Chapter 1

197 7 4
                                    

(A/N: Dedicated to another person na nag fan sakin.^^ Thank you po for fanning! I hope you would like this way of mine in saying "thank you!" hehe!XD)

************

"Gawin mo nga tong assignment ko!"

"O-opo"

"Ibili mo nga ko neto"

"Sige po"

"Abutin mo nga yun"

"E-eto na po"

********

Ako si Jade.

At isa akong utusan ng student council president naming si Franco. Hindi naman ako mahirap o may problema ang pamilya namin patungkol sa pera kaya ako sunud-sunuran sa kanya. May utang na loob lang ako na binabayaran. Pero sabi nila, mas mahirap daw bayaran yun kesa sa pera...

Ewan!

Nakakainis nga lang minsan dahil lahat ng utos niya ay sinusunod ko ni wala man lang thank you akong naririnig mula sa kanya. Hindi naman sa nagdedemand ako, parang yun naman kasi ang dapat niyang gawin...di ba?

Haaaaayyy!

***

Andito ako ngayon sa labas ng student council room at hinihintay na matapos sila Franco sa mga gingawa nila. Ayaw niya naman ako papasukin pero gusto niya dito nalang ako sa labas maghintay para pagkalabas niya eh kukunin ko na kagad ang mga dala niya at dadalhin sa kotse niya.

Oh sosyal siya di ba?XD

"Ui Jade!"Masiglang bati sakin ng isang lalaki na naglalakad sa hall.

OMG!>.<

"Ui Brian! Uuwi ka na?"tanong ko sa kanya pagkalapit niya sakin.

Si Brian nga pala. Close friend/secret crush ko. Mabait, gwapo at sporty yan!^^

San ka pa?XD

"Oo ehh. Anung ginagawa mo sa tapat ng student council office? Tara sabay na lang tayo umuwi kung gusto mo?"sabi niya habang nakasmile.

Waaaaah! Niyayaya niya ako! OMG! hindi ako makapaniw----teka...huhuhu! Hindi pala pwede! T.T

"Salamat sa offer pero hinihintay ko kasi si Franco matapos sa mga ginagawa niya sa loob. Alam mo naman ang situation ko di ba? Pero thank you talaga."sabi ko ng nakasmile din sa kanya.

"Ahhh..oo nga noh. Hehe. Sige una nako ha. Ingat ka!"sabi niya ng nakasmile parin at nag wave na siya sakin ng goodbye at umalis na.

"Ikaw din ingat ka. Thank you talaga."sabi ko din.

Haaay! Sayang naman un.

*******

Matapos ang ilang minuto lumabas na ang halimaw..este..si Franco mula sa student council office. As usual, naka busangot na naman ang mukha. Never pa niya akong pinapakitaan ng nakasmile na expression sa mukha niya promise! Lagi na lang seryoso oh kaya galit ang nakikita kong expression ng mukha niya pag mag kasama kami.

"Oh!"sabi niya pagkalabas na pagkalabas niya ng student council office. "Dalhin mo yang mga yan sa kotse ko at wala dapat mababagsak sa mga yan"sabi niya sakin ng seryoso ang mukha.

"O-opo."Yan lang ang palagi kong sinasagot sa kanya.

Pagkatapos nun ay nauna na siyang naglakad kesa sakin papunta sa kotse niya. Ako naman ay hirap na hirap sa pagdadala ng mga gamit niya.

Ang Bigat kaya!

***

Pagkadating na pagkadating namin kung san naka park yung kotse niya ay binuksan niya kagad ito at inilagay ko ng buong ingat ang mga gamit niya.

"Ahmm...aalis na po ako."sabi ko nang mailagay ko na sa kotse niya yung mga gamit niya.

Maglalakad na sana ako paalis sa kanya nang hawakan niya ang braso ko. Bigla namang may kung anong nangyari sa dibdib ko at bigla akong kinabahan.

"Sandali..."sabi niya. Napatigil naman ako sa paglalakad at hindi ako makagalaw.

ANO BA NANGYAYARI SAKIN!?

"A-ano p-po yun"paputol putol kong sabi.

"Sumama ka sakin"maikling sabi niya tapos binitawan niya na ako at pumasok sa kotse niya.

Naiwan naman akong tulala lang sa kinatatayuan ko. Ano nangyari? Bat di ako makagalaw ngayon? Bat ambilis ng tibok ng puso ko? Hindi naman ako tumakbo oh nag excercise. Pero nagbuhat ako ng mabigat na bagay papunta dito eh ang layo layo nito mula sa student council office. Tama, Tama baka nga dahil dun napagod ako ng husto.

*BEEP!* *BEEP!*

"Ay kabayo!"nakakagulat naman yun!

"Ano ba! Sabi ko di ba sumama ka muna sakin! Ano pa hinihintay mo!? Pasok na!"sigaw niya. Galit na naman siya.

"A-ahh..y-yes boss!"sabi ko tapos dali daling pumasok sa kotse niya.

San naman kaya kami pupunta?

***********

(A/N: Chapter 1 Published! Hehe!XD Thanks for reading po! Tsaka sana magustuhan nyo. Please comment, vote or be a fan kung gusto nyo po. Enjoy!^^)

Yes Boss! [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon