7.1

121 4 0
                                    

Franco's POV:

"Oh dude! Welcome back!" Ang hyper talaga ni Matt kahit kelan. -___-

"Matt meron pang bukas." Sabi ko ng makaupo ako sa upuan ko sa SC office.

"Hahaha! Kaw talaga kahit kelan ang seryoso." Sabi niya ng nakangiti.

"At ikaw kahit kelan hindi kita nakitang nagseryoso." Sabi ko habang tinitignan ang mga papel na naka tambak sa table ko.

"Tss..." Yan na lang ang nasabi niya. Hahaha! Talo siya ngayon!XD

*Bzzzzt!* *Bzzzzt*

Naramdaman ko naman na nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Pagkatingin ko sa screen ay napakunot noo ako. Haaay! Hindi pa rin talaga ako tinatantanan nito hanggang ngayon. Nakakairita na ahh!

"Ui sino yan!" Muntikan ko nang mabitawan ang phone ko, buti na lang nasalo ko ito. Ay! Grabe talaga tong si Matt! Bigla bang sumulpot at magsalita sa may likod ko!

"Ano ba Matt!? Muntikan ko ng mabitawan phone ko ahh!"Sigaw ko sa kanya. Gulat kasi talaga ako sa ginawa niya eh.

"Hahahahahahhaha! Nakakatawa talaga reaction mo! Hahahaha!" Tawa lang siya ng tawa ngayon habang umuupo sa may harap ng table ko.

"Tss..sige tawa lang! Kabagin ka sana dahil dyan sa hangin na pumapasok sa tiyan mo!" Sarcastic kong sabi habang binubura ko ang text sa phone ko.

Tumigil naman siya sa pagtawa tapos ngumiti ulit ng nakakaloko.

"Hahahha! Eh sino ba kasi yon?"Nakakaloko niyang tanong.

"Wala, wala" sabi ko na lang. Parang ayokong sabihin to sa kanya ehh.

"Bilis na! Parang hindi tayo friends ahh!"Sabi naman niya tapos nagpout. Ambading ng itsura! Sarap sapakin ehh!

"Hoy! Wag ka nga gumanyan! Hindi tumatalab mga ganyan mo sakin! Mukha ka pang bading ehh!"Sabi ko.

"Hmp! Pero pag si Jade gumanyan, talab na talab sayo!"Sabi niya ng may ngiting nakakaloko. Usual na ngiti talaga niya yan.

"Eh syempre si Jade yon!"Sabi ko. Nice, pwede ko na ibahin topic nito. "So kamusta naman dito habang wala ako?" Tanong ko. Nag smirk naman siya bigla. Weird. Ang seryoso ng tanong ko ngingiti ng nakakaloko to.

"Everything's well and taken care of."Sabi niya. Ngayon naman eenglish english to.

Pero parang may something talaga ang expression niya pati ang pag eenglish niya eh.

"Good. But what's with that expression?" Tanong ko. Anubayan! Pati ako nahahawa sa pag eenglish niya eh.

"You know me too well mate."sabi niya ng may parang british accent tapos lalong lumaki ang ngiti niyang nakakaloko. Ang hilig talaga niya gayahin ang mga ganyang accent.

Parang may kinalaman si Jade dito ahh.. Pag ganyan kasi ang smile niya sakin palaging tungkol kay Jade eh.

"Ano nangyari kay Jade habang wala ako?" Nag bikit balikat lang siya, still wearing that weird expression on his face.

"Wala naman, In fact she has been in good hands nung wala ka."Sabi niya. May pa mysterious effect pa..Tss..

"What do you mean in good hands?" I'm starting to feel a little anxious. Pag si Jade na ang pinag-uusapan, hindi ko na mapigilang hindi maging ganito.

At ito namang kausap ko, binibitin pa ko ehh. Tsk!

"Well, she has been with her friends nung wala ka.. at alam naman natin na isa na dun si--

I didn't let him finish.

"Shut up! I don't wanna hear it!" Bad trip! Bakit ko ba nakalimutan ang tungkol sa kanya!?

"Ikaw tong nagtanong tapos nung sinagot ko na yung tanong mo ayaw mo naman pakinggan. Weird." Ako pa talaga ang weird ha! " Well it's your choice then. Kung ayaw mo marinig ang BUONG kwento di wag." Sabi niya emphasizing the word 'buong'.

                                           ****KRRIIIINNGG!****

"Gotta go. May klase pa ako eh.. Ikaw din di ba?" Hindi ko lang siya pinapansin pero pinagpatuloy lang niya ang mga sinasabi niya. "Oh, I gave you information ha. Kaya next time, it's your turn to talk." Sabi niya gamit pa rin ang nakakalokong expression niya then he winked at lumabas na ng SC office.

Haaay! Kahit kelan talaga anlakas mambadtrip ni Matt. Hindi ko nga alam kung pano ko naging best friend yun eh.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at lumabas. Hindi muna ako magkaklase, Nabadtrip ako ehh.

Nakakainis naman kasi.. isa sa mga kaibigan ni jade yang Brian na yan na alam kong matagal na niyang gusto. Tapos yun pa yung nireport sakin ni Matt. Ang ganda tuloy ng araw ko.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng canteen. Hindi ko ineexpect na dito ako dadalhin ng mga paa ko pero ayos na rin. Bibili na lang ako ng ice cream pampatanggal sa init ng ulo.

Pumasok na ako at papunta na sana sa may bilihan pero ibang direksyon ang pinuntahan ng mga paa ko. Pumunta ito kila Jade at Brian na kasalukuyang kumakain .

Anung ginagawa nila dito? Hindi pa naman break pero bakit nauna na silang kumain dito ngayon? At ang sweet pa nila ah! Hiyang hiya naman ako.

Nilapit pa ni Brian ang mukha niya sa mukha ni Jade...tpos..pinunasan niya ang mukha nito..Phew! akala ko kung ano na..

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala nila ako pero hindi naman nila ako napapansin..Tsk! Hindi ba nila alam na may tao na dito!? Kahit ayoko man na nandito na ako sa tapat nila...

Kelangan ko ng panindigan to..

Nakakahiya naman sa mga tao pag nakita nila ako na nanunuod lang sa dalawa na nilalanggam na.. magmukha pa akong watcher dito ng dalawa.

Hinawakan ko kagad ang braso ni Jade at hinila siya papalabas ng canteen.. Ayoko man eh nagawa ko na.

"Ui Jade!"

"Brian!"

 O sige, magtawagan nalang kayo! Bad trip. Bakit kasi may gusto kang iba Jade? Bakit sa linahat lahat ng lalake si Brian pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit ba hindi mo ako magawang tignan?

"F-franco?" gulat na tanong ni Jade. Ngayon lang siguro niya nakita na ako ang humila sa kanya. 

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na naglakad papuntang SC office habng hila-hila ko ang braso niya. Naisip ko na sa SC office nalang siya dalhin dahil para sakin, tahimik ang lugar na yon at yun ang  pinaka safe na place para makausap ko siya. Makausap nga lang ba?XD

Nang makarating kaming SC office ay malakas na isinara ko ang pinto.

                                       ***BLAAAGG!***

Halatang gulat na gulat si Jade sa ginawa ko. Pero hindi ko na lang pinansin yun.

Tinulak ko siya sa pader na lalo niyang ikinagulat at hinarang ko ang dalawa kong kamay sa may gilid ng balikat niya.

"U-umm...F-franco.." Halatang gulat at takot ang nararamdaman niya ngayon dahil sa reaksyon ng mukha niya. Pero hindi ko na lang siya pwede bitawan ngayon.

"J-jade..."

*************

A/N: Thank for reading!  At pansamantala pong dito muna nagtatapos ang POV ni Franco. Sorry po kung matagal na nakapag-update. At sorry din po kung medyo late yung story... Sino kaya ang nagtext kay Franco? Anyways, Enjoy! ^^

                                                                               -SS836

Yes Boss! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon