THANK YOU for 200k+ Reads!!!
》CHEYNE《
Nang makarating kami sa likod ng bahay kung saan gaganapin ang family celebration para sa birthday ni Mommy ay natigilan ako. Hindi dahil namangha ako sa magandang ayos nito. Kung hindi dahil nakita ko ang mga Tito at Tita ko. I didn't expect for them to be here. Ang alam ko ay si Tita Lori (Loraine) lang ang makakapunta. Bihira kasing mangyari ang ganito dahil masyado silang busy sa buhay. At syempre hindi rin nakaligtas sa mata ko si Daddy. They are happily catching up with each other.
Wala sa loob akong napalunok. Bilang parang gusto ko nalang bumalik sa kwarto at magkulong. O hindi naman kaya yayain na si Lorenzo na umuwi na. Pakiramdam ko bumibigat na naman ang dibdib ko. Hindi pa sila buo ng lagay na yan, dahil wala pa ang mga kapatid at pinsan ko. Pero abo't abot na ang kaba sa dibdib ko. Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari pag nakaharap namin sila, pakiramdam ko hihimatayin na ako. Pakiramdam ko mapapa-anak ako ng wala sa oras.
Ito kasi yung matagal ko nang iniiwasang mangyari. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko tinangkang ipakilala si Enzo sa pamilya ko. Hindi ko sya ikinu-kwento sa kanila maliban nalang sa Mommy ko syempre. Iba kasi sya, hindi nya ako hinusgahan o ano pa man. Oo nga't na-dissappoint ko sya, but she still accept me. She never blame for what happened. Instead she believe that my baby happen for a reason. That is why i am nothing but thankful to her.
But i don't know if it goes the same with the other members of our family. Ang mga kapatid ko hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay nilang saloobin sa nangyari sa akin. Dahil iniiwasan ko sila. Ayaw kong marinig ang sasabihin nila. Kaya naman hindi pa kami nagkakaroon ng matinong usapan. That is why until now they still can't seem to accept the fact that in few months time i'll be having my baby. That they will be having their nephew.
Hindi ako nakapag'paliwanag sa kanila. Hindi ko nilinaw sakanila ang tunay na nangyari. Kaya hanggang ngayon ay galit pa rin sila kay Lorenzo. At sinisisi pa rin nila sya. Kahit hindi naman talaga dapat.
At ngayong, lahat ng takot ko nangibabaw na naman. Yung takot ko sa mga sasabihin nila. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Natatakot akong mag-iba ang tingin nila sa akin. Natatakot akong husgahan nila ako.
Sa totoo lang wala man akong pake-alam sa sasabihin ng ibang tao, sinabi ko na rin yan dati. Ngunit pag dating sa pamilya ko iba na, malaki na ang pake ko.
Because i must admit, i'm a negative thinker. Yes, i've always been like that. Since that day I discovered our Dad's betrayal. I became a negative thinker. I lost my confident for almost everything. I would always think with maybe, what if's or but's. I would always think for the worst thing that could happen. At hindi ko na talaga maiwasan. Hindi naman kasi ganun kadali mabago ang takbo ng isip ng isang tao. Lalo na kung na saktan na sya. Mahirap na kasing magtiwala ulit.
Ang isa pang ikinakatakot ko ay ang maaring gawin ni Daddy kay Lorenzo. Ang maaring sabihin nya dito. What if he leave me becasue of Dad? Just the thought of that make my heart feel heavy. Hindi ko lubos maisip kung anong magyayari sa akin kung mawawala sya sa buhay ko.
Wala sa loob akong napatingin sa gawi ni Lorenzo. He was standing beside me scanning the view. Then i feel like something hit me. Biglang pumasok sa isipan ko ang lahat ng ginawa nya para sa akin.
Ever since that day. Ever since he discovered that i'm carrying his child. Ever since that day he knows that we're about to be parents. He took his responsibilies with out question. And he's the one who chase after me, not the other way around. I admire him for that. I never thought a man like him still exist. He never question me, dahil ako pa ang kumwestyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unlikely Mistake ✔
General FictionFormerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken state? Would you thought of it as a mistake? Or consider it as your unlikely mistake? Meet Cheyne...