong magagawa kundi ang tanggapin at kayanin ang pagsubok na ito sa buhay ko.


But still... I need someone right now. Someone na mapagkaka-tiwalaan at bukas ang isip na pwede kong maka'usap tungkol dito. Someone na dadamayan ako kahit ngayon lang.


Pero sino?! - ang naging tanong ng isip ko. Members of my family are out of the question. Wala rin naman akong maraming kaibigan.


Then her image pop in my mind. Sya lang ang kilala kong pinaka safe para sa ganitong ka'importanteng bagay. Sya lang ang alam kong pwede makaintindi  sa sitwasyon ko ngayon. Sana lang hindi sya busy sa mga oras na to.


Lumabas ako ng banyo at hinanap ang phone ko at nang makita ko ito, I dialed her number. After three rings she answered.


"Yes? Engr. Jumawan speaking." Ang bungad nya sa akin. I can't help but rolled my eyes.


Kahit ilang taon na ang nakakaraan simula ng naipasa nya Exam ay feel na feel nya pa rin talaga ang pagiging Engineer nya. Hindi na talaga nawala ang title nya sa pangalan nya. Gusto nyang laging naka dikit! Well I can't really blame her six years ba naman kasi sya naghirap sa pag'aaral maka'graduate lang. Iniiyakan pa ako nyan noon pag nahihirapan sya sa pag-aaral. Sa mga project at thesis... sa mga gabing wala na syang tulog matapos lang ang mga ito.


"Lyn... are you free? Kailangan kita..." hindi ko na napigilang mabasag ang boses ko. Parang ulan na biglang bumagsak sa akin kung bakit ko nga ba sya tinawagan.


"What the--! Hey! Are you crying Cheyne Lyra!" She almost yelled, she's not asking because that was a statement. "I'll be there in ten." Bago pa ko makapag-salita ay naibaba nya na ang tawag.


Now what? Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang natuklasan ko ngayon lang. Nag pumunta ako sa sala para doon ma-upo at magisip-isip. Pero parang walang namang pumapasok sa utak ko. Naupo lang ako doon habang nakatingin sa kawalan. Tulala sa mga nangyayari sa buhay ko.


Nasa ganun akong estado ng biglang narinig ko ang marahas na pag bukas ng pinto nitong apartment ko.


"Cheyne nasan ka!" Narinig kong sigaw mula roon. That was my bestfriend nakarating na pala sya. Parang ang bilis nya naman.


"Dito." ang tangi kong sagot sa'kanya. Agad naman nya akong nilingon.


"Anyare sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? At umiiyak ka nga!" bungad nya sa akin na akala mo napakagaling nya dahil tama ang hinala nya. Napaisip tuloy ako kung ano nga kaya ang itsura ko ngayon? Ang alam ko lang kasi ay hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak.


Bakit nga ba ako umiiyak? Bakit ako umiiyak gayong nalaman kong magkaka-anak na ko. I should be happy dahil soon to be Mommy na ako. Pero hindi ganun...


Unlikely Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon