》CHEYNE《
"Ikaw na naman? Wala ka na naman magawa? Hindi ka ba busy sa business nyo? Kailan mo ba talaga ako titigilan? Ini-stress mo lang kami ng baby eh!" Bungad ko sa'kanya ng buksan ko ang pinto. Iritang irita na talaga ako sa lalaking ito. Sobra sobrang kulit!
Sino pa nga ba? It's none other than ang suki ng pintuan ko Mr. Enzo Levesque. Yes! Sya na naman ang tao sa likod ng pinto ko. Kahapon lang kami huli nagkita, tapos eto nandito na naman sya. Mambubsiwit na naman.
"We need to talk." Ayan... ayan na naman sya sa famous line nya. The last time we talk hindi ko nagustuhan ang pinuntahan ng pag-uusap namin which is kahapon lang. Naalala ko na naman tuloy ang mga kabaliwan nya.
Nakaka-stress!
"Wala na tayong dapat pag'usapan! My answer is still the same. It's a NO!" Sigaw ko sa kanya. I tried shutting the door in front of his face pero maagap nya itong pinigilan at tuloy-tuloy na pumasok papunta sala ko. Hindi ko mapigilan i-ikot ang mata ko. Nahiya naman ako sakanya bahay nya ito eh!
"Ano ba talaga problema mo! Hindi ka ba marunong umintindi!? Napupuno na talaga ako sayo!" I hissed at him.
Ang aga aga nya akong galitin! Bwisitin!
"Ikaw ang problema ko! Why won't you just agreed with me? We're having a baby for Christ sake! I don't want my baby to be an illegitimate child!" He exclaimed. Nagulat ako hindi ako makapag salita. Sa tingin ko naiisis na rin sya sa akin. Pero wapakels ako! I composed myself again.
"Oo nga magkaka-anak tayo. But never in my entire life i thought about Marrying you!" Inis na inis na sabi ko.
Yes tama ang basa nyo! Yesterday after nya akong ihatid dito sa bahay nag'usap na kami bago ako bumaba sa kotse nya. And he suggested that i should marry him for the sake of our baby. At first tinawanan ko lang sya and i look at him like he was a retard. Pero ng mapansin kong seryoso ang mga mata nya i told him NO right away. Hindi ko na sya pinag salita ulet at iniwan sya loob ng kanyang kotse. Nababaliw naman kasi sya. Umiiral ma naman ang pagka-bipolar nya.
"Bakit ba ayaw mong panagutan kita?! We're gonna be parents soon. We're going to have our baby. Marrying each other is the most logical thing to do," he tried reasoning me. But no! Never gonna happen!
"Oh my god! Are you really crazy?! Nung nakaraan lang gusto mo akong tumira ako sa bahay mo. Hindi nga ako pumayag, tapos ngayon ito naman? I think you are going mental! Pwede mo pa rin naman ako panagutan, pero hindi na natin kailangan magpakasal!" Pagra-rason kong muli sa kanya. Oh my god! Tumataas na talaga ang blood pressure ko dahil sa lalaking ito.
"Stop calling me crazy! I'm still sane. Why can't you understand that we're going to parents soon?!" Galit na sigaw na naman nya. Aba wala syang karapatan magalit sa akin! Pero hindi ko kailangang sabayan ang init ng ulo nya dahil baka sumabog lang kaming dalawa.
Napabuntong hininga ako. "Paulit-ulit nalang ba tayo Enzo?" I asked trying to calm myself baka kasi kung anong mangyari sa'amin ng baby. Masyado syang nakaka-stressed.
"Me being pregnant doesn't mean that you have to marry me! Twenty first century na! Marami dyang katulad natin, na nakabuo dahil sa isang gabi ng kalasingan. One night stand sabi nga nila. Pero hindi naman sila nagpakasal o kinailangang magpakasal. You can still support our baby even if we're not together. Our baby will use your name, hindi ka mawawalan ng karapatan sa kanya i assure you that." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tama naman ang mga sinabi ko diba? Pero ang loko hindi pa rin maka'intindi!
BINABASA MO ANG
Unlikely Mistake ✔
General FictionFormerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken state? Would you thought of it as a mistake? Or consider it as your unlikely mistake? Meet Cheyne...